PATRICIA'S POV
Hinatid na ako ni Paul papunta sa bahay namin, sabi ko wag na pero makulit siya kaya napapayag nalang ako
"Malapit na ba tayo"tanong niya sa akin
"Oo"sagot ko, mamayang gabi, makakauwi na si Kenji at papasok na daw siya bukas, pinigilan namin kaso sabi niya dapat daw gwapo ang masusunod kaya wala na rin kaming choice kundi pumayag...
"Diyan na"sabi ko at tumigil sa tapat ng bahay ang kotse niya, nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto...
"Ate Janjan!"mga bata ang sumalubong sa akin, mababait sila kaya sila na ang naging kalaro ko dito
"tino sha Ate Janjan"tanong ni Casey, 4 years old palang siya kaya medyo bulol
"Ah, siya si Kuya Paul"sagot ko sa kanya
"Boyfriend mo ate"tanong ni Nigel, lalaki yan at 12 years old na yan
"Nako, hindi..kaibigan ko lang"sabi ko
"Awtss, edi ba sinagot mo ako kahapon"arte ni Paul at tumawa ang mga bata
"Siraulo"sabi ko at pinalo ko siya sa balikat
"Kuya, alagaan mo si Ate Janjan, mabait yan at maganda"sabat naman ni Veronica, 8 years old na yan
"Naman...ako pa"pagmamalaki ni Paul at tumawa ulit lahat
"Anak"biglang may nagsalita sa likod ko at nakita ko si Papa at Mama at tumakbo si Mama sa akin at niyakap ako
"Mama"bulong ko
"Anak, saan ka galing, nag aalala ako sayo"sabi niya sa akin at nakita ko si Papa na papalapit sa akin
"Sorry talaga anak sa nangyari kahapon, nagka problema kasi sa opisina, pasensya na talaga anak"sabi ni Papa at niyakapa ako
"Okay lang po"sabi ko sa kanila at nakita ko si Paul na nakatulala sa amin kaya lumayo muna ako kay Mama at Papa
"Mama, Papa...si Paul nga pala, yung kaibigan ko po"sabi ko sa kanila
"Paul John Falcon po"pagpapakilala ni Paul at parang nanlaki ang mata ni Mama
"P-paul"yan na lang nasabi ni Mama
"Opo, Paul John FALCON"sabi ulit ni Paul at diniinan niya yung salitang Falcon, nakaramdam naman ako ng tensyon sa pagitan nila kaya pumagitna ako
"Ah, sa kanila muna ako nakitira kagabi"sabi ko kaya natinag sila
"Ah, ganun ba...salamat iho ha"sabi ni Mama
"Walang anuman po"sabi naman ni Paul
"Pasok ka muna sa amin"sabi ni Mama
"Ay, wag na po, papagalitan na ako ni Tita eh"sabi niya, at parang mas nagulat si Mama, may hindi ba ako alam?
"anong pangalan ng Tita mo"tanong ni Papa
*KRRRIIINNGG*
Tumunig bigla ang cellphone ni Paul at tinignan niya ito at napangiti siya at sinagot
"hello.....bakit....ah sige...salamat talaga sa iyo"sabi niya at binaba ang cellphone
"kailangan ko na po talaga umalis, tumawag yung Tita ko eh"saad niya at nag paalam na rin ang magulang ko...
"Paalam na Patricia"sabi niya at pinaandar ang kotse niya, kumaway na lang ako
KENJI'S POV
Nasa bahay na ako, kaka alis lang namin kanina sa ospital at ang kasama kong bumalik ay si Jeff, EJ, Marco, at ang kapatid ko, kasama rin namin si Paul na kakagaling lang kay Patricia dahil sinundo niya ito
![](https://img.wattpad.com/cover/70332193-288-k826604.jpg)
BINABASA MO ANG
OPERATION: Finding My Future Girlfriend
FantasyPaano kung nalaman mo na nagkaroon ng CURSE ang pamilya mo... At yun ang hanapin ang taong naka TADHANA sa iyo... MAHIRAP diba, hindi mo pa nga nakikilala tapos hahanapin mo pa... Maraming CONSENQUENCES kapag hindi mo nahanap ang naka tadhana para...