KENJI'S POV
*beep* *beep*
SFX: Ringtone ng cellphone..
May nag message sa akin, tinignan ko ito at si Kate lang pala...
From: Kat Kat 06-18-20**
Kuya, sorry, uuwi na kami, masama ang pakiramdam ko eh, tapos si Jeff at Paul pagod na daw, si Marco naman may alis, si EJ may emergency meeting sa company nila, sorry kuya, enjoy na lang kayo ni Bessy, ingatan mo siya...
Sent 6:32pm, Today, June 18, 20**
Ah, so uuwi na lang rin kami, tutal wala kaming kasama...
Lumabas na si Patricia sa restroom at lumapit sa akin
"Balik na tayo"sabi niya at naglakad pero pinigilan ko siya at ipinakita ag text ni Kate sa akin
"Edi, uwi na lang tayo"sabi niya at tumango ako, palabas na kami ng exit ng may humarang sa amin na babae at lalaki, yung babae naka sunglass at kulay blonde ang buhok at maikli, habang yung lalaki naka sunglass rin at may sombrero
"Hello"bati nung babe, ngitian lang siya ni Patricia, palabas na kami ng hilahin ulit kami
"Uhm, paalis na kasi kami, may flight kami, sayang naman kung itatapon ko yung ticket sa sinehan, sa inyo na lang at kayo na manood"pag alok niya at binigay sa amin ticket, dalawa ito..kinuha ito ni Patricia at tinignan
"Sige, alis na kami, male-late na kami sa flight"sabi nung babae at hinila ag kasama niyang lalake, parang pamilyar ang boses nung babae yung...
Tinignan ko si Patricia na nakatingin sa akin habag naka ngiti
"Panoorin natin"saad niya at hinawakan ko ang ticket
"Sige, halika na"sabi ko at hinawakan ag kamay niya at pumunta na kami sa sinehan na nasa loob ng mall
KATE'S POV
Napaupo na lang ako sa bench habang pinapaypay ang aking sarili at kasama ko si Marco na hinihingal rin, actually akala ko aalis na sila pero gumawa agad kami ng paraan..
"Nasaan na yung tatlo"tanong ko kay Marco
"Nasa sinehan para ibigay ang popcorn at drinks"sagot niya
"Good"saad ko at tumayo
"Pumunta na rin tayo doon"sabi ko pero napatigil ako dahil doon sa ticket
"Sure ka bang horror yun"tanong ko sa kanya, siya kasi ang bumili nun eh
"Oo nga"sagot niya, okay..gumagana na ang plano ko, hehehehe, sinadya kong horror para mapayakap si Bessy kay Kuya, mwahahahaha
"Halika na"sabi ko at umakyat para pumunta sa sinehan
PATRICIA'S POV
Kami na ang susunod n papasok nang may pumigil sa amin, tatlong lalaki na naka uniporme na pang bodyguard
"Ma'am, Sir, para po sa inyo"sabi ni Kuya 1 at binigay ang hawak niyang dalawang popcorn, at sunod sunod naman ay si Kuya 2 na binigay ang isang drinks at si Kuya 3 na nagbigay rin ng drinks
"Libre po yan"sabay nilang sabi at umalis na, napatawa na lang kami ni Kenji
"May libre pa pala sa mundo"sabi ni Kenji at tumawa
"Oo nga eh, hahahah"sabi ko at tumawa rin kaya habang pumapasok kami sa entrance tumatawa kami, naghanap na kami ng upuan at doon kami sa pinaka dulo, sunod naman may pumuntang apat na lalaki at isang babae sa likuran namin, yung babae naka dress at yung apat na lalaki parang PA (personal assistant) yata nung babae, nakasalamin ang babae kaya hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin o sa harap, iniwas ko na lang tingin ko at kumain ng popcorn...
BINABASA MO ANG
OPERATION: Finding My Future Girlfriend
FantasiPaano kung nalaman mo na nagkaroon ng CURSE ang pamilya mo... At yun ang hanapin ang taong naka TADHANA sa iyo... MAHIRAP diba, hindi mo pa nga nakikilala tapos hahanapin mo pa... Maraming CONSENQUENCES kapag hindi mo nahanap ang naka tadhana para...