PATRICIA'S POV
Nandito parin kami ospital at ipinapaliwanag nila sakin ngayon kung ano ang nangyayari at katotohanan...at naintindihan ko na ang lahat..
Ako si Lucida Pauline Carmichael...anak ng pinakamayaman na nanilalang sa buong mundo..nung buhay pa sila...may kuya ako at si Rafael David Carmichael ito...nasa isang mayaman akong pamilya na kayang gawin lahat...pati narin ang pagsusumpa sa iba ay nagagawa at ako lamang makatatanggal ng sumpang iyon...pero di nila magagawa iyon hangga't di nila nalalaman na ako si Lucida..ang hinahanap nila..
"GUYSSSS! PWEDE NG UMUWI SI LUCIIII!"biglang entrance ni Victoria sa kwarto at natuwa kaming lahat...
Nakakatuwa lang...kasama ko sila...para sa pagbabagong gagawin ko...
"Wooohhhh! Lets do this! Tara na! Layas na tayo dito!"aya ni Franz at inayusan ako ni Margaux para sa paglabas ko ng ospital
"Dederetso tayong mansion para ayusin lahat"pag anunsyo ni Kuya at sumang ayon ang lahat
FASTFORWARD
Nang makarating kami sa bahay, sinalubong kami ng mga katulong at nagulat ako...dati wala naman tao dito ah...
"WELCOME HOME INSAN!/WELCOME HOME LUCI!/WELCOME HOME LITTLE SIS!"sabay sabay nilang sabi at parang gusto kong maiyak...pero pinigilan ko yun at gusto kong ipakita na masaya ako...baka mag hysterical sila pag nakita nilang umiyak ako...hahahaha
"Sooo...ano susunod na mangyayari"tanong ni Margaux kay Kuya
"Gusto mo bang libutin ang buong mansion"manghang tanong ni Franz at napatango ako
"Para di ako maligaw sa susunod"pahabol ko at nagtawanan kami...
"Lets go!"aya niya at hiniklat ako bigla at naglakad kami sa isang hallway...madaming paintings ako nakikita at may nakalagay na malaking L sa gilid nito...kung saan ang ibig sabihin ay LUCILE
"Hehehe...ito yung mga iba pang kwarto pero third floor pa kasi kwarto mo eh..liko tayo para makita mo yung bintana kung saan nakatapat sa garden ni Tita"paliwanag ni Franz at paliko palang kami ng makita ko ang sinag ng araw sa malaking bintana ng tumapat ako namangha ako sa laki ng flowerbeds dito..iba iba ang tanim at may parang maze pa dito at mula dito..kita ko sa pinakagitna may silungan doon...
"Halika na..akyat na tayo"aya ni Franz at sumunod ako..pagliko namin may isang hagdanan na malaki at tinahak namin iyon
"WELCOME SA SECOND FLOOR MA'AM...SIR!"biglang may bumati samin na lalaki na naka uniporme na parang...butler...mayaman ba talaga kami
"Ahhh...siya si Kuya Jack...assistant ko yan...yow Kuya Jack...si Lucida nga pala"pagpapakilaa niya at ngumiti ng malawak si Kuya Jack...
"Hello!"bati niya at nakipag shakehands..ang sigla sigla nung mata niya kaya halata mo sa kanya na isa siyang cheerful na tao...
"Nasaan si Kuya Jill"tanong niya at nagtaka ako...Jack...Jill...kambal niya kaya yun
"Ahh...nasa third floor po...inaayos yung kwarto ni Ma'am"at napangiti ako...may kambal nga siya...
"Yun ba yung assistant ko"tanong ko at tumango sila at napahagikgik ako
"Akyat tayo...tignan natin yung kambal niya"sabi niya at bigla akong na excite..ngayon lang ako makakakitang kambal...na as in magkamukha...
"Kuya Jill! Kuyaaaa!"sigaw niya nang makadating kami ng third floor...nag eecho ang boses niya sa hallway kaya dapat marinig agad nung Kuya Jill ang tawag sa kanya..
Biglang may tumawid sa gitna namin habang naglalakad at ang bilis nito ngunit nagulat kami nung bumalik agad ito
"EMERGESH! SIYA NA BA YUNG BABY GIRL KO!"sigaw ng lalaki at kamukha ito ni Kuya Jack..napanganga ako..si Kuya Jill ay...beki...
BINABASA MO ANG
OPERATION: Finding My Future Girlfriend
FantasiPaano kung nalaman mo na nagkaroon ng CURSE ang pamilya mo... At yun ang hanapin ang taong naka TADHANA sa iyo... MAHIRAP diba, hindi mo pa nga nakikilala tapos hahanapin mo pa... Maraming CONSENQUENCES kapag hindi mo nahanap ang naka tadhana para...