♥ACCIDENT♥

266 15 0
                                    

KATE'S POV

Nagulat kami nang makarinig kami ng putok ng baril, at nakita ko si Kuya, yakap yakap si Patricia kaya si Kuya ang natamaan...

"KENJI!"sabay sabay nilang sigaw, at lalo na si bessy na humahagulgol sa iyak

"K-kuya"sambit ko, biglang may nabasag, at nakita ko yung lalake na nakabugbugan ni Kuya ay buhat buhat yung babae na kasama nila habang tumatakas, hinabol ko sila pero hindi umabot, pero may natapakan akong matigas, pinagmasdan ko ito at isa ito keychain at tatlong letra nakalagay...

"V-V-R?"sambit ko habang hawak hawak ang keychain, nahulog iyon galing dun sa lalake, ano toh?

"KATE!"sigaw ni Paul pagkatalikod ko yung lalake, hahampasin sana ako ng upuan, napapikit na lang ako at hinihintay na matamaan pero wala akong naramdaman...

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Paul na hawak hawak ang upuan at nakahandusay yung lalake na duguduguan...

"Eh, P-paul, ayos ka lang"nag aalala kong tanong

" mag ingat ka sa susunod"sabi niya, dumating na ang mga pulis at ambulansya at pinasok nadun si Kuya, pagkalabas namin ng mall, umuulan...hindi naman nasabi na pangit pala ang panahon ngayon...

Pumasok na kami sa ambulansya at si Bessy iyak ng iyak, hindi ako umiiyak dahil alam kong malakas si Kuya, hindi niya ako iiwan...

Wala si Mama at Papa dahil nasa business trip sila, one month sila dun, tinawagan na sila ni Marco, atang sabi nila kahit gusto daw nila umuwi hindi daw pwede...

"Kasalan ko toh eh, ako dapat yung matatamaan bakit siya humarang"sabi ni bessy habang umiiyak, nakakapag taka lang, nung umiyak si Bessy, lumakas ang ulan...what's wrong...

"Ano...bessy, wala kang kasalanan.."sabi ko sa kanya pero iyak lang siya ng iyak

"Dapat ako yung nasa kalagayan niya, hindi siya dapat ang nakahiga diyan, ako dapat"sabi niya at umiyak sa balikat ko, yakap yakap niya pa tin ang bear na binigay sa kanya ni Kuya, at hawak naman ni Paul yung akin...

PATRICIA'S POV

Nasa hospital na kami at si Kenji ay nasa emergency room, hindi aki mapakali ngayon dahil sa kalagayan niya, sising sisi ako sa sarili ko...

"Patricia, relax, malakas si Kenji...kakausapin ka ng pulis"sabi ni Paul at kinausap ako ng pulis

"May alam ka ba sa nangyari"tanong ng pulis

"Wala po, hindi ko po alam kung bakit gusto nila akong kunin"sabi ko habang umiiyak

"May alam ba kayo, o nakuha sa mga suspek, nakita niyo ba ang mukha"sunod sunod na tanong ng pulis at lahat kami ay umiling maliban kay Kate na may pinakita sa amin

"Bessy, alam mo ba ito"tanong niya sa akin habang pinapakita ang keychain na may nakalagay na tatlong letra

"V-V-R?"patanong kong sabi habang tinititigan ang bagay na iyon

"Wala"sabi ko, binigay ni Kate ang keychain sa mga pulis at umalis na sila

napaupo na lang ako, kasalan ko ito, bakit ba lahat ng tao sa paligid ko nasasaktan...

"Kasalan ko toh"bulong ko

"Wala kang kasalanan Patricia, hindi naman gagawin yun ni Kenji kung hindi ka importante sa kanya"paliwanag ni Paul kaya napatingin lahat sa kanya

"Lahat ng tao na importante kay Kenji ay hindi niya hinahayaan masaktan, at baka isa ka nadun kaya niligtas ka niya, kaya wala kang kasalanan, malakas yun"sabi niya sa kin habang hinahagod ang likod ko

OPERATION: Finding My Future GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon