Kabanata 4

719 40 5
                                    

Kabanata 4

Proud

-Iya-

Finally.

After what happened in the gym, Jerome stopped bugging me. Hindi ko na rin siya madalas makita dito sa university. Finally, narealize niya na rin na hindi ako ang dapat niyang nilalapitan. He's too famous, imposibleng wala siyang mahanap na malalapitan niya. He's surrounded with a bunch of people, he can just pick someone... and it's not me because I'm not part of it.

Wala ako sa choices niya.

"And?" Jas asked excitedly. "Ano na nangyari, Iya?"

"Tinigilan na niya ako. He stopped pestering my life since last week." bagot na sagot ko.

I told her about what happened this past weeks. Instead of getting sympathy because of what happened, aba kinilig pa ang bruha. What a supportive best friend! Kung hindi pa ako titigilan ng Jerome na iyon ay baka nalaglag na ang pangalan ko sa buong Wiesel at sa ibang university. Baka mahanap na ako ni Mommy...

"Ano!?" bulyaw niya. "Iya! Iya si Jerome Montello 'yun! Duh! Bakit mo pinalagpas!?"

"Bakit ba frustrated ka? Bakit gusto mo ireto kita sa kanya?" umirap ako.

"Gaga hindi! Alam mo ba kung gaano kayaman ang pamilya niya? Their companies are dominating the market, Iya. Malaking isda na ang lumalapit sa'yo, hinayaan mo pang makawala." she sounds frustrated.

"So what?"

"Hayy, Iya, bakit ba ganyan ka? Hindi mo ba alam ang idea ng love? Who knows baka siya na pala ang sagot sa problema mo, Iya. Aish! Ano ka ba naman!"

"At paano naman siya ang magiging sagot? Baka nga dahil pa sa kanya malaman nila Mommy na nandito ako... it's too dangerous for me to be near that guy, Jas." I sighed.

"Bulag ka talaga sa idea ng love 'no? Alam mo kung may gusto sa'yo 'yun si Jerome at malaman niya na may fiance ka, ipagtatanggol ka nun. Kaya safe ka na sa kanya kahit makita ka pa ng mga magulang mo..." aniya.

Umismid ako sa sinabi niya. "Stop believing in the idea of fairytales, Jas. Those are not real..."

"Iya!" aniya. "Ang nakaka-frustrate lang sa'yo, masyado kang realistic."

"We were thought that it's family over anything, Jas." malamig na sambit ko.

Naalala ko ang kwento sa akin ni Daddy noong nabubuhay pa siya. May minahal siya noon na isang babae but unfortunately that girl isn't rich as my father. And because of our family's stupid tradition, he left the woman he loves to marry my mother. He did that because of our family. It's family over anything. And he died regretting that he didn't follow his heart...

Is it still right to follow your family even if they're wrong?

Ano ba ang dapat pagsisihan? Ang hindi pagsunod sa puso mo o ang hindi pagsunod sa pamilya mo?

"Iya..." malumanay ang tono niya.

The idea of love is so scary, for me. I don't understand why some people are willing to take risks for love and some are not. I don't know what triggers someone to fight for it. Bakit si Daddy hindi niya pinaglaban ang mahal niya? Is it because he loves his family more? Ganun ba? Kapag mas mahal mo ang isang bagay kahit alam mong mali ay 'yun ang susundin mo?

"I don't know, Jas. Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang sarili ko."

What motivates me to do all of these is my desire to protect myself from the painful world that I have. I just don't want to regret anything in the future...

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon