Kabanata 11

535 24 8
                                    

Kabanata 11

Nakilala

-Iya-

"O bakit ka nandito, Iya?" tanong sa akin ni Jerome pagpasok niya sa shop.

Sinamaan ko siya ng tingin. I should be the one asking him that question. Umismid ako sa kanya at tinalikuran siya para ipagpatuloy ang paglilinis ko ng lamesa na ginamit ng kakaalis lang na customer.

"Ikaw? Bakit ka nandito? Nanalo kayo sa game niyo, you should be celebrating with your teammates somewhere or whatever. Hindi ka na dapat pumasok pa. And besides you're probably tired. Umalis ka na..." mariing sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng mesa.

"Pero trabaho ko 'to-"

"Trabaho ko 'to na kinuha mo." hinarap ko siya. "Ayos lang, Jerome. 'Wag mo ng pilitin ang sarili mo na gawin ito. Magpahinga ka na lang. I can do this."

"Pero kasi, Sab..."

"Wala ng pero-pero! Umuwi ka na sa inyo o di kaya sumama ka sa mga kaibigan mo."

Magsasalita pa sana siya ng biglang sumulpot sa pagitan namin si Kuya Dustin. I raised my eyebrows while glaring at him. Ngumisi naman siya sa akin at bumaling kay Jerome na nakatingin na kay Kuya Dustin.

"Sir! Magandang gabi!" he greeted my cousin. Umirap ako. "Sorry, I'm late."

"Ayos lang, balita ko nanalo raw kayo laban sa MD kanina." sabi sa kanya ni Kuya.

"Oo nga po, inspired kasi ako kanina kaya ginawa ko ang best ko para manalo kami." he said as he flashed a smirk. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko na nasa akin ang kanyang tingin.

I glared at him.

"O talaga? Bakit naman? Magaling ka naman talaga, Jerome. Pareho kayo ng Kuya mo."

"Hindi naman, si Kuya magaling talaga 'yun. Pero iba yung kanina kasi nayakap ko ang inspirasyon ko para manalo sa game." lumawak ang ngiti niya. Pinandilatan ko siya ng mata at ipinakita sa kanya ang kamao ko.

Mabilis ko rin itong ibinaba ng lingunin ako ni Kuya Dustin. Makahulugan siyang ngumiti at tumango bago muling humarap kay Jerome. Lalo kong sinamaan ng tingin si Jerome.

"Ahh, kaya pala..." Kuya Dustin said in teasing tone. "O siya, dahil naririndi na kami sa pagtatalo niyo. Mabuti pa dalawa na kayong mag-duty dito ngayong gabi. Tutal naman mukhang pareho niyong gustong magtrabaho." sabi sa amin ni Kuya.

Marahas akong napatingin sa kanya. Hindi ito ang napag-usapan namin. I thought he'll force Jerome to go home. Pero ano ito?

"Kuya!"

"Yes, Sir!" nakangiting sabi ni Jerome. "Gusto ko ng idea mo." aniya at tumawa.

Mabilis naman siyang umalis at dumiretso sa kwarto para siguro ay magpalit ng damit. Marahas naman akong napatingin kay Kuya Dustin. He just shrugged his shoulders and smiled at me teasingly. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Inspirasyon ka pala niya..." ngumisi siya.

"Shut up, Kuya." inirapan ko siya. "I told you to ask him to go home."

"But he likes to work for me. Who am I to decline a hardworking employee like him? My coffee shop needs a worker with the same enthusiasm as him." aniya at tumingin doon sa kwarto na pinasukan ni Jerome.

Muli akong umirap at kinuha yung tray at mga panlinis na basahan doon sa table.

"Businessman." mariing singhal ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya. "Sana ikaw na lang ang naging Mondragon at ng ikaw na ang nagpakasal at namahala ng mga negosyo ng pamilya." dagdag ko at umalis na doon sa lugar niya.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon