PATRICIA'S POV
Ito ang pinaka ayoko sa lahat, ang tapak tapakan ako ng iba dahil sa uri ng buhay na meron ako, may kaya naman kami, yung normal na pamilya na kumakain ng tatlong beses sa isang araw, may mga damit at sariling kwarto, ganya kasimple ang buhay ko, naka yuko ako ngayon habang nakatingin sa desk ko, habang ang prof namin ay salitalang salita na hindi importante...naiinis ako sa babae yung galit na galit sa akin dahil sa commoner lang daw ako, edi wow, wag siya magpaka importante sa buhay ko...
*KRIINNGG*
Simula na ang break, ang hirap ng sitwasyon ko, kung minalas malas nga naman, wala akong kakilala dito hindi ko alam kung saan ang cafeteria...hay...GG na this...
"Hello!"nagulat ako ng may nagsalita sa tapat ng desk ko, nag sasalita ba itong desk ko, kung ganun ang astig naman..
"Patricia right"nagulat ako ng may nagsabi ng pangalan ko, inangat ko ng konti ang ulo ko at nakita ko yung babae na nag sabi na welcome daw ako dito, yumuko ulit ako at tumango sa kanya, hello...hindi ko siya kilala kaya nga may salitang don't talk to strangers kaya tango lang ang sinasagot ko...
"Chin up, girl"bigla niyang sabi at kinapa ang mukha at inangat at parang nag ningning ang mata niya ng makita ako...
"KYAAAAHHHHHHH!"tili niya kaya napatingin ang lahat, kaya nagulat rin ako, sa gulat ko natumba ako sa upuan ko at napa higa sa simento...
"ANG CUTE NI ATE TRANSFEREE"tili niya ulit at tumingin ang lahat sa akin at natuwa rin ang iba kaso nakita ko yung babae na galit na galit sa akin, ayan naman siya si ate clown..
"So porket cute, pag kakaguluhan niyo na agad, tsk...hindi yan tatagal dito"sabi niya at bumalik ang lahat sa upuan at yung sumigaw kanina ay inalalayan ako para makatayo...
"Sorry, hhihi, cute mo eh"sabi niya at pinapag ang damit ko pero pinigilan ko siya, hindi naman madumi..
"Ayos lang yan"malambing kong sabi at nagulat ako ng kumuha siya ng upuan at tumabi sa akin
"Let's be friends"sabi niya at nilahad ang kamay niya, napangiti ako sa narinig ko, may gusto ako maging kaibigan, nakakatuwa lang kasi...akala ko mga masasama ang estudyante dito...
"I repeat, ngumiti ka eh, let's be friends"at nilahad ulit ang kamay niya, hinawakan ko ito at ngumiti
"Sige"sagot ng may ngiti sa mukha at siya naman napatayo at nagsalita
"Ang cute mo nung ngumiti ka"pigil na tili niya at tumalon talon
"Ah, ako nga pala si Catherine Kate Morales"sabi niya at hinila ako papalabas ng room at tumakbo kami, bigla siyang tumigil at tinignan ko kung ano ang nasa harap namin, baka ito yung cafeteria...
"ito ang cafeteria natin"sabi niya at pumasok kami at nag hanap agad kami ng table pero nagulat ako ng papunta kami sa isang table na may naka upo ng limang lalake, diba sila yung lalaki kanina sa pinaka dulo, yung pinagalitan kanina ni Mrs. Valdez..
"Upo ka dito Patricia"tawag niya at umupo ako pero yumuko ulit ako dahil sa kakahiyan, lang lalake na napaka gwapo ay nasa harapan ko, araw ko ba ngayon at nakakita ako ng mga anghel...joke..
"EJ, Paul, Jeff, at Marco samahan niyo ako para mag order ng makakain natin"sabi ni Catherine akmang tatayo ako pero pinigilan niya ako
"Stay there, andyan naman si Kuya kaya walang mananakit sayo"sabi niya at napa upo ako, yumuko ulit ako, dahil sa lalakeng kaharap ko...siya ang pinaka gwapo sa lahat, mukhang masungit siya kaya kaysa sa makipag usap nilaro ko na lang ang mga daliri ko
'Iniwan ako ni Kate'gusto ko sanang sabihin kaso wag na, baka magalit si Kuya masungit
"Christopher Kenji Morales"bigla siyang nag salita kaya napa angat ang ulo ko at nakita kong nagulat siya at umiwas tingin sa akin, mukha ba akong tanga nung humarap sa kanya dahilan para mapa iwas tingin siya...
BINABASA MO ANG
OPERATION: Finding My Future Girlfriend
FantasyPaano kung nalaman mo na nagkaroon ng CURSE ang pamilya mo... At yun ang hanapin ang taong naka TADHANA sa iyo... MAHIRAP diba, hindi mo pa nga nakikilala tapos hahanapin mo pa... Maraming CONSENQUENCES kapag hindi mo nahanap ang naka tadhana para...