Kabanata 8
Trust
-Iya-
Tahimik lang akong nagbabasa ng libro ng may marinig akong katok mula sa pinto ng kwarto ko dito sa dorm. Nag-angat ako ng tingin at binaba ang librong hawak ko. Hindi ko alam na darating pala dito ang may-ari ng inuupahan kong dorm.
Bumangon ako at humikab bago dumiretso sa pinto ng kwarto para buksan. Halos kagigising ko lang at hindi pa ako nakakapag-ayos. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makita ko si Jerome Montello na malawak na nakangiti sa akin.
"What the hell are you doing here?" inis na sabi ko at tumingin sa labas.
"Good Morning!" bati niya at pinakita niya sa akin ang isang plastic na may pagkaing galing sa Jollibee. "Tara almusal na tayo?" anyaya niya at basta na lang siya pumasok sa kwarto ko.
"Hoy! You're invading my privacy! Get out." mariing saad ko sa kanya pero tumawa lang siya at umupo doon sa upuan malapit sa kanya. "Aba kinuha mo na nga ang trabaho ko pati ba naman 'to?" naiiritang sambit ko sa kanya.
Grabe pakiramdam ko sasabog 'yung ulo ko sa sobrang inis at irita sa kanya.
"Punta ka rin sa bahay namin, welcome ka dun. You also have the right to invade my privacy, Sab." aniya at lumapit siya sa akin. "Huwag ka ng mainis diyan, friends naman tayo eh!" napalabi siya at marahan akong hinatak palapit sa mesa kung nasaan 'yung pagkain.
Grr! At talagang kumalam ang sikmura ko ng malanghap ko 'yung pagkaing dala niya.
My stomach is betraying me for goodness sake!
"Ano na naman 'yan? Pampalubag loob?" turo ko doon sa pagkain.
"Uhm, my way to get closer to you?" ngumisi siya at nilabas 'yung pagkain.
At talagang feel niya na welcome na welcome siya dito ah? Kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to! At hindi ko talaga siya pinaalis huh?
"Napansin ko kasi ang bilis mong bumigay kapag may pagkaing involve." tumawa siya. "Buti hindi ka natatakot tumaba ano? Pero ang payat mo ah? Saan napupunta 'yung mga kinakain mo?" sunod-sunod na tanong niya na naging dahilan para kumunot 'yung noo ko. What the hell is he saying?
"Hindi kita maintindihan." umiling ako. "At sinong nagpapasok sa'yo dito? Bakit sila pumayag na nandito ka? What?" naguguluhang tanong ko. Ngumiti naman ulit siya sa akin.
"Yung landlady mo, hindi naman daw bawal ang bisita."
"Ano? Imposible!" umiling ako at umupo sa harapan niya.
"Oo, di ka lang siguro aware kasi sabi ikaw na lang naman daw ang nagdo-dorm dito at wala namang bumibisita sa'yo, kaya nga nagulat nga siya ng malaman niyang bisita mo ako. Mabilis niya akong pinapasok." pagdadahilan niya at inilagay sa harapan ko 'yung isang breakfast meal ng Jollibee.
Umirap na lang ako sa kawalan at pinagtuunan ng pansin 'yung pagkain.
"Tara kain na tayo..." anyaya niya.
Dahil hindi ako tumatanggi sa pagkain ay mabilis kong binuksan 'yung lalagyan. Kinuha ko 'yung plastic spoon and fork at nagsimulang kumain. Nagsimula na rin naman siyang kumain nung dala niya.
"Kumain ka na ba?" biglang tanong niya. Napatingin ako sa kanya at umirap.
"Ngayon mo lang ako tatanungin niyan?"
"Wala lang akong ma-topic, Sab. Ano palang gagawin mo? Pwede bang dito muna ako?"
"At bakit?" tumaas ang boses ko.
BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty
HumorFairytale Series #2: Iya tried to leave the life that she used to have to escape from a tradition that her family follows for generations. In order for her to hide her real identity, she keeps on hiding herself from everyone, avoiding to attract the...