♥TO THE RESCUE♥

482 25 1
                                    

KENJI'S POV

"Kuya, wake up na"sabi ni Kate pero gusto ko parin matulog eh, kulet nitong babaeng toh, puyat ako eh dahil sa sumpa na yan...iniisip ko kung paano mahanap ang babaeng yun...

"3 minutes"sabi ko sa kanya, pipikit nasana ako ng paluin ako ng unan sa mukha, ang tigas nun ah..

"NO WAY!!! Nakailang 3 minutes ka na, kapag pinag plus mo lahat naka 12 minutes ka na!"sabat niya at hinila ako paalis sa kama kaya nahulog ako sa sahig, tinignan ko siya ng masama at siya nakatingin ng seryoso

"Oo na oo na, kulit"sabi ko at tumayo para bumaba na at sumunod siya sa akin

"Hi mga anak, kain na"sabi ni mom at umupo ako sa upuan katabi ko si Kate, at si dad nasa pinakaunahan katabi si mom

"Nahanap mo na ba Kenji"biglang sabi ni Dad habang kumakain kami, ito ang pinaka ayaw ko sa lahat, ang tanungin sa mga bagay bagay tungkol sa sumpa na yan..

"Hindi pa po Dad"sagot ko at napatungo ako, sila kaya pumalit sa posisyon ko at sila maghanap sa taong naka tadhana sa akin...

"Tandaan mo, malapit na siyang mag 18, kung ayaw mong wakasan ang buhay mo hanapin mo habang maaga pa"sabi ni dad at ti nap ang balikat ko at ngumiti siya at tumayo na para pumasok sa company namin, may business si Mom and Dad kaya ganyan kami kayaman...

"Nag aalala ako Kenji, baka mamaya may nararamdaman ka ng sintomas sabihan mo agad ako, okay"sabi ni Mom at ngumiti na lang ako bilang sagot

"Opo"sagot ko at tumayo na dahil tapos na ako kumain at para narin makapag handa sa pagpasok..

Naligo na ako at nag bihis, kinuha ang bag at bumaba na at nakita ko si Kate na naghihintay sa sala

"Let's go na kuya"aya ni Kate kaya sumunod na ako sa kanya at sumakay na sa kotse..

Nasa loob na kami ng kotse pero si Kate, kwento ng kwento about kay Patricia, ini stalk niya kasi ang facebook ni Patricia at iba pang social accounts niya

"Valedictorian pala si Pat sa dati niyang iskul, tapos napaka galing niya mag piano, kaya palagi siya nakaka four thousand sa piano tiles at sa don't tap the white tile,  tapos palagi siyang president sa room nila at ang galing niya rin mag drawing, biruin mo sa twitter niya puro drawing ng anime ang naka post, ang dami nya ring followers sa twitter at friends sa facebook, mas famous pala siya kaysa sa kay Mika"kwento niya habang nag i scroll sa timeline ni Patricia, tsk, stalk pa more

"Ang cute niya dito Kuya"sabi niya at hinarap sa akin ang tablet niya, nagulat ako sa itsura ni Patricia, naka pikit ang isang mata niya, naka peace sign habang nakangiti, at may salamin siyang suot na kulay itim...

"Ang cute niya talaga"sabi ni Kate na parang kinikilig habang niyayakap ang tablet na hawak niya

Nakadating na kami ng university ng bumungad sa amin si Jeff, EJ, Paul na hinihingal habang si Marco ay nag lalakad pa sa malayo, para siyang nag lalakad sa buwan sa sobrang bagal tapos nakalagay pa ang kamay niya sa bulsa, pa cool pa eh...

"Si Patricia"bungad ni Jeff habang hinihingal kaya nagtaka agad ako, bakit sa akin nila sinsabi

"Ano nangyari kay Patricia?!"sigaw na tanong ni Kate na natataranta na

"Nandun siya kasama si Mika"turo ni Marco sa cafeteria kaya pumasok agad kami doon

PATRICIA'S POV

Naglalakad ako papasok sa room ng humarang sa daan ko yung nagsalita na commoner ako nung first day, nagulat ako ng hiklatin niya buhok ako at kinaladkad sa hallway

"Aray!"sabi ko at pinanggigilan niya buhok ko sa sobrang sakit hindi ako makapalag, bigla sila tumigil sa paglalakad

"Yan ang napapala mo BITCH"sabi niya at diniin ang word na bitch, kinaladkad nila ulit ako at hindi ko namalayan na umiiyak na ako, naaninag ko na papunta kami sa cafeteria, binagsak niya ako sa gitna ng cafeteria at nag salita..

"This slut, famewhore, and bitch...dapat pinapaaalis na yan dito right?"sabi niya at nag hiyawan naman ang iba dahil sang ayon sila sa sinabi ni ate clown samantalang ako na naiiyak dahil sa kakahiyan na pinag gagawa niya

"Ito dapat sayo"sabi niya at hinawakan ang buhok ko at inuntog sa sahig, nakaramdam ako ng sakit at may tumulo na dugo galing sa noo ko naiiyak na lang ako, hindi ako makalaban sa kanila..

"Yan, perfect"sabi niya at pumalakpak, may tinapon silang itlog sa akin ang iba naman pinagbabato ako ng malalaking tipak ng bato, samatalang may nagbuhos sa akin ng harina, naiiyak na lang ako sa ginagawa nila...habang may lakas pa ako tumayo ako...

"ANO BANG GINAWA KO SA INYO!?"galit kong tanong kaya na patigil sila

"PORKET ISA AKONG MAHIRAP KAYA NIYO NA AKONG TAPAK TAPAKAN KAYA NIYO NA AKONG PATALSIKIN DITO, KAYA NIYO NA AKONG PAHIRAPAN?! BAKIT, ANO BANG GINAWA KO SA INYO AT GANYAN NIYO AKO ITRATO, PARA LANG AKONG LANGAW SA PANINGIN NIYO NA KAYA NIYONG PITIKIN NG ISANG BESES!!"sigaw ko ulit, nakaramdam na ako ng pagkahilo pero nagsalita ulit ako

"Wag kayong magpaka epal sa buhay ko, buhay niyo pakialaman niyo baka mamaya pinamamahayan na ng daga, langaw at ipis ang bahay niyo dahil sa sobrang dumi ng ugali niyo, kasi kung buhay ko pakiki alaman niyo baka mahiya kayo kung gaano kalinis ang ugali ko"sabi ko at napahiga na  sa sahig

"HOY ITIGIL NIYO YAN!"biglang may sumigaw pero hindi ko maaninag ang mukha pero ang huli kong binigkas bago mahimatay

"Kenji"

KATE'S POV

Napatakbo agad kami ng cafeteria at nakita kong nag kukumpulan ang lahat sa cafeteria

"Kuya, si Pat"sabi ko at tumakbo agad pero hindi ako maka daan, tinignan ko si Kuya na papalapit na sa akin at nilayo ako

"HOY ITIGIL NIYO YAN!!"sigaw ni Kuya kaya natigil ang lahat, nakita namin na si Pat na parang masyadong malala ang dinanas at may dugo pa sa ulo, hindi ako papayag na ganyahin nila ang kaibigan ko, sinugod ko si Mika at sinampal ng malakas na parang hinampas ko siya ng cymbals sa mukha..

"You bitch...HOW DARE YOU PARA GANYANIN ANG KAIBIGAN KO!!"sigaw ko sa kanya at natahimik ang lahat, sinampal ko ulit siya pero kabila na para lalong kumapal ang pagkapula ng pisngi, pwede siya maging clown sa debut ko pero wag na, no pets allowed kasi sa venue na pag gagawan ng debut ko..

"NAPAKA SAMA MO!!"sigaw ko ulit sa kanya akmang maglakad patalikod sa kanya ng magdalita siya

"Pero ginagamit niya kayo"sabat niya kaya napatigil ako, ginagalit niya ba ako, lumapit ako sa kanya at sinampal siya at sa kabili ulit

"Hindi siya nanggagamit, sadyang may galit ka lang, daba sabi ko yang makapal na make up sa mukha mo ang paki alaman mo wag ang kaibigan ko"sabi ko sa kanya na parang galit

"Ano bang pinakain niya sa inyo at nagkaka ganyan kayo"sabat ulit niya, eh?may nalalaman pa siyang pagkain, baka ipalamon ko siya sa buwaya

"Wala siyang pinakain sa amin, sadyang ikaw lang ang may nakain kaya para ka tuloy may sayad"sabi ko at napa 'woah' naman ang mga audience, nilapitan ko si Pat, na kasalukuyan na binuhat ni Kuya, lumapit si Kuya kay Mika at nag salita

"Gawin mo ulit ito sa kanya, iba na ang makakalaban mo"sabi niya, si Jeff, EJ, Paul ay pinagtulungan ang lalaking nagtapon ng harina kay Pat habang si Marco ay nilinis ang kalat at pinalayas ang ibang estudyante..

Ako naman sumunod kay Kuya habang buhat buhat si Pat papuntang Clinic

"Kuya, magigising kaya siya"tanong ko sa kanya, punong puno ng harina si Pat at nagdudugo ang ulo niya, may mga egg shells rin sa buhok niya at tinanggal ko iyon

"Sasabihin ba natin ito sa magulang niya"tanong ko muli

"Siguro wag na lang, dun na lang muna siya sa atin"sagot ni Kuya kaya natuwa ako, makakasama ko si Pat, hihihi...

▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓

Hello guys!!

Nakapag update na ulit ako yehey...

VOTE AND COMMENT

THANKIES!

Jeffrey William Sallan at the multimedia...

Please read my other story:

The Long Lost Goddess: Apollo's Story

Fantasy rin po yan katulad nito...

Thankies!!

OPERATION: Finding My Future GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon