PATRICIA'S POV
Nakadating na kami sa hospital para bumisita kay Kenji, nandito kami sa reception at si Paul ay tinatanong kung saan ang room ni Kenji...
"halika na"sabi ni Paul at sumunod na lang ako sa kanya
Nakadating na kami sa room at nakita ko si Kate at Marco lang nandito
"Nasaan ang iba"tanong ni Paul
"Si Jeff bumili ng pagkain kasama niya si EJ"sagot ni Kate
"Hi bessy"bati niya at kumaway lang ako, tinignan ko ang kalagayan ni Kenji at mukhang maayos naman siya...
"bessy, nabalitaan ko yung nangyari sayo, sorry kung dahil samin na late ka ng uwi"biglang sabi ni Kate
"Ah, wala kayong kasalanan, tsaka ayos lang naman sa akin, lasing kasi Papa"sabi ko at tumango tango lang siya
"Ay, oo nga pala, may importante akong sasabihin"singit ni Paul
"Ano"tanong ni Kate
"Mamaya, pag kumpleto na tayo"sagot niya at ngumingisi siya...
"Bessy, ayos ka lang ba kay Paul"tanong sa akin ni bessy at ngumiti ako at tumango
"Heehehe, buti naman, alam mo, nung sinabi sa akin ni Jeff na pinalayas ka galit na galit rin ako, pati si Jeff, parang handa na siyang sumugod sa Papa mo"balita sa akin ni Kate at sabay kaming tumawa
"Babalik na rin naman ako mamaya"sabi ko at tumango lang siya
Bumukas ang pinto at ang niluwa nito ay si Jeff na may dalang pagkain at si EJ na may dalang prutas
"Oh, buti nakadating na kayo, tamang tama may dala kaming pagkain"sabi ni Jeff at pinapakita ang dalawang supot na malaki
"okay, tutal kumpleto na tayo, sasabihin ko na ang dapat sabihin sa inyo"singit ni Paul at napatingin lahat sa kanya
"Nataasan ko nakayong lahat sa piano tiles!!! Hahahahahahaaha, mga weak, napaka weak, mismong si Kenji ay nataasan ko na"sabi niya at sumasayaw sa harap namin at para siyang tanga, binato naman siya ni Jeff ng apple kaya napatigil siya
"Hindi importante ang sinabi mo"sabat ni Jeff
"Tch, tanggapin mo na kasi na talo ka"sabat naman ni Paul
"Si Patricia at naglaro sa huli para mataasan mo ako"singit bigla ni Marco at nakita kong napatigil sa kasiyahan si Paul
"Ah, eh, oo nga, na dead kasi ako dahil kay Manang Fe, isa na lang kulang eh buti na lang nalaro agad ni Patricia tsaka may diamond ako"sabi niya
"Psh"yan na lang ang nasabi ni Marco at pumikit ulit
"Ah, uuwi na ako"sabi ni Kate
"Ako rin, matutulog muna ako"sabi rin ni Marco
"Ako rin, gusto ko ng maligo"sabi naman ni Jeff
"Ako rin, lagkit ko na, ang init kaya sa labas"sabi rin ni EJ
"Okay"sabi ni Paul
"Kami na bahala dito"sabi ko sa kanila at nag paalam na sila at kami na lang ni Paul ang natira
"Ah, oo nga pala Patricia, may naiwan ako sa bahay, dadalin ko narin ang gamit mo tsaka yung bear para deretso uwi ka na"sabi niya
"T-teka, a-ako lang maiiwan dito"sabi ko at siya naman ngumiti
"Hindi lang ikaw nandito"sabi niya
"Ayan pa oh"pahabol niya habang tinuturo si Kenji na natutulog, sinamaan ko siya ng tingin
BINABASA MO ANG
OPERATION: Finding My Future Girlfriend
FantasyPaano kung nalaman mo na nagkaroon ng CURSE ang pamilya mo... At yun ang hanapin ang taong naka TADHANA sa iyo... MAHIRAP diba, hindi mo pa nga nakikilala tapos hahanapin mo pa... Maraming CONSENQUENCES kapag hindi mo nahanap ang naka tadhana para...