PATRICIA'S POV
After one week...
"Anak, sigurado ka bang ayos ka na"tanong ni Mama, pang sampung beses niya na yata tinanong yan at pang sampung beses ko ng sasagutin...
"Oo nga Mama, okay na po ako"sabi ko at ngumiti at niyakap ako ni Mama
"Anak, mag iingat ka ha"paalala niya at ngumiti na lang ako
"Alis na po ako!"sigaw ko at umalis sa labas at nagmamadaling maglakad sa sakayan ng jeep...
Nang makalabas na ako ng kanto biglang may humarang na kotse sa harap ko...bumukas ang bintana at nagulat ako nung si Marco ito
"Hello Marco!"bati ko at ngumiti lang siya
"Sumabay ka na"pag aya niya, di ko alam kung bakit kusa akong sumunod sa kanya at sumakay sa tabi niya
"Ayos ka na"panimula niyang tanong at tumango ako, biglang tumunog ang cellphone niya at kinuha niya agad ito..
"Hello...huh...okay...sige..."binaba niya ang telepono niya at may tinawagan siya
"Kenji...nandito ako ngayon sa tapat ng gasolinahan, malapit sa inyo, pahatid naman si Patricia..sige..hihintayin kita"nagulat ako dahil sa kausap niya si Kenji
"B-bakit"takang tanong ko, hindi sa ayaw ko umalis sa kotse niya...kinakabahan lang ako kapag magkasama kami ni Kenji..di ko lang alam kung bakit...para bang pag kasama ko siya...nagkakaroon ng paro paro sa loob ng tiyan ko, konting kilig sa isipan ko...parang ganun...
"May pupuntahan lang ako, pero papasok ako"sabi niya at tumingin sa bintana at nangahalumbaba
"Patricia"tawag niya kaya tumingin ako sa kanya
"Andyan na si Kenji"mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Kenji
"Ingat ka"sabi niya at ginulo ang buhok ko at bumaba...nakita kong nag uusap sila ni Kenji pero hind ko marinig..biglang lumapit si Marco sa pintuan at pinagbuksan ako
"Thank you"sabi ko at may naka abang naman na isa pang kotse kung saan nandun si Kenji...wala si Kate..
Pina upo ako ni Kenji sa tabi ng driver's sit...tinignan ko ang likod ngunit wala talaga si Kate...nasaan siya..
"Nasaan si Kate"tanong ko nang makasakay na sa loob si Kenji at pinaandar ang kotse
"Ahh, nauna na..."sagot niya at tumango ako, tumingin ako sa bintana dahil nagsimula na naman ang pagtriple ng tibok ng puso...marinig ko lang boses niya..naging malaki na ang epekto sakin...di kaya dahil sa gwapo siya, cute siya, mabait siya..o baka..
"Kamusta na pakiramdam mo"
"Mahal ko na siya"
"Huh? Sino?"napatakip nama ako sa bibibig dahil sa sinabi ko at nakita kong nakatigtig siya sakin
"Uyyy! Baka masagasaan tayo!"hinawakan ko mukha niya at hinarap sa kalsada
"Eh sino nga yung sinasabi mong mahal mo"tanong niya..ano ka ba naman Patricia..katangahan na naman ba..
"Ahh..w-wala"sabi ko at tumingin ako sa bintana...
"Just tell me ate if nag level up na ang feelings mo sa kanya"
Natandaan ko tuloy yung sinabi ni Queen sakin dati...lalapit na ba ako sa kanya...ehhhh....nakakahiya...baka pag sinabi ko sa kanya sabihin naman niya kay Kenji tapos pag nalaman ni Kenji lalayuan niya na ako tapos hindi niya na ako papansinin kasi langit siya lupa ako baka isipin niya ang kapal naman ng mukha ko...dibaaaaaaaa

BINABASA MO ANG
OPERATION: Finding My Future Girlfriend
FantasíaPaano kung nalaman mo na nagkaroon ng CURSE ang pamilya mo... At yun ang hanapin ang taong naka TADHANA sa iyo... MAHIRAP diba, hindi mo pa nga nakikilala tapos hahanapin mo pa... Maraming CONSENQUENCES kapag hindi mo nahanap ang naka tadhana para...