PATRICIA'S POV
Ngayon ang araw kung saan lalabas kami ni Kenji, sabi niya after class daw eh, nag paalam narin naman ako kay Mama at Papa basta uuwi ako ng maaga...
*KRRRIIINNNGG*
Yes! uwian na....excited much kasi ako, ewan ko ba...
"Patricia"biglang may tumawag sa akin at nakita kong si Paul ito. . .
"Hinahanap ka ni Queen, nasa labas siya"sabi niya at tinignan ko muna si Kenji, mukhang nag aayos pa siya ng gamit niya, lumabas ako at nakita kong nag hihintay doon si Queen ang daming estudyante ang nakatingin pero abala siya sa pagkain ng ice cream
"Hi Ate!"tawag niya, lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya
"Hinahanap mo daw ako"tanong ko at tumango siya
"Pwedeng favor"tanong niya at dinilaan ang ice cream na parang nasasarapan siya, masyadong GM ang utak, pero paminsan minsan lang naman
"Ano naman yun"tanong ko sa kanya, kinain niya ang last bite ng apa at kumuha ng panyo,pinunas ang kamay niya doon at tinago ulit ang panyo tsaka siya nag salita
"Starting tomorrow...mag simula ka sa 12 am, kada isang oras, gusto kong tumingin ka sa notebook na nasa bulsa mo ngayon"utos niya at nagulat ako, paano niya nalaman nanasa bulsa ang notebook
"its a favor Ate, kaya ikaw rin bahala, bye bye Ate"paalam niya at umalis, biglang lumakas ang ihip ng hangin na halos lumipad ang buhok ko patagilid at parang dinaanan kami ng isang eroplano at umalis agad...tinititigan ko ang notebook na hawak ko ngayon at habang binubuklat biglang naglaho lahat ng sulat kaya nataranta ako
"WAIT!"sigaw ko habang hinahabol ang mga sulat na unti unti nawawala, tumingin ang lahat sa akin dahil sa sigaw ko, dyuuusskkooo, Patricia umiral na naman ang katangahan mo, ngumiti nalang ako at pumasok sa room habang ang notebook ay nasa bulsa...
"Patricia, let's go"nagising ang kaibuturan ko nang may tumawag sa akin at si Kenji ito at tumango na lang ako...
"Saan mo gusto pumunta"tanong niya habang naglalakad kami sa hallway at nakatingin sa amin lahat kaya naiilang ako
"Patricia, saan mo gusto pumunta"
"Ay, Patricia!"sigaw ko kaya napahawak ako sa bibig ko at nakita kong pinipigilan ni Kenji ang tawa niya
"A-ano, kahit saan na lang"sagot ko sa kanya
"Okay, kahit saan pala eh"sabi niya at bigla niya akong hinawakan sa braso at hinila nagulat ako nang malapit na kami pumasok sa cr ng boys
"T-teka, teka, bakit diyan"tanong ko
"Sabi mo kahit saan"sagot niya at napatanga na lang ako
"Except diyan, timang ka talaga Kenji, ikaw nalang mag decide"sabi ko sa kanya at napaisip siya, napaisip rin ako kung saan, aha!
"SA SOGO!"sigaw ko pero wala naman na karinig at napa ubo naman siya at nataranta agad ako
"Halaaa, nagjo joke lang ako, sa amusement park? tama, tama sa amusement park na lang, heheheheh"sabi ko at nakita kong tinititigan niya ako kaya napalunok ako
"walang oras talaga na hindi mo ako napatawa, hahahahahahah"sabi niya at tumawa ng tumawa
"Halika na, dapat maaga pa lang nandun na ako sa bahay"sabi ko sa kanya at hinila niya ako bigla, at naglakad na kami
Sumakay kami sa kotse niya, at nag kwentuhan. . .
"Soo, Patricia, ano tipo sa lalaki?"tanong niya sa akin kaya napaisip agad ako
"Uhmm, matalino, gwapo o kaya kahit hindi basta hindi ako magsasawa tignan ang mukha niya pero mas maganda kung gwapo, tapos mas matangkad sa akin, hindi ako lolokohin, mamahalin ako, matapang, at loyal dapat"sagot ko at ngumiti lang siya
"Hindi pasado"sabi niya at pumilantik kaya napatulala ako
"I-i mean hindi ako pasado sa quiz kanina"sabi niya at napaalis na lang ang tingin ko sa kanya
Nasa amusement park na kami pero nag park muna kami ng kotse niya, pagkababa ko pa lang binuksan niya agad ang pinto, wow....gentlemen...
Habang naglalakad kami, marami na kaming nakitang mga pwedeng sakyan na rides at nae excite ako, hihihihihi
"Saan mo gusto unahin"tanong niya with smile on his face, napatingin ako sa paligid ko at iniisip kung ano ang uunahin ko
"Rollercoaster!"sagot ko sa kanya at parang namutla siya, wait, may fears of height ba siya
"S-su-sure k-ka ba"utal niyang tanong at pinagpapawisan
"Ay, okay lang Kenji kung ayaw mo doon"sabi ko at umiling siya
"Kaya ko toh!"sabi niya at finaas pa ang isang kamao na parang handang sumugod sa gera
"Halika na"aya niya at hinawakan ang kamay at hinila papunta sa rides na sasakyan namin...
Nang makalapit kami, parang mas lalong pinagpapawisan si Kenji kaya iniiisip ko na itigil na lang ito
"Okay ka lang"tanong ko sa kanya
"Naman!"matapang sagot niya at kami na susunod at doon kami sa bandang unahan para feel ko talaga, hahahahaha
"Kenji, suot mo na yang seatbelt"utos ko sa kanya at sinunod naman niya pero habang nilalagay iyon nagka buhol buhol na
"Akin na Kenji"sabi ko pero umiling siya
"Kaya ko toh"sabi niya at parang mas lalong nabuhol ang seatbelt nang biglang...
"THE FUUUUUUCCCKKKK!"sigaw ni Kenji habang mahigpit na kumapit sa hawakan ng kanyang upuan, hindi niya nalagay mabuti ang seatbelt kaya natanggal ito
"WTF! WTF! WTF! WHAT THE FUCK!"sigaw niya habang mahigpit parin kumakapit ng biglang bumaligtad ang coaster kaya nadulas ang kamay niya
"PATRICIAAAAAAAA!"sigaw niya at biglang yumakap sa akin biglang nalimutan ko lahat ng pangyayari, naramdaman ko na parang bumilis ang tibok ng puso ko at yung mga tibok na yung ang naririnig ko...
IS THIS WHAT YOU CALLED SLOW-MO MOMENT?!
"WHAT THE FUCK!"sigaw niya at doon nagising ang ulirat ko, at nagulat ako ng mas lalo siyang yumakap
"Bwisit na seatbelt tohhhhhhh!"hiyaw niya sa hangin kaya napatawa ako, kinakabaha talaga siya pagdating sa ganito, halaaa! Lagot ako, dapat kasi hindi na lang ito ang pinili ko...
Natapos na kami sa rollercoaster at ito kai sa bench naka upo at siya naman habol hininga umiinom ng tubig
"Letche...ha..talaga yang...seatbelt nayan"sabi niya habang humihingal ng mabilis, tawang tawa ako sa itsura pero nakokonsensya rin ako
"Kasi sabi ko wag nalang dun, pinilit mo eh"sabat ko sa kanya bigla siyang tumigil sa paghingal at naging normal ang paghinga
"Basta para sayo, oks lang, hahahahah"sabi niya sabay tawa, naisipan namin na kumain muna ng meryenda baka daw sakali bumalik ang energy niya
*ting*
Biglang tumunog ang cellphone ni Kenji at tinignan namin parehas, napakunot ang noo ko nang makita ko kung ano yung nakalagay
May bata, kaarawan niya ngayon ng bigla siyang sagasaan, kailanganmoito ipasa sa 25 mong kaibigan dahil kung hindi, dadalawin ka niya
-Adirolf Nacrom
Napakamot ng ulo si Kenji at ako ay tumatawa...sino kaya toh?
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥Ang panget ng chapter na ito, ayaw talaga mag process ng utak ko, hahahahaha, corney ko sa chapter na ito
BINABASA MO ANG
OPERATION: Finding My Future Girlfriend
FantasyPaano kung nalaman mo na nagkaroon ng CURSE ang pamilya mo... At yun ang hanapin ang taong naka TADHANA sa iyo... MAHIRAP diba, hindi mo pa nga nakikilala tapos hahanapin mo pa... Maraming CONSENQUENCES kapag hindi mo nahanap ang naka tadhana para...