PATRICIA'S POV
Papasok na ako ng gate ng school nang may humarang sa akin..
"Kenji"bigkas ko, nagulat ako dahil may hawak siya na blue rose, para kanino kaya yun?
"Ah, para...s-sayo"utal niyang sabi, para sa akin itong bulalak, bakit kaya
Pero, sa loob loob ko, parang sumaya naman ako, kaya tanggapin na lang natin...
"Salamat"sabi ko at ngumiti sa kanya at naunang lumakad, bakit feeling ko kinikilig ako?
Shet...hindi ito makatotohanan....
Nagkaroon ng kaguluhan sa open field kaya napasugod ako at nakita kong may isang lalake na nakaluhod habang ang babae ay nakatayo...
Pero mukhang hindi ito ligawan...
Yung babae maganda naman at nakasalamin parang masyado siyang maganda maging nerd...
Yung lalake naman para nakaluhod at nag mamakaawa sa babae, ano bang nangyari?
"Bessy"tumingin ako sa likod at nakita ko si Kate pala ito
"Anong nangyayari dun"tanong ko sa kanya
"Ah, yung babae, siya si Queen Jeremiah Salvador, presidente ng student council, tsaka hindi ko kilala ang lalake pero isa lang alam ko kung bakit nagka ganyan"sagot niya sa akin at hindi ko alam kung bakit pinutol niya ang sinabi niya
"Ano yun"tanong ko
"Alam mo ba ang school natin ay may sistemang public execution, kung saan pinapahiya ang estudyante sa harap ng buong paaralan dahil sa ginawang kasalanan, maaaring nag cutting, late dumating, nag over the bakod, binatos mo siya, wala kang i.d."sagot niya at napatango na lang ako
"Ano ulit pangalan niya"tanong ko ulit sa kanya
"QueenJeremiah Salvador, the President of The Student Council"sagot niya
"Nerd ba siya"tanong ko ulit, curious lang
"Hindi, poor eyesight yan kaya nakasalamin, matalino yan pero hindi masyadong mabait, wala siyang kaibigan kahit sinuman kaya lonely siya"sagot niya ulit sa akin,
"Oo nga pala, paalala, wag na wag mong babastusin yan kung ayaw mo ng public execution, kumpara mo sa palabas na HENERAL LUNA, kapag binatos mo si Queen, mababasahan ka ng Artikulo Uno"paalala niya sa akin at napatawa na lang ako, nagsi alisan na ang mga tao sa paligid ng field kaya nagitgit ako at napahiwalay kay Kate, biglang may naramdaman akong bumuhos sa katawan ko kaya napatingin ako, at nakita kong natapunan si Queen ng milkshake pati rin ako, pero katabi namin si Mikaela kung saan siya ang may hawak ng milkshake
Patay, mababasahan na ba ako ng Artikulo Uno
"Omaygash! Paharang harang ka kasi Patricia eh, nabangga tuloy ako at kay Ms. President natapon ang milkshake"sabat sa akin ni Mika, the heck, ako pa may kasalanan, nakita kong nagsi balikan ulit ang mga estudyante sa field para panuorin ang eksena na nagaganap kung saan isa ako sa mga bida
"Ako pa talaga, nagitgit na nga ako eh"sabat ko rin sa kanya, biglang may humawak sa pulsuhan ko at nakita ko hawak ito ni Queen, hala ano toh?
Public Execution na ba ang haharapin ko?
"Magbihis na lang tayo Ate"sabi niya sa akin habang nakangiti at kita kong may talsik pa ng milkshake ang salamin niya pero biglang sumeryoso ang mukha niya at tumingin kay Mika
"Public Execution"banggit niya at umalis habang hinihila ako, nakarinig ako ng bulungan sa maraming tao katulad ng...
Ngumiti si Ms. President...
BINABASA MO ANG
OPERATION: Finding My Future Girlfriend
FantasíaPaano kung nalaman mo na nagkaroon ng CURSE ang pamilya mo... At yun ang hanapin ang taong naka TADHANA sa iyo... MAHIRAP diba, hindi mo pa nga nakikilala tapos hahanapin mo pa... Maraming CONSENQUENCES kapag hindi mo nahanap ang naka tadhana para...