♥NECKLACE♥

415 25 0
                                    

PATRICIA'S POV

Naalimpungatan ako sa dahil sa lamig na naramdaman ko, bakit ang lamgi eh walang aircon ang kwarto ko, kwarto ko ba ito?

Napamulat agad ang mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame, nasa langit na ba ako, uupo sana ako ng mahilo ako at hinawakan ko ang ulo ko, may gasa, bakit may ganito?

.....

.....

.....

"KUYA!!SI PATRICIA GISING NA!!"nagulat ako sa sigaw na malapit sa pinto at nakita ko si Kate nasa pinto at pumasok na may dalang uniporme pati ang underwear ko, tinignan ko ang suot na damit ko, nakapang bahay ako at naka underwear pero hindi sa akin

"Kamusta ka na"tanong ni Kate, sa kanya ba itong kwarto

"Ah, anong nangyari sa akin, sa iyo ba tong kwarto"sunod sunod kong tanong

"Hindi akin toh, guest room ito, wag kang mag aalala, ayos lang naman ang kalagayan mo kaya lang kita tinatanong dahil baka mamaya may nararamdaman kang hindi maganda, napag pasyahan namin na wag sabihin sa magulang mo at sinabing magkakaroon tayo ng group study para sa pre test"paliwanag niya sa akin napa bugtong hininga na lang ako dahil tunulungan na naman nila ako

"Wag ka mag aalala, babawi ako next time"sabi ko pero umiling siya

"Wag na, kaibigan na kita eh..so i should treat you like my sister"sabi niya kaya napangiti na lang ako...

"Salamat ah, baka nagalit pa ang magulang mo dahil sa akin"saad ko sa kanya

"No, hindi sila nagalit, actually pumayag sila and si Kuya ang nag decide na dito ka muna"sabi niya kaya nagulat ako, si Kenji ang nag pasya na dito muna ako

Biglang bumukas ang pinto at ang niluwa nito ay si Jeff, EJ, Paul at Marco...nakita kong nakangiti sila at lumapit sa akin...

"Musta ka na Pat"panimula ni Jeff sa akin, tinawag niya akong Pat, nakakatuwa lang...hahahah

"Ayos lang ako, medyo nahihilo ng konti"sagot ko sa tanong niya, lumapit naman si Paul

"Buti naman, oks ka lang ba dito"tanong niya at tumango ako...

"HOY, BUMABA NA KAYO DYAN!!"biglang may sumigaw sa baba at parang nadismaya sila

"Nagagalit na si Master"sabi ni EJ at tumawa, naligo na ako at hinintay ako ni Kate sa labas ng kwarto, sinuot ko na ang uniporme ko at bumaba na para mag almusal, nauna si Kate dahil kinuha ko ang bag ko, paglabas ko ng kwarto nalito agad ako, tatlo lang pwede kong daanan, gitna, kaliwa o kanan, hindi ko alam kung saan sa tatlo ang daan para makababa papunta sa dining room, hindi ko naman kasi kabisado ang bahay na ito...nag isip ako..kaliwa ba? kanan ba? o gitna?

"Sa tingin mo, ano ang pababa dito"tanong ko

"Kanan"sabi ko at humarap sa kanan

"Kaliwa"sabi ko at humarap naman sa kaliwang direksiyon

"O gitna"sabi ko at humarap sa gitnang direksiyon

"Naguguluhan ako"sabi ko at napakamot sa batok ko, kanan, kaliwa o gitna...

"Mini mini my ni mo, sino sa tatlo ang daan palabas dito, gitna, kaliwa o kanan, saan ang tamang daan na tatahakin ko"tumigil ito sa kanan na direksiyon, tama kaya ito...

"Hay, first instinct"sabi ko at kanan ang naisip ko kaya dumaan ako sa kanan na direksiyon, lakad lang ako ng lakad ng mapansin kong dead end na ako, wahhhhh...mali ang hula ko...this is the first time na nagkamali ako ng hula..babalik na dapat ako ng may madaanan akong pinto, at parang pinipilit ako na buksan ito, pero natatakot ako pero parang may pumipilit talaga...hinawakan ko ang doorknob at pinihit, unti unti kong binuksan ang pinto at unti unti rin ako tumingin, maliwanag dito dahil sa sinag ng araw pero may part na madilim, pumasok ako at hinayaan na bukas lang ang pinto, pumasok ako at nakita ko puro lumang gamit ang nakita ko, pero dun sa madilim na parte parang gusto kong pumunta doon kaya ako naman si tanga at pumunta dun, may nakita akong box na hugis parihaba, hinawakan ko ito at binuksan pagkabukas ko isang liwanag agad ang nakita ko at napapikit ako, binuksan ko ulit ang mata at nakita ko isang necklace ito, ang itsura ng pendent at parang tulo ng tubig at parang may laman ang loob, kulay asul ang liwanag na nakapalibot dito, pero nagulat ako na may boses akong narinig..

"Ikaw ang mag aalis ng sumpa sa pamilyang ito"sabi ng boses, binitawan ko agad ang box at umalis at tumakbo papunta sa gitnang direksiyon, kinakabahan ako habang tumatakbo ako, baka mamay multo yun, nagulat ako ng may mabangga ako at napasigaw ako

"KYAAAAHHHH!! MAY MULTOOOO!!"tili ko habang nakapikit, nagulat ako ng may humawak sa pulsuhan ko

"Anong multo"nagsalita ito, binuka ko ang mata ko at nagulat ako

"K-kenji"sabi ko at tumayo agad at pinagpag ang damit

"Ayos ka lang, pasensya ka na sa kapatid ko iniwan ka nakalimutan niya yata na hindi mo kabisado ang bahay"sabi niya at naglakad sinundan ko siya at nakita kong sala na ito, sinundan ko lang siya hanggang sa mapunta kami sa dining room

"Ah, goodmorning po"sabi ko, ito ba ang magulang nila, ang babata pa nila

"Sige, umupo ka na iha"sabi ng babae, siguro ang mommy nila

"Salamat po pala dahil pumayag kayo na dito po muna ako pansamantala"sabi ko at ngumiti

"Nako, wala iyon iha, nakakinis lang kasi, yang Montefalco na yan, nakooo, alam mo ba anak, Kenji, gusto kitang ipakasal sa kanya kaso nung naging dalagita na, aba! wala na siyang galang"sabi ni Tita, parang nabilaukan naman si Kenji kaya inabutan ko agad siya ng tubig at ininum niya yun habang si Kate ay hinihimas ang likod nito

"Ano ka ba naman, Ma..hindi ako pumapatol sa clown, pwede ba"sabi niya at kumain ulit

"Wag kang mag alala, wala na yun sa plano ko, hehehe"sabi ni Tita at tumawa

"Ah, Mom, by the way, this is Patricia Janine Guevarra, my very own bestfriend"pagpapakilala sa akin ni Kate

"Maganda ang pangalan mo iha"sabi naman ni Tito

"Salamat po"sagot ko

"You know dad, she's good in playing piano kaya palagi siya nakaka four thousand sa piano tiles, and may nakita ako na post niya, naka 6,748 siya sa piano tiles at ang title ay Searchlight Rag, ang galing mo dun Pat, at nakita ko ang pino post mo, ang galing mo mag drawinf"sabi niya habang tumatawa, p-paano niya nalaman

"Paano mo nalaman Kate"tanon ko at nilabas niya ang cellphone niya

"Ako ang dakila mong stalker, you know simula ng makita kita, i feel comfortable when im with you kaya i searched your name in facebook, and ayan ang nakita ko, an oh scratch that Kate, gusto bessy ang itawag mo sa akin, okay bessy"sabi niya at napangiti ako

"Sige bessy"sagot ko

"Ay wait, may ipapakita ako sa inyo"sabi niya at hinawakan ulit ang cellphone, hinarap niya ito kay Tita at Tito at nagulat ako ng tumawa sila

"Napaka ganda mo talaga iha"sabi ni Tita, at nagtaka ako, pinakita sa akin ni Kate ang pinakita niya sa mom and dad niya at nakita ko ang itsura ko na naka peace sign habang nakangiti at habang naka kindat, ang profile pic ko

"Ang ganda mo dito bessy, you know mas sikat ka pala kay Mika, ang dami mong friend oh"sabi niya at pu akita sa akin na 5,000+ ang friends ko

"Ah, kasi kilala ako sa eskwelahan namin, palagi akong sinasali sa mga art conyest pati na rin sa pag papatunog ng piano, at paligi panalo amg school namin dahil sa alun kaya maraming nag kagusto na maging kaibigan ako"sabi ko sa kanila

"Dapat malaman ito ni Mika na mas sikat ka kaysa sa kanya"sabi niya at pinigilan ko siya

"Wag na, ayos lang"sabi ko at ngumiti

"Oy, kayong mga eatudyante, tignan niyo 5: 34 am na, 6:30 ang pasok nandito parin kayo"sabi ni Tito kaya napadali agad kami at umalis na pero nag pasalamat ulit ako sa kanila at sumunod sa kanila pasakay ng kotse at otw na kami...hahah...otw talaga..kay Kate ko natutunan yan..

▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓

Kanino kaya ang boses na iyon?

Hello guys!!!

Thanks for reading my stories, please vote and comment!!!

Thankies everyone!!!

Paul John Falcon at the multimedia...

Please read my other story:

The Long Lost Goddess: Apollo's Story

Fantasy rin po yan katulad nito...

Thankies!!

OPERATION: Finding My Future GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon