Kabanata 13

557 29 5
                                    

Kabanata 13

Alarming

-Iya-

"Kita mo 'to, wala talagang hustisya." inis na bulong ko sa sarili ko.

Bino-browse ko kasi 'yung mga pictures namin ni Jerome. Sinend na niya na rin 'yung mga selfie namin na nandoon sa phone niya. Nakakainis kasi ang gwapo pa rin niya sa mga pictures kahit mukha na siyang naiimpatso dun. Samantalang ako mukha talaga akong timang sa mga pictures.

Tumagilid ako at tinignan 'yung lalaking natutulog sa sahig. Nakatalikod siya sa akin at mukhang tulog na tulog pa rin. I looked at my wall clock, it's eight o'clock in the morning. Mamayang hapon pa naman 'yung klase ko kaya ayos lang sa akin na dito muna pero siya... paano siya makakapagpalit? May klase ba siya ngayon?

Umurong ako papunta sa gilid ng kama para abutin siya at gisingin. Pero bago ko pa siya kalabitin ay bahagya siyang gumalaw kaya humarap siya sa akin. I smirked as I get my phone on my side and opened the camera application. Kinuhaan ko muna siya ng picture sa iba't ibang anggulo habang natutulog.

"Psst... gumising ka na, tanghali na." sabi ko sa kanya at kinalabit siya.

"Hmmm..." aniya at muli na namang tumalikod sa akin. Tinaklob naman niya sa mukha niya 'yung isang unan at nagtalukbong ng kumot.

"Five minutes..." paos na sambit niyam

"Hoy senyorito, bumangon ka na diyan at wala ka sa bahay niyo. Hanep ka ah? Nakikitulog ka na nga lang, magpapagising ka pa..." inis na wika ko at lalo siyang niyugyog para tuluyang magising at bumangon. 

"Uhhh... mamaya na. Ang sama ng pakiramdam ko..." he groaned.

Napabangon ako doon sa sinabi niya at mabilis na lumapit sa kanya. Umupo ako doon sa tabi niya at marahan siyang hinampas sa balikat. He groaned again then tightly hugged my pillow. Nilagay ko naman ang kamay ko sa noo niya at napagtanto na may lagnat siya.

"Hoy Jerome! Bumangon ka na diyan! Kumain ka na, uminom ng gamot at umuwi na sa inyo!" bulyaw ko at malakas siyang hinampas sa balikat. Napabalikwas siya at kaagad na bumangon. Halos nakapikit pa ang kanyang mga mata at gulong-gulo ang buhok.

"Nakikitulog ka na nga lang, magpapagising ka pa. Kung may sakit ka, umuwi ka na sa inyo at doon magpahinga." mariing sabi ko sa kanya.

"Di ko pa kayang umuwi..." namamaos na saad niya at napakamot ng ulo.

"Wala akong gamot dito bukod sa biogesic. Huwag ka na lang munang pumasok kung may klase ka at doon ka sa bahay niyo magpahinga." sabi ko sa kanya at pilit na kinuha sa kanya yung kumot dahil mukhang balak pa niyang matulog.

"Ugh... mamaya na lang... wala naman akong-"

"Kumain ka na ng almusal diyan, may tinapay pa ako dito, yun lang ang mabibigay ko at isang basong kape." pagpapatuloy ko pero natigilan ako ng makita siyang nakatulala at mukhang malalim ang iniisip.

"Anong araw ngayon?" tanong niya sa akin.

"Friday... bakit? May class ka?"

I raised my eyebrow while looking at him. Kaagad naman siyang napabangon at kinuha 'yung bag niya. Ngayon naman mukhang ngarag na ngarag siya. Napailing na lang ako at tumayo na para asikasuhin ang almusal naming dalawa.

"Gusto mo rin ba ng kanin? Bumili ako kanina diyan sa labas..."

Dumiretso ako sa table na nasa kwarto ko at inayos 'yung mga binili kong almusal sa labas kanina. I thought that maybe he doesn't want to eat bread for breakfast. Naglagay na rin ako ng mainit na tubig sa dalawang mug.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon