♥HIS OTHER SIDE♥

193 9 0
                                    

KENJI'S POV(ang ating pasyente)

"W-wag, wag mo kong iwan, pleasee"sabi ko sa babaeng nakikita ko sa harap ko, malabo ang kanyang mukha hindi ko siya maaninag hanggang sa pigura lang ng katawan niya ang nakikita ko lang

Unti unti siyang naglalaho, hindi ko alam kung bakit parang gusto ko siyang habulin ngunit hindi ako makagalaw sa pwesto

"W-wag mo akong iwan pleasee, mahal kita"wika ko hanggang sa may narinig akong mala anghel na boses

"H-hindi kita iiwan"at doon dumilim lahat ng paligid ng makaramdam ako ng lamig

"Nilalamig ako, brrrrr"sabi ko nag magising ako sa panaginip ko at nakita ko ang orasan

"3:00 na pala, Hell! Nilalagnat ako"bulalas ko

"CATHERINEEEEEEEEEE!!!!"sigaw ko sa loob ng kwarto at sumigaw rin siya pabalik

"KYAAAAAAHHHH! BESSY!!! ANG DRAGON KONG KUYAAAAAAA! ALIVEEEEEEE!"teka, b-bessy, aiishhh, nandito nga pala si Patricia, brrrr, lamig talaga

PATRICIA'S POV

Tumakbo agad kami patungo sa kwarto ni Kenji at pagpasok namin, taklob na taklob siya ng kumot at unan

"Y-yes Kuya"tanong ni Kate sa kanya

"A-ang lamig, brrrr"sagot ni Kenji habang kitang kita namin ag panginginig niya

"Kate, kunin mo na yung lugaw ako na bahala dito"utos ko at tumango siya, kumuha ulit ako ng bimpo at pinunasan siya at inayos ang higaan niya

"P-patricia, b-ba—"

"Shhhh, wag ka muna mag salita"putol ko sa kanya, dumating na si Kate na may dalang lugaw, sinadal ko naman si Kenji sa headboard at parang nanlaki ang mta niya ng makita niya na kinuha ko kay Kate ag lugaw

"WAG YAN!"banta niya, sinamaan ko siya ng tingin at bumulong naman si Kate

"I told you bessy"bulong niya

"Kailangan mo to kainin para makainom ka ng gamot"sabat ko

"Eehhhhhhh, ayoko!"paghihimutok niya at aalis na dapat siya sa kama ng nang biglang...

*click*

Lumabas si Kate at ni lock ag pinto kaya kami lang natirang dalawa dito

"Kainin mo na to para mamaya maka inom ka na ng gamot"utos ko at nakahanda ng isubo ag kutsara sa bibig niya pero hindi niya binubuka ang bibig niya, nakatingin lang siya sakin

"Ehhhhh, Patricia, naman, okay lang lahat, wag lang yan"pagda drama niya

"Wag ng maarte kung aaw mong ibuhos ko sayo toh"banta ko pero natatawa ako sa itsura biya, mukha siyang bata na nagma makaawa

"A-ayaw"pigil niya at lumingon sa ibang direksyon pero hinawakan ko mukha niya at nilapit ko ang mukha ko sa kanya

"Kakainin mo o kakainin mo"sabi ko habang nakatitig sa mata niya, napatitig rin siya at hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang hininga niya na dumadampa sa aking labi

"K-kain na po"sabi niya at doon ako tuluyan lumayo at sinubo sa kanya ang lugaw, kinain naman niya yon at pumangit ang itsura niya nang lunukin iyon, ganito pala ang cute side niya, ayaw niya sa lugaw

Sinubuan ko ulit siya hanggang sa maubos ito at pinagpahinga ko muna siya saglit

"Wag ka muna matulog dahil iinom ka ng gamot, pero kung susubukan mong matulog, isusumpa kita"banta ko sa kanya habang nililigpit ang pinagkainan noya, may binulong siya ngunit di ko narinig pero syempre yung sinabi ko, joke lang yun...

"Oo na po"sagot niya at tumingin sa bintana, umupo lang ako sa tabi niya at hinihintay natapos ag tatlong minuto bago siya painumin ng gamot...

"P-patricia, balita ko, m-may gusto ka daw k-kay Paul"tanong niya na ikinagulat ko

"ANO?!"sigaw ko

"Wait! Joke lang naman yun diba, Pat?"tanong niya at parang bumilis ang tibok ng puso ko nang tawagin niya akong 'Pat'

"Oo n-naman"sagot ko at bumalik sa kama

"Buti naman"yan ang narinig ko sa bulong niya ngunit di ako sigurado, napatitig na lang ako sa kanya kaya nagtama ang tingin namin, ngunit imbis na tanggalin ko ang paningin sa kanya parang mas lalong na-magnet yun...kaya tuluyan na akong napatitig nang biglang....

*click*

Pabukas na ang pinto kaya tumayo agad ako at kunyaring inaayos ang gamot ni Kenji kahit hiyang hiya ako

"Nakakain na siya bessy"tanong ni Kate sa akin

"M-malay ko s—ay este o-oo, n-nakakain na siya, iinum na lang ng gamot"sagot ko habag nanginginig na inaayos ang mga gamot

"Oy, Kenji, iinom ka na ng gamot"sabi ko at nakita kong nag iba ang ekspresyon ng mukha niya

"O-okay"sabi niya at bago ako makalapit may binigay si Kate

"Pampatulog yan"sabi niya at ngumiti, nagtaka ako kung bakit kailangan siyang painumin nun ngunit binigyan ako ni Kate ng isang matamis na ngiti

"Oh, ito una"sabi ko sabay abot ng tableta at baso ng tubig, uminom muna siya ng tubig sabay lagay ng tableta sa bibig at nilunok nang biglang napatalon siya sa kama

"ANG PAITTTTT!"sigaw niya at inabutan ko ng tableta at yun yung pampatulog

"Kenji, ito pa"sabi ko

"AYAW KO! PAIT RIN NIYAN!"sigaw niya hababg lumalayo

"Kenji, isa"banta ko pero lumalayo parin siya

"EHHHHH! MAPAIT YAN EH!"

"Dalawa!"

"Okeh, i-ito na nga"

"Bilisan mo!"

"Ito na!"sabi niya at hablot ng gamot sa akin at ininom niya iyon at parang nagliwanag ang mukha niya ng inumin nita iyon

"Ang tamisssssss!"kinikilig niyang sabi at nakatulog sa kama nagulat ako, ganun pala yun?

"Kailangan niya ng ganun para makatulog siya"kwento sa akin ni Kate at napangiti ako

"Hahahha, ganun ba, akala ko may balak ka kaya pinainom mo siya ng ganun"sabi ko at tumawa kaming parehas

"Ah sige bessy, tulog muna ako, matutulog ka naba"

"Hindi muna siguro, dito muna ako, oh siya, goodnight na bessy"sabi ko at ngumiti rin siya

"Goodnight"balik niya at lumabas na ng kwarto, inayos ko ang pagtalukbong ng kumot kay Kenji at inayos ang kanyang kama nang may mapansin akong sobre sa likod ng unan niya

Binuksan ko ito at may nakasulat sa papel...

"I wish that my feelings could reach you"

Hindi ko alam kung bakit parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at bumilis ang tibok ng puso, eh hindi naman ako yung tinutukoy dito, wala ngang pangalan nakalagay kung para kanino eh...

Pero isa lang nasa isip ko...

"Sasaluhin niya ba ako pag nahulog ako?"bulong ko

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

VOTE and COMMENT....

OPERATION: Finding My Future GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon