PATRICIA'S POV
Nasa kotse kaming lahat pati si Queen, napasyahan namin na pumunta ngayon kay Marco...
"What the hell!"biglang sigaw ni Queen kay Paul, magkatabi sila, kanina pa sila bangayan ng bangayan sa likod and it's cute...
"EH ANG SIKIP KAYA!"sigaw ni Paul habang ginigitgit si Queen
"ANG LUWAG KAYA, ANG TABA MO LANG!"sigaw rin ni Queen kay Paul
"LETCHE! SA GWAPO KONG TOH AKO ANG MATABA!"sabat ulit ni Paul
"Pasalamat ka lang talaga!"nangigigil na sabi ni Queen
"Ano ba kasi yan, gumalaw ka nga!"sigaw ni Paul at biglang nanlaki mata niya at napalunok, lahat kami nakatingin sa kanila pero hndi namin alam kung bakit parang natakot si Paul, nag sign of the cross pa yan at nanahimik na lang
"Anyare, bakit biglang tumahimik"tanong ni Kate sa kanila pero ni isa sa kanila walang sumagot
AT THE HOSPITAL...
"Ah, sir room 626 po siya"sagot ng nurse, tinanong kasi namin kung saan ang room Marco
"Saan po ba yun"tanong ni Jeff
"Ah, kanan po kayo diyan sir, may elevator po dyan , and then second floor tapos po deretso na lang kayo at mahahanap niyo na po yun"sagot ulit ng nurse at tumango na lang kami
Ginawa namin lahat ng sinabi ng nurae kasalukuyan pasakay pa lang kami ng elevator...
"Ano ba yan, ang sikip, mag papayat ka kasi minsan Kuya Paul"sabat ni Queen dahilan masira ang katahimikan
"Wag mo kong umpisahan Queen"sumbat ni Paul
"Ang sikip kaya, umusog ka nga"sabi ni Queen at tinulak si Pauk dahilan para masubsob kay Kate
"Ano ba? tumigil ka nga Queen"sagot niya at umayos ng tayo
*ting*
Bumukas ang elevator pero tuloy parin itong si Queen at Paul na nagtutulakan sa corridor
"Isa!"matigas na sabi ni Paul dahil sa lakas ng tulak ni Queen
"Weak mo Kuya"sabi ni at tumawa, napa upo naman si Queen sa sahig dahil tinulak rin siya ni Paul
"Hahahahhahha, tanga, tawa pa more"sabi naman ni Paul at tumawa ng tumawa...ano bang problema ng dalawang toh...
"Ah, miss, peram nga ng injection"sabi ni Paul sa dumaan na nurse at pinahiram naman nito, nakita kong sumulyap muna ito kay Queen at hinabol habang naka abang ang injection kay Quee
"KYAAAAAAAHHHHHH!"sigaw ni Queen at nagtago sa likod ko
"Kuya, hindi po ito pinaglalaruan"sabi ng nurse at kinuha ang injection sa kamay ni Paul
"Bleah!"sabi ni Queen habang nakadila kay Paul
"Oy, tama na yan, nasa loob tayo ng ospital"singit ni Kenji kaya napatigil naman sila...
Nasa tapat na kami ng room Marco, si Queen ang nagbukas nito at nakita namin naka upo si Marco sa kama habang may benda sa ulo
"KUUUYYYYAAAAA!"sigaw niya at niyakap bigla si Marco, close na ba sila?
"S-s-sino ka"tanong ni Marco kay Queen, eh hindi pala close eh
"MARCOO! DUDEEEE!"sigaw rin ni Paul at lumapit kay Marco
"Ikaw, sino ka rin"tanong ni Marco na ikina kunot ng noo namin lahat
"Si Paul ito, ang gwapo mong kaibigan"pagmamalaki na sabi ni Paul pero umiling si Marco
"Wala akong kilala na Paul"sagot niya
"Marco"tawag ko sa kanya at tumingin siya sa akin
"Sino kayo, hindi ko kayo kilalang lahat"sambit niya at napa luha ako sa sinabi niya, may amnesia na ba siya
"Kami toh Marco, kaibigan mo"sabi ni EJ
"Sorry, hindi ko kayo kilala"sabi niya ulit, nakita kong napayuko kaming lahat
"HAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHHA!!"napaangat ulo namin dahil kay Marco, tumatawa siya ngayon, bakit?
"hahahahhaha, all of your face was, hahhahahaha, priceless, hahahhahahhahah mukha kayong hahahha tanga"sabi niya habang nakatingin sa amin
"TANGINA MO! AKALA KO TOTOO, LETCHE KA!"sigaw ni Paul at sinikmuraan si Marco ngunit mahina lang
"Hahahahhaha, nagjo joke lang ako, hhahahah, lalo na si Patricia, malapit na aiya umiyak kanina"sambit muli ni Marco, hindi ko akalain na ako mismo ay natatawa na rin hindi dahil sa itsura dahil ngayon ko lang nakita si Marco na tumatawa hindi katulad, ngiti ngiti lang siya...
"Hahahahahah, napaniwala mo ko dun ha"sabi ko at sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya bigla niyang hinwakan ang mukha at may binulong
"hinding hindi kita makakalimutan, Lucida"sabi niya at napa kunot ang noo ko....L-lucida, may tumawag nasa akin ng ganun....
"Ah, eh, sino si Lucida"tanong ko at napangiti lalo siya
"Nevermind"sabi niya at tumalikod habang tumatawa pa rin
"Ano ka ba naman Marco, akala ko makakaimutan mo na ag kagwapuhan, sayang naman d—ARAY!!"si Paul yan, binato kasi siya ng mansanas na nakalagay sa basket, dala namin toh kanina...
"Sinasayang mo ang grasya"sabi ni Paul at inayos ang sarili
"Gwapo ako kaya grasya ako, dapat hindo mo sinas—LETCHE TAMA NA!"binato naman siya ni Jeff ng apple at sa dibdib natamaan
"Ang sakit ha, pagulungin kaya kita simula sa sixth floor hanggang ground floor"sabi ni Paul habang hinihimas ang dibdib at ulo na kanina natamaan, nagtawanan na kaming lahat, minsan magbabangayan ulit si Paul at Queen kaya mas lalong umiingay ang kwarto
"AKIN TOH! KUMUHA KA DOON!"sigaw ni Queen habang tinatago ang burger na kinakain niya
"AKO ANG NAUNA DIYAN EH, KUMUHA LANG AKO NG TUBIG!"sabat naman ni Paul
"Manigas ka dyan!"sabat ulit ni Queen, hindi ko akalain na ganito sila ka close...cute nilang tignan like....couple..
"PUTSPA! AKO KAYA NAKAKUHA NIYAN TSAKA ALLERGY AKO SA ITLOG YAN NA NGA LANG ANG NATITIRA NA WALANG ITLOG!"sigaw ni Paul na halos umalingawngaw sa kwarto ang boses
"Talk to my hand Kuya Paul"sabi ni Queen at kinain ang burger at take not last bite na yun at dahan dahan pa niya itong nginuya na parang iniiggit si Paul
"LETCHE! BIBILI AKO NG ICE CREAM!"sigaw niya at binalibag ang pinto, tinignan namin si Queen habang papalapit kay Marco at tumabi ito
"Kuya, okay ka na na"tanong ni Queen, ginulo ni Marco ang buhok ni Queen at ngumiti
"So, makakalabas ka na ba bukas"tanong ulit ni Queen
"Naman"sagot ni Marco...bakit ganun kapag si Queen nakikipag usap kay Marco parang close sila samantala sa amin napaka tahimik ni Marco...
ako lang ba ang nakakapansin?
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
INGAT KA MARCO MALABS!!
VOTE ANS COMMENT...
BINABASA MO ANG
OPERATION: Finding My Future Girlfriend
FanteziePaano kung nalaman mo na nagkaroon ng CURSE ang pamilya mo... At yun ang hanapin ang taong naka TADHANA sa iyo... MAHIRAP diba, hindi mo pa nga nakikilala tapos hahanapin mo pa... Maraming CONSENQUENCES kapag hindi mo nahanap ang naka tadhana para...