KENJI'S POV
Palabas na kamimg Tommy's World, pero nakita ko si Patricia na nakatitig sa isang bear, gusto niya ba yun?
"OLA SENYORITO!!"biglang may nagsalita na babae na naka sunglass at parang isa siya sa mga crew dito sa loob ng arcade...
"Senyorito, alam niyo po ba na gusto ng iyong nobya ng bear na iyon"tanong niya sa isang stall kung saan nakalagay ang bear at doon sa stall, may sumasayaw na tatlong lalake na isang rin sa mga crew rin sa loob ng arcade, lumapit naman sa akin si Patricia
"sino yan"tanong niya sa akin
"Ako po si...uhm....si ano po...teka...uhmmm...ayun! MY NAME IS CATHERINE, ay este..ano...Cathy nalang po"sabi niya habang kumakamot sa ulo, kapangalan niya pala kapatid ko, parehas rin sila ng boses
"So, senyorito, balik tayo, gusto ko po sana i try niyo ang laro namin at ang prize ay yung bear na iyon"sabi niya habang tinuturo ang malaking bear na kulay blue at may ribbon sa leeg
"Madali lang naman po ang mechanics, dapat matamaan niyo ng limang beses ang red dot na iyon para makuha ang bear"paliwanag niya, tinignan ko muna si Patricia na nakatitig sa bear
"Sige na po, para sa nobya niyo"pilit niya sa akin at sumabat si Patricia
"Hindi niya ako girlfriend, kaibigan lang"saad niya at ngumiti si Cathy DAW...
"Ahehehe, pakipot pa si Bessy, bagay kayo"sabi niya at nagulat kami pati siya ay napatakip sa bibig niya
"Bessy?"patanong ni Patricia
"I mean, si Bessybelle, yung sirena, tawa kayo, joke ko yan, hahaha, actually, it should be Dyesebelle, tawa kayo"sabi niya habang tumatawa at napatawa si Patricia at ako rin, joke lang pala niya, hahaha, takte, sirena daw si Bessybelle, hahahahahaha
"So, senyorito, lalaruin niyo po ba"tanong niya
"Sige"sagot ko at napatalon naman si Patricia
"Gustong gusto ko yung bear na yun, gawin mo lahat para makuha yun"sabi niya at parang kumikinang ang mata niya
"Okay, try ko"sabi ko at lumapit sa stall na iyon
Pagkalapit ko, binigyan nila agad ako ng dart pin, yung ibabato ko para matamaan ang red dot, gumawa muna ako ng seremonyas bago gawin ang pagsasanay na ito...
Inhale....
Exhale....
Inhale....
(Wag ka ng mag exhale)
A-author naman, masakit s-sa l-l-un—
(Omaygash!!mamatay na si Kenji, hoy, exhale na, nagjo joke lang ako, ikaw ang bida, hindi ka pwedeng mamatay, may plano pa ako...
Joke lang author, im alive
(Puta ka)
Hehehhe, so balik tayo sa istorya, nag exhale na ako kaya oks na oks na ako...
Ni ready ko ang sarili ko at pumorma, marami ng nanonood dahil may isang gwapong nilalang ang tumambad sa loob ng palaruan na ito....heehe, hanginnn...
Tumatagaktak na ang pawis ko at binato ko ang isang dart pin at...
Bulls eye...
"WAAAAAHHHHHHHHHH!!TUMAMA SIYA SA RED DOT!!"sigaw ni Patricia habang tumatalon
"Easy lang, wala pa tayo sa tatlo"sabi ko sa kanya kaya napatahimik siya, nag ready ulit ako, binato ko ulit ang dart pin at...
"WAAAAAAAHH! TATLO NA LANG"sigaw ulit ni Patricia, pero this time with muching tantrums pa...pero hindi ko na siya sinaway...
Concentrate Kenji, para kay Patricia ito...
Eh....???
Bakit parang gusto ko siyang bigyan nito at gustong gusto kong ibigay sa kanya ito...
Dahil kaibigan ko siya?
Dahil kaibigan siya ng kapatid ko?
Kase importante na siya sayo...
Sigaw yan ng isip ko, hindi ako nag sabi niyan, pero parang tumpak siya
Importante siya sa akin...
Arrrghhhh!! Tama na, concentrate na...
Binato ko ulit ang dart pin at tumama ulit ito sa red dot, binato ko ulit at tumama na naman ito at sumigaw si Patricia...
"KYYYAAAAHHHH!!! ISA NALANG!!"sigaw niya at tumalontalon, ngayon ko lang siya nakita na ganito ka sigla, iba kasi siya nung first day, sa sobrang tahimik niya, parang nawalan siya ng pambayad sa ilaw at tubig...
"Senyorito, isa na lang po"saad ni Cathy DAW at nag concentrate ulit ako, kaya ito Kenji, ikaw yata si Kenji The Awesome...wahahaaha...
okay, this is it pancit...
Binato ko na ito at pinikit ang mata ko para hindi makita kung tumama ito, pero wala akongnarinig na sigaw ni Patricia, hindi ba tumama?
Minulat ko ang mata ko at nakita ko na papalapit sa akin si Patricia at tumalon at at niyakap ako, para siyang nakalambitin
"WAAAAHHHHHH!!! NAKUHA MO SIYA!!"sigaw niya ng malakas at nakita yung mga tao na nanonood kanina, nag bubulungan na..
Ang sweet naman nila...
Sana ganyan rin ang boyfriend ko in future
akin ka nalang Kuya...
Yan ang bulungan dito, natutuwa ako dahil kahit isang beses, may napasaya ulit ako ng tao, malapit na rin naman akong mamatay, kaya gusto ko bago ako mamatay, may mapasaya akong tao...
Oo, tanggap ko ang kamatayan na naghihintay sa akin, kung hindi ko siya mahanap, ayos lang, tatanggapin ko pero kung mahanap ko siya, edi mas maganda, makakagawa pa ako ng bata...hahahaahahaa...
"Senyorito, ito na ang papremyo niyo"sabi ni Cathy, DAW...
"Salamat"kinuha ko ang bear at binigay kay Patricia
"Salamat, heheh, ganda niya"sabi niya habang niyayakap niya ang bear na mas malaki pa sa kanya
"Alagaan mo yan, unang baby natin yan, pinaghirapan kong gawin yan, Kricia na lang ang pangalan"
*kuliglig*
*kuliglig*Sinabi ko yun?
The heck!!! anong klaseng bibig yun, halata sa mukha ni Patricia ang pag kamula ng mukha niya habang ako ay hiyang hiya, hindi ko talaga gustong sabihin yun, out of nowhere lumabas yun sa bibig ko...
(Galawang breezy)
Wag ka nga author, bwisit ka talaga...
"Uhm...ano...wag mo ng intindihin yung sinabi ko, ikaw na bahala diyan"sabi ko habang ngumingiti ng pilit, hehehe, hindi ko alam ang gagawin ko, paano ba maka alis sa sitwasyon na ito, ang hi—
*grrroowwll*
Tiyan ko yan, napahawak ako sa tiyan ko at tumawa si Patricia, kaya napatawa nalang ako, gutom na pala ako
"Kain tayo"tanong ko sa kanya
"Sige"sagot niya at lumakad na kami palabas...
"Senyorito, goodluck sa date niyo"sigaw nung Cathy, DAW...
"Heheeh"tumawa nalang ako at lumabas na kami ng Tommy's World
▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
H3y110w GuY5Zx!!!
Hahahahah, enjoy ba kayo sa sweet moments ni Pat at Kenji...
Sorry kung lame...bitter ako...hahha
tinawag ako ni CRUSH kanina pero hindi ko siya pinansin...
Ayokong ibalik ang feelings...
BINABASA MO ANG
OPERATION: Finding My Future Girlfriend
FantasyPaano kung nalaman mo na nagkaroon ng CURSE ang pamilya mo... At yun ang hanapin ang taong naka TADHANA sa iyo... MAHIRAP diba, hindi mo pa nga nakikilala tapos hahanapin mo pa... Maraming CONSENQUENCES kapag hindi mo nahanap ang naka tadhana para...