♥KABALIWAN NI MOMMY AT NI DADDY 101♥

229 14 3
                                    

QUEEN'S POV

"NAKAKAINIS KA TALAGA KUYA!"kausap ko ngayon ang Kuya KO na mukhang tanga, paano ba naman kasi buong magdamag nag bubungangaan kami...

"Talk to my hand Victoria"sabi niya umalis, binato ko siya ng kutsilyo kaya napa ilag siya

"The heck, are you trying to kill me?!"tanong niya with high pitch

"I hate you"sabi ko at pumuntang kusina nang bumukas ang pinto

"KUYA RAFAEEEELLLLL!"sigaw ko at lumapit agad kay Kuya

"So Kuya, okay ka na ba"tanong ko habang nag aalala at tumango lang siya

"Nag aaway na naman kayo eh"sabi niya at dumeretso ng kwarto, ganyan routine niyan, maiingay lang yan kapag nasa good mood...bumukas ulit ang pinto ng bahay at nagulat ako...

"M-mommy"utal kong sabi, dahan dahan akong lumingon kay Kuya at nanlaki mata niya, bakit nandito si Mommy and Daddy, i thought next year pa uwi nila galing states...

"Speechless mga anak"sabi ni Mommy at biglang binatawan ang maleta at yumakap agad sa akin

"WAAAAHHHH!! VICTORIA, I MISS YOU!!"sigaw niya at si Daddy naman nakipag yakapan kay Kuya

"So where's my pamangks"( ganito pa basa diyan: pa-manks) ang tinutukoy ni Mommy ay si Kuya Rafael

"KUYA RAFAEEELLL!"tawag ko at nakatanggap ako ng palo kay Mommy

"High pitch ka pa rin anak"sabi niya at nakita namin si Kuya Rafael na pababa sa hagdan

"Omayghadddddd! pamangks koooooo....soooo..how's your life, are you okay, in evernes, effin, chenes, ekablush, tandablush, morpablush, tanderblush say what pamagnks, mas lalo bang tumatak ang effin beauty chenes ko, aba..aba...aba...tignan mo naman ang Tito mo, sobrang  bangis kung makapag porma parang chixs lang, say what lalo bang gumwapo ang Fafa ko....ahahahahahaha..."sabi niya, siguro nagmana si Kuya KO kay Mommy, parehas may sayad

"Victoria Ellaine!"sigaw ni Mommy na nagpagulat sa akin

"I can read what's on your mind, wala akong sayad pwede ba"sabi niya at binalik ang atensyon kay Kuya Rafael

"Ohhh, i have a good news pamangks, but im not yet sure ehhh...about your parents"panimula ni Mommy at tinitigan lang siya ni Kuya Rafael

"Pumunta kami ngayon sa mala hacienda niyong mansyon and nakita namin na wala na ang diary ng mama mo, may naiwan pang siyang paintings doon, lahat ng gamit niya gulo gu—"napatigil si Mommy dahil nagsalita si Kuya Rafael

"The dairy.....i gave it to Patricia...that's why....wala doon ang diary niya"sabi ni Kuya

"REALLY?! / SERIOUSLY?!"sigaw parehas ni Mommy and Daddy

"Literally yes"sagot naman ni Kuya Rafael

"What happened? ang kwento kasi sa akin ni kapatid mababasa lang ang nakasulat doon kapag sumasapit ang kada isang oras, kapag lagpas isang oras na, mawawala lahat ng nakasulat..."kwento ni Mommy sa amin and yes, Tita Lucile and MY MOM is magkapatid, hhahahaha, conyo ko...

"hindi ko sinabi yun kay Patricia"sabat naman ni Kuya Rafael...

"Ayyyyy, wellll, let's forget about that, pero we have bad news for you Rafael, yung gamit ng Papa mo, hindi nagagalaw may posibilidad na hindi na nagkikita si Lucile at Francisco, sayang naman relationship nila, nakooooo, magsusulat na ako sa facebook tapos lalagay ko hashtag Lucile and Francisco broke up, nakoooo, magte trending na itey!"sabi ni Mommy habang pinipindot ang cellphone

"Ma, wala kang fb account"sabi ni Kuya Franz at inismiran lang siya ni Mommy

"Meron kaya, ang account name ko nga is Adirolf Nacrom, oh dibaaa, baligtarin mo, its Florida Morcan, sunod sunod rin ako sa uso noh, karamihan kasi pangalan ngayon sa fb parang binaligtad lang ang pangalan..."sabat niya, sayad talaga ng Mommy ko

"Ahahahaaha, may nag like agad, sino toh....WHAT?!"sigaw ni Mommy kaya naptingin kami agad

Elicul Leahcimrac likes your post

"Isa itong malaking prankkkkkkk!"sigaw ni Mommy, pati kami ninerbyos

"Nako, nako, nagjo joke lang ako, sorry na ate Luci, wahhhhh, nako....ayan na pm ko na siya, nag sorry ako, huhuhuhu, nagjo joke lang talaga ako..."sabi ni Mommy habang mabilis nagta type sa kaniyang cellphone

"Ano toh?! mga anak, halika nga kayo"tawag ni Mommy sa amin at lumapit kami pati rin si Kuya Rafael

"Ano ibig sabihin ng Seen 9:34pm ✔"tanong ni Mama

"Ma, na SEENZONED ka, hahhaahha—ARAY! MA, SI VICTORIA, KANINA PA YAN!"sumbong ni Kuya KO, letcheng SEENZONED na yan

"Mommy ibig sabihin niyan nakita na ni Tita Lucile  ang message mo"sagot ko at napa pokerface si Mommy

"Eh bakit hindi siya nagre reply, ano wala siyang load, ako nga anytime nakaka send ako ng message sa fb, unlimited pala ang load sa fb, naka 25 na katao na nga sinend ko ng message na katulad nung Birthday ng bata tapos bigla siyang nasagasaan kapag hindi mo sinend sa 25 na tao dadalawin ka niya, sinend ko sayo yan Franz, sinend mo ba, baka dalawin ka nung bata, ikaw rin Victoria, send mo ha"kwento ni Mommy

"At oo nga pala, pag may nag send sa inyo nun, Mommy is here okay, send niyo rin sakin yun para hindi kayo dalawin"pag papaalala niya, tumango na lang ako para makisawsaw sa kalokohan ni Mommy at si Kuya KO ay napailing na lang

"Ma, hindi kailangan ng load sa fb, wi fi kailangan niyan"sabat ni Franz at napa pokerface ulit si Mommy

"Duhhhh, ang yaman yaman ni Ate Luci eh, bakit hindi siya magpalagay ng wi fi, cheap ni kapatid ngayong taon"sabi niya with flip hair, napa iling na lang ako sa mga ginagawa ngayon ni Mommy

*ting*

Lahat kami tumingin sa cp ni Mommy at nagulat siya pati rin kami

Elicul Leahcimrac send you a message

Kinakabahan binuksan ni Mommy ang message ni Tita Lucile at nang mapindot niya na

Hi Mama ko, si Fafa mo toh, galing ko talagang mang prank...

Napatingin kaming lahat kay Daddy na ngiti ngiting nagta type sa cp habang naka upo sa couch

"Lumayas ka dito Victor Morcan!"sigaw ni Mommy at tinulak tulak si Daddy

"Saglit lang naman, nagjo joke nga lang ako eh, Mamaaa, sorry na, prank lang yun, honeypie, sweetie pie, apple pie, mango pie, pamaypay k—ARAY! sorry na kasi baby ko, wifey ko, love ko, asawa ko, Florida ko, honey, sweetie, sorry na "lahat na yata ng endearment nasabi na ni Daddy kay Mommy, lahat kami napapa iling dahil sa kanilang dalawa si Kuya Rafael tumatawa lang ng mahina habang umiiling...

*kriiinng* *krriinngg*

Tumunog ang cellphone ni Mommy kaya pumunta kami doon maliban kay Kuya Rafael, unknown number nakalagay, sinagot agad ni Mommy ito at ni-loud speaker

"Florida, si Lucile ito"(manly voice)

Napatanga kaming lahat, tumingin kami kay Daddy na nasa labas dahil pinalayas nga ito ni Mommy, nakita namin na tumatawa na naman siya mag isa

"BWISIT KA TALAGA VICTORRRR!"sigaw ni Mommy na pati ang mga katulong ay  nagising dahil sa kanila... at dito nagtatapos ang kabaliwan ni Mommy at ni Daddy 101...

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

HAHAHAHAHAHAHA, VOTE AND COMMENT PO KAYO!

HAHAHAHA, WALA PA AKONG MAISIP NA ISUSUNOD SOOOO, ITO NA LANG MUNA, HIHIHIHI

OPERATION: Finding My Future GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon