PATRICIA'S POV
nagising ako dahil sa ingay ng mga manok sa labas, napatingin ako sa orasan at nakita kong...
"5:34 NA!!"sigaw ko kaya nagtatakbo agad ako sa loob ng bahay, naligo na ako at pag katapos ay bumaba, nakita kong nakahanda ng pagkain kaya kumain na ako, habang kumakain, nag susuot na ako ng sapatos, nagulat ako ng may lumabas sa banyo..
"Ma, saan kayo pupunta"tanong ko habang hinahanap ang id ko
"Pupunta kami sa mansyon na pinagtrabahuhan ko dati"sagot ni Mama habang nag aayos siya ng bag, sa wakas nahanap ko na id ko
"Ma, sa suaunod sama mo ako dun"sabi ko habang nagsusuklay at nilagay ang gamit ko sa shoulder bag ko
"hinde pwede"ma-awtoridad na sabi ni Mama kaya napatahimik ako
"Okay po, sige pi Ma, alus na ako, ingat kayo"sabi ko, gusto ko lang naman makita yung mansyon na yun, para kasing may pumipilit sa akin na dapat makita ko yun, tinignan ko ang wristwatch ko kung anong oras na
"5:41!"gulat kong sabi kaya tumakbo na ako sa loob ng eskinita, pagkalabas ko ng eskinita maraming bumabati sa akin, nasabi ko na ba sikat ako dito dahil sa kagandahan at kabaitan ko, hahaha..
"Hello ate Janjan"biglang may tumawag sa akin mna bata kaya kinawayan ko na lang siya, Janjan ang tawag sa akin dito dahil sa sobrang tapang ko, walang lalake dito na sumubok kalabanin ako dahil marunong ako manuntok...
Nasa kanto na ako at takbo rin ng takbo, nakita ko si Marco sa kabilang daan kaya tumigil ako pagtakbo kaya napatigil ako sa gitna ng daan
"PATRICIA!!'"sigaw niya kaya, napatingin ako sa paligid at nakita kong masasagasaan na ako ng sasakyan, hinintay kong may tumama sa akin na matigas na bagay pero wala ulit, nakita ko si Marco na nakahiga sa kalye
"Hala, Marco!!bakit ka humarang"nataranta ako dahil may dumadaloy na dugo sa noo niya, bigla siyang dumilat at tumayo at hinila ako...
"Saglit, ayos ka lang ba Marco"tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot, kasalanan ko na naman...sa kada may mangyayari sa aking masama siya ang nagliligtas sa akin...nagulat ako ng pinapasok niya ako sa itim na kotse kaya pumasok agad ako, pumasok na rin siya, katabi ko siya ngayon at parehas kaming nasa unahan..tahimik siyang nagda drive, gusto kong mag sorry pero parang may bumubulong sa isip ko na ayos lang.....
"May nararamdaman ka ba na masakit, sabihin mo lang"bigla niyang sabi habang nagda drive
"Ako dapat mag sabi niyan, dahil sa akin napahamak ka ulit katulad kahapon, ako dapat ang sasampalin pero humarang ka, ngayon ako dapat ang masagasaan pero humarang ka ulit, nakakainis ka!"inis kong sabi sa kanya, nakita kong nakangisi siya habang nagda drive...
"Bakit ka kasi tumigil sa gitna ng daan"tanong niya, ano nga ba...iniisip ko kasi yung mansyon
"Yung mama ko, pupunta sa mansyon na dating pinagta trabuhan niya dati, gusto kong pumunta pero ayaw niya"sabi ko, nakita kong napatingin siya sa saglit sa akin bumalik ang tingin sa kalsada
"Gusto mo bang pumunta dun"tanong niya na parang nangungumbinse
"Oo naman"sagot ko, ngumiti siya at nag salita
"Gusto mo, punta tayo mamaya doon"sabi niya kaya natuwa ako
"Sige, alam mo ba papunta doon"saad ko sa kanya
"Oo naman, alam ko ang mansyon na tinutukoy mo, sa pamilyang Carmichael iyon"sagot niya, pero parang pamilyar ang Carmichael sa akin parang narinig ko na siya
"Kaso diba pupunta kayo sa bahay ni Kenji mamaya"nag aalalang tugon niya, oo nga pala...
"Sa sunday, pwede ako"sabi ko at ngumiti siya
"Okay, wala ng bawian, susunduin kita sa bahay niyo"sabi niya, akamang magsasaluta ako para pigilan siya pero inunahan niya na ako at tumingin sa akin
"No buts, ako ang mag susundo sa inyo"sabi niya at tumingin ulit sa kalsada, eh, nakakahiya kaya sa amin...
Nakarating na kami ng school, pinag buksan niya ako ng pinto at nakita ko na wala na masyadong estudyante sa loob kaya wala may nakapansin sa akin, pumasok na kami ni Marvo pero mas naauna siya, nakita ko parin ang pagdaloy ng dugo niya mula sa ulo niya..
"Ayaw mo bang pumunta muna sa clinic"tanong ko pero hindi siya sumagot, nasa tapat na kami ng room at pumasok at nakita kong nakatingin sa amin ang lahat, pero wala pa ang prof namin kaya kinuha ko ang bulak at betadine sa first aid kit ng room namin..
"bessy, what happen"nag aalalang tanong ni Kate sa akin
"Ako kasi dapat masasgasaan, humarang naman siya"sabi ko habang papalapit kami kay Marco, nilagyan ko betadine ang bulak, akmang ilalagay ko ito pero pinigilan niya ako
"Hindi pwede Marco, ayaw mong pumunta ng clinic, pwes! ako ang mag gagamot"saway ko sa kanya at dinamdampi ang bulak at naramdaman ko na napapa galaw siya dahil sa sakit
"Ang tanga mo kasi, ikaw pa yung humarang"sabi ko at nakita ko si Jeff, Ej at Paul na pinagmamasdan kami
"Aba, Marco, nagni-ninja moves ka na"sabi ni Paul at tumawa ang tatlo
"Yan tuloy, napagalitan ka ni Dra. Bessy"sabi naman ni Kate naka tingin rin sa amin
"Ang bobo kasi, ako yung masasagasaan pero humarang ka"sabat ko ulit kaya tumawa ang tatlong ugok pati na rin si Kate kaya nakuha nila ang atensyon ng kaklase namin, nagulat naman kami ng biglang bumalagbag ang pinto at nakita namin si Kenji ay wala na upuan niya, siya ba ang lumabas, bakit..galit ba siya
"Humaygash!! Fafa Kenj is jealous"sabi ni Paul habang naga act na kunyari bakla, nagulat ako sa sinabi niya, kanino siya nag seselos, sa amin ni Marco...bakit..
Nagising ang ulirat ko ng may humawak sa wrist ko at nakita ko si Marco na nakatingin sa akin
"Mahapdi"sabi niya habang nakaturo doon sa parte ng ulo niya na nag dudugo kanina
"Tsk"sabi ko at dinampidampi ang bulak na may betadine, nagtanong naman si Kate
"So, pumayag ba ang Mama mo para sa saturday"tanong niya sa akin
"Oo, basta uuwi ako ng maaga"sabi ko sa kanya at natuwa siya
"Alam ba ng mama mo na pupunta ka sa bahay namin"tanong niya ulit, omayghad! hindi ko nasabi pero wala naman siya mamaya
"Hindi eh, pero ite text ko na lang siya"sabi ko at ngumiti at ngumiti na rin siya..
Dumating na ang prof namin kaya bumalik na ako sa upuan ko at ito na naman, bumalik na rin si Kenji pero hindi siya na namamansin kapag kinakausap siya ng kaibigan niya, at ito na naman ang prof namin masyado na naman pa-importante, akala mo parang importante ang sinasabi eh introduction lang naman ang sinasabi niya...
▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒
VOTE AND COMMENT!!
THANKIES!!
Please read my other story:
The Long Lost Goddess: Apollo's Story
Fantasy rin po yan katulad nito...
Thankies!!
BINABASA MO ANG
OPERATION: Finding My Future Girlfriend
FantasíaPaano kung nalaman mo na nagkaroon ng CURSE ang pamilya mo... At yun ang hanapin ang taong naka TADHANA sa iyo... MAHIRAP diba, hindi mo pa nga nakikilala tapos hahanapin mo pa... Maraming CONSENQUENCES kapag hindi mo nahanap ang naka tadhana para...