♥MANSION (part 1)♥

282 10 0
                                    

KENJI'S POV

"GAGO ka Falcon!"sigaw ko kay Paul, paano ba naman kasi? STRAWBERRY SHAKE ang nilibre sa akin, eh ayaw ko nga ng strawberry eh..

"Hahahahhaha, masarap yan, sabi nga nila subukan bago umayaw, oh bili na"pilit ni Paul habang nilalapit sa aking shake, ang baho!

"Ilayo mo nga yan!"sigaw ko ulit at tumawa lang siya

"Sarap mo talagang pag tripan, Morales"sabi niya habang tumatawa, sumaludo ang gitnang daliri ko at binatukan siya

"Brutal ka talaga"sabat niya at ininom ang strawberry shake, kadiri...mahilig si Paul sa strawberry pati si Marco, ewan ko ba sa mga yan kung bakit gusto nila yun

"Tulungan mo na lang ako, mas maganda pa"mahinahon kong sabi at napa ayos siyang upo sa silya, nasa canteen kami eh, may magagawa ba kayo?

"Ano naman yun"tanong niya sa akin habang hinihigop ang shake...

"Paano ko mapapahulog ang loob ni Patricia sa akin"tanong ko at napabuga siya...

"Gusto mo talaga eh noh?"tanong niya habang pinupunas ang bunganga niya, bastos talaga ng lalakeng toh...

"eh yun yung consenquence eh"bale wala kong sabi at nakita kong ngumisi siya

"Accept the consenquences"bigla niyang sabi at kumunot ang noo ko...

"Ano yang sinasabi mo"tanong ko, kibit balikat tumingin siya sa akin at sumeryoso ang mukha

"Isa sa mga pagsubok na tatahakin mo sa kalagitnaan ng pag ligaw kay Patricia, pero hindi pa naman ligaw yan, pagpapansin lang yung ginagawa mo, so balik tayo, accept the consenquences, tanggapin ang dapat mangyari"paliwanag niya

"Ano ba dapat mangyari"tanong ko at ngumisi na naman siya

"Siya ba talaga ang naka tadhana sa'yo"tanong niya na ikinatulala ko?

may alam ba siya tungkol sa sumpa?

"Anong ibig mong sabihin"natatakot kong tanong

"I mean, gusto mo ba talaga siya, baka gingawa mo'to dahil yung ang kapalit ng pagkatalo mo, crush ko pa naman si Patricia, sabihin mo sa akin kapag susuko kana ako papalit"pagpilit niya sa akin, nakahinga ako ng maluwag dahil sa sagot niya, nagpapatunay na wala siyang alam pero parang may narinig akong hindi maganda

"Ano sabi mo"tanong ko

"I mean, baka g—"pinutol ko ang sasabihin niya at nagtanong ulit ako

"Hindi, yung nagsisimula sa letter 'C'"

"Ahhh, crush ko si Patricia, bakit?"tanong niya napa pokerface na lang ako dahil sa sinabi ni Paul

"Sapakin kaya kita"tanong ko at tumawa siya habang nagsusulat sa isang sticky note

"Nevermind"sabi niya at umalis pero may naiwan niya yung papel na sinulatan niya

Hindi ka pwede magkaroon ng relasyon sa kapwa mong kamag anak

Ito ang nakalagay sa papel, nagtaka ako sa nakasulat, anong ibig sabihin niya, tinitignan ko sa likod niya habang papalayo siya...

PATRICIA'S POV

FASTFORWARD

Uwian na at naglalakad ako ngayon sa kalsada nang may humarang na kotse sa harap...

Kidnap ba toh?

Lumuhod agad ako at tinaas ang dalawang kamay at nasa lapag ang gamit ko

"Ito na po yung gamit ko...maawa kayo, ayoko pa pong mamatay gamit ko nalang po yu—"

"Aray!"biglang may tumama sa noo pero mukhang hindi naman bala ng baril eh...minulat ko ang mata ko at nakita ko Marco na nakaluhod sa harap ko kaya pantay kami ngayon

"Anong pinagsasabi mo diyang 'ayaw mo pang mamatay'"tanong niya at napaupo ako sa kalsada, akala ko kidnapper...bwiset..

"Akala ko kasi kidnapper"sagot ko at ngumisi lang siya

"Sumakay ka na sa kotse"pag aya niya habang kinuha ang bag ko

"Nako, wag na, malapit na rin yung bahay ko eh"pagpigil ko habang pinapagpag ang palda

"Diba gusto mo makita yung mansion na pinupuntahan ng Mama mo"sabat niya at napatulala ako, hindi nga pala natuloy yun...

"Ay, oo nga pala, pero baka pagalitan ako"sabi ko sa kanya pero ngumiti lang siya

"Ayos lang yan"sabi niya at ngiting iyon parang naramdaman ko na okay lang at safe ako sa tabi niya kaya pumayag na lang ako

"Sige"sagot ko suot ang ngiti kong mala dyosa, de joke lang...

Binuksan niya ang pinto at pinapasok niya ako at inabot niya sa akin ang bag ko at siya naman pumasok sa driver's seat...

"Anong ine-expect na bagay ang makikita mo sa mansion"tanong niya sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya

"Mga picture siguro, tapos vase, tsaka mga katulong diba may naninirahan pa doon"sagot ko pero tahimik siyang umiling

"Eh, mansyon yun, nasaan ang may ari"tanong ko at biglang tumigil ang sasakyan

"Andito na tayo"sabi niya kaya napatingin ako sa bintana at bumungad sa akin ang malaking gate na gawa sa bakal, ni isang parte nito ay walang bahid ng kalawang kaya napanganga ako, pag tingin mo sa gate, hindi mo pa makikita ang mismong mansyon, mga puno at halaman lang ang makikita at mga fountains

"Walang guard"tanong ko sa kanya pero nasa labas na pala ng kotse at handang pagbuksan ako ng pinto...

"Walang guard dito, ano ba yan, hindi ba nila iniisip ang kapakanan at kagandahan ng mansyon toh, paano kung manakawan toh, ang ganda pa naman, wala man lang silang security"sabat ko at napatawa naman si Marco na dalawang beses ko ng nakita

"Bakit ka natawa"tanong ko, at umiling lang siya habang nakikita ko parin ang mga ngiti sa labi niya

"Wala"sagot dugtong niya pa pagkatapos tumawa...

Kusang bumukas ang pinto ng masyon kaya pumasok kami at naglakad sa mahabang kalsada, parang kalsada siya eh, ang lawak pero ang mga gilid nito ay puno ng halaman at bulaklak...

"Ang tahimik naman dito"sabi ko kay Marco, malapit na maggabi kaya medyo kulay orange na ag kalangitan pero may ilaw naman sa mga gilid kaya medyo maliwanag....

Nasa harap kami ng maindoor at unti unti binuksan ni Marco ang pinto, bumungad sa akin ang mga ilaw o chandeliers sa taas, ang mga plorera na may lamang bulaklak at fresh na fresh pa ang mga iyon, sa gitna nito may malaking hagdanan na naka carpet na kulay pula at may dalawang daan ito, sa kanan at kaliwa, pansin kong mukhang may nakatira dito dahil malinis ang mga gamit na nandito, pero ang tahimik ng loob nito, pumasok ako at pumunta sa gilid na bahagi at doonko nakita ang litrato, puro litrato ito ng isang babae at lalake....may napansin akong dyaryo sa tabi ng isang plorera at binasa ko iyon...

MASYON NG MGA CARMICHAEL, NASUNOG, DALAWANG BANGKAY AY NAKITA

Bigla kong nabitawan ang dyaryo at tinignan si Marco at nakita kong umaakyat siya sa hagdan

"Marco!"tawag ko at umalingawngaw ang boses ko sa loob ng mansyon, naglakad ako papalapit sa kanya dahil kapag sinagaw sakit sa tenga aabutin ko...

"Nasunog na 'tong mansyon"tanong ko at lumingon siya at umiling

"Eh, ano yung nakita dyaryo"tanong ko ulit, this time tinalikuran niya ako at tuluyan umakyat ng hagdan pero may binulong siya na ikinagulo ng isip ko

"Its for you to find out"

★★★★★★★★★★★★★★★★★

Hello! Keep safe eveyone, dumarating nanaman ang mga BAGYO, letche, payneta, p*nyeta, lahat na!

Ayoko kaya sa bagyo, hhahhaha, may trauma ako diyan...

Babush! Sayonara! Babye! Goodbye!

OPERATION: Finding My Future GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon