♥VALERIE ANGELINE LA VELLA♥

174 9 2
                                    

PATRICIA'S POV

"Ate Patpat, gising ka na, huhuhuhuhuhu, ATEEEEEE!!WAAAHHHH"teka bakit sila umiiyak...p-patay na ba ako...

"Ssshhhh! Valerie! Ingay mo! Pag nandito si Kenji..lagot ka dun"Valerie? Teka si Ashley yun eh...

"Kuya Tristan....si Ate yan eh...Fine! Mananahimik na ako....ehhh kasi..nakakalungkot bukas..."si Ashley yan for sure, pero sino yung tinatawag niyang Kuya Tristan

"Aisshh! Little sis, gabi na oh, dapat sumabay ka na kay Margaux"sabi nung Tristan

"Call Ate Margaux, sasabay na ako"sabi ni Ashley....tumahimik ng matagal ngunit nakarinig ako na ma tumayo sa sofa, hindi muna dapat ako gumising...parang...

may gusto akong malaman...

"Little sis...sunduin mo dito Valerie...pagalitan pa toh ni Kenji...wala dito si Kenji may binili yata...tulog pa si Patricia eh...okay..okay...huh?.....wala na dito si Paulina...ako lang nandito kasi yung mama ni Patricia umuwi ng saglit para dalhin yung gamit niya dito...oo na...bilisan mo"sabi nung Tristan kuno...dahan dahan kong binuksan ang mata pero di ako magpapahuli at nagulat ako...

S-si J-jeff and tinawag na Tristan ni Ashley...at si Ashley ay si Valerie....

Wait! Nung nagpakilala sila wala namang Tristan sa pangalan ni Jeff...alam ko Jeffrey William Sallan, tapos si Ashley.....Ashley Beatrixia Guadalupena...oh nasaan ang Valerie doon...

May tinatago ba sila sakin?

Bigla akong pumikit nung bumukas ang pinto...

"Oh, andito na Ate Margaux mo, umuwi na kayo..papasok pa kayo bukas eh.." Margaux? Sino si Margaux?

"Let's go,aabutan pa ako dito ni Kate at Kenji eh"dahan dahan kong binuksan ang mata at nagulat na naman ako...

Si Margaux a-ay si Mikaela...a-at magkakapatid sila...bakit ang daming sikretong nagaganap, at ngayon ko lang nalaman...bakit..

"Bye Ate Patricia"paalam ni Ashley pero di ako gumising....matutulog na lang siguro ako...at bukas ako gigising...

MARGAUX'S POV

"Valerie..."tawag ko at tumingin siya sakin at tumitig

"Diba sabi ko ang plano wag pagsamahin si Patricia at Kenji, bakit di ka sumunod"seryoso kong tanong

"Im sorry Ate....sabi ni Kuya Rafael, siya daw ang gagawa ng plano kaya hahayaan niya ako nag act bilang Ashley"sabi niya

Okay, three downn....Ashley Beatrixia Guadalupena at si Valerie Angeline La Vella ay iisa, magkakapatid kami...Tristan, Me and Valerie...oh may nakilala na naman kayo...

"Ano susunod niyong plano"tanong ko at tinaas niya ang dalawang balikat niya...umirap na lang ako at pinaaandar ang kotse...

TRISTAN'S POV

Yownnnn! Unang pov ko, bwahahhaha, dapat gwapo ako dito eh noh..wink

11:45 pm na at di parin gising si Patricia...sabi ni Doc, hindi niya daw alam kung kailan magigising si Patricia...nakakapagtaka...doktor siya di niya alam ang kalagayan ng pasyente...tsk...

"Tagal naman ni Kenji"bulong ko at tinitigan si Patricia na nakapikit...nilapitan ko siya at tumayo sa tabi niya

"Gising na toh eh, sure ako"bulong ko, kakalabitin ko na sana nang pumasok si Kenji si at masama ang tingin sa kamay ko...

"May lamok kasi eh, ano ba yan, panget ng ospital na toh, maglagay dapat tayo ng baygon"sana maniwala siyaaaa...di ako magaling sa acting skills, si Margaux lang marunong dito eh, hahaaha, di ko nga siya tinulungan kanina nung nahuli siya nung magkapatid...dahil alam kong kakayanin niya yun...gwapo ko kaya...

OPERATION: Finding My Future GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon