♥DATE RUINED♥

305 15 0
                                    

KATE'S POV

Nakaupo ako sa bench habang ngumingiti at nakatingin sa kawalan, nasa labas na kami ng Tommy's World at si EJ, Jeff, Paul at Marco ay katabi ko rin

"Sweet nila"sabi ko habang kinikilig

"Gusto ko rin ng nung bear"sabi ko habang ngumingiti at kinikilig, may kukuha kaya nun para sa akin, nakita ko si Paul na tumayo at pumasok sa Tommy's World, pero wala akong pake...sinisira niyo ang daydream ko...

"Jeff, saan ang susunod na pupuntahan nila"tanong ko sa kanya, nilabas niya ang cellphone niya at nagulat siya

"Tamang tama, gutom na ako, sa restaurant sila pupunta"sabi niya at tumalontalon, actually gutom na rin ako pero wala pa rin akong pake...

"halika na"aya ko sa kanila pero may humarang sa akin na bear na mas malaki sa akin, kulay pink ito, at nagulat ako ng lumabas si Paul sa likod nito...syetttt, para sa akin ba yan...

"Uhm, excuse, alis diyan..dadaan ako, may pagbibigyan ako nito"sabi niya at na dissapointed ako, nabato ako sa kinatatayuan ko habang unti unting tinatanggap ang katotohanan, hindi para sa akin yun?

(masakit talaga masampal sa katotohanan)

Author, may makakatuluyan ba ako dito

(Oo, yung future boyfriend mo, pero hindi pa nahahanap diba)

Author, mamatay rin ba ako

(Gusto mo ngayon)

Author naman eh, masakit, masakit talaga

(Masakit talaga, kaya wag kang umasa)

Shit!!! Fuck!!! Fuck!!! I hate this!!!

"Ano...ehehe...joke lang Kate, para sa iyo ito"

I hate you Paul, curse you...

(Hoy, ateng makinig ka nga)

"Kate, ayaw mo diba gusto mo nito"

Why?! para masaktan, ayaw ko ng masaktan, kung may iba siyang mahal, edi wow!!

(Gaga toh, makinig ka nga)

"What?!"bigla kong sabi at nakita ko si Paul na nasa unahan ko at binibigay sa akin ang bear

"Ayaw mo, sayang pala ang pinaghirapan ko, first baby pa n-"hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang higitin ko ang bear at niyakap

"My baby, hello Pauline"sabi ko habang nanggigigil, PAUl + CatherINE= Pauline, heheheh..

"Nagustuhan mo"tanong ni Paul at tumango ako, napaka sweet niya, waaahhh, pwedeng kiligin?

WAAAAAAAAAHHHHH!!! THIS FEELING IS SO...so...so...NOTHING!!!

KENJI'S POV

Nandito kami sa loob ng restaurant, umupo na kami at nag order..

"Ah..eh, ang mamahal naman ng pagkain, drinks na lang"sabi ni Patricia, tumawa ako saglit at nag salita

"Oks lang yan, my treat, tsaka dinner na toh, bakit tubig lang"tanong ko sa kanya

"Eh, ang mahal kaya"sagot niya sa akin

"Ok lang yan, sige na order ka na"sabi ko at nag isip siya, may naka agaw pansin sa akin na grupo, apat na lalake at isang babae, nakasalamin silang lahat, brown ang buhok nung babae at naka lugay habang ang suot niya ay dress, ang mga lalaki na-, teka? sila yung kanina na nasa sinehan, naalala ko tuloy yung ginawa nung babae sa akin, tinapik ako sa balikat, ganun rin kasi ginagawa ni Kate kapag takot ako, aisshh, nevermind, baka nagka sadya lang...

OPERATION: Finding My Future GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon