PATRICIA'S POV
Nasa canteen na kami at ako lang at si Kenji ang naiwan sa table namin habang sila ay bibili ng pagkain...
Tahimik lang kami dalawa at hindi ko alam kung bakit napakatahimik samantala dati naman, kwento siya ng kwento..
"Patricia..."tawag niya sa pangalan ko, hayyy, salamat naman, gumaan ang atmosphere...
Tinignan ko lang siya habang hinihintay ang susunod na sasabihin at siya naman ay hindi ko alam kung natatae ba siya o ano dahil sa itsura...
"Anong, paborito mong kulay"tanong niya at napaisip naman ako, ano nga ba?
"BLUE!"sagot ko sa kanya at parang nag iisip siya at may binulong pero hindi ko marinig...
"Ahhh, kailan ba birthday mo"tanong niya ulit
"September 24"sagot ko sa kanya at bumulong ulit pero hindi koulit narinig
"KAINAN NA!!"biglang may sumigaw sa tabi namin at si Paul lang pala
"Okay, ito sayo, ito sayo, akin, kay Patricia, at sayo ulit"sabi ni Paul habang binibigay ang pagkain sa amin
"tignan mo nga naman oh, magkatabi ang dalawa"sabat ni Paul kaya tinignan ko kung sino ang sinasabihan niya at nakita ko si Kate na ang kamay niya ay nakahugis puso at nakatapat sa amin...ni Kenji
Kyaaahh!! Ano ba, namumula na ba ako?
"Ah...ano..palit tayo bessy...kung gusto mo"sabi ko habang tatayo pero pinigilan ako ni bessy
"No, ayos lang, hehheeh"sabi niya at parang kinikilig...
Ano ba?! hindikami bagay ni Kenji noh!!!
Mayaman siya ako hindi, gwapo siya panget ako, maganda buhay niya ako hindi, magaling siya ako hindi, perpekto siya ako hindi...
Matalino siya, syempre ako RIN!!!
Ahhhh, basta!! hindi kami bagay...kaya walang dapat ikakilig...
"Patricia"tawag sa akin ni Kenji at hinarap niya ako sa kanya at may tinanggal siya sa gilid ng labi ko at kanin iyon...
Takte!! bakit kasi ang kalat ko kumain!!! tignan mo napapahamak ka tuloy!!
"Ah, thank you"sabi ko habang bumalik sa pagkain, nakatungo ako habang ngumunguya...
jusko!! ikaw ba naman hawakan ng lalaki sa mukha...HINDI KA BA KIKILIGIN!!!
(Hindi, pero kung oo, may ibang ibig sabihin na yun)
Ano?
(Nagkakagusto ka na dun sa tao)
psh, hindi ako kinikilig, duhhhh
(Okay, bahala ka)
Grrrrrr!!! SHUT UP AUTHOR!!!
"Patricia"
"Huh?"sabi ko sa kanila
"Okay ka lang, namumutla ka"sabi sa akin ni Kate na mukhang nag aalala nga
Ako, namumula? hindi pwede toh!!! hindi pwede!!!
"Ah, oo, okay lang ako"sagot ko...
KRRRRIIINNNGG
Hudyat natapos na ang break kaya, kanya kanya na ang mga estudyante para bumalik sa klase at kami rin...
Nangunguna ako sa paglalakad para umiwas kay Kenji at para na rin maka iwas sa pag kapula ng mukha...
Nakadating na kami sa roomat nauna akong umupo at nagulat ako nung umupo si Kenji sa tabi ko, si Kate kaya ang katabi ko
BINABASA MO ANG
OPERATION: Finding My Future Girlfriend
FantasiPaano kung nalaman mo na nagkaroon ng CURSE ang pamilya mo... At yun ang hanapin ang taong naka TADHANA sa iyo... MAHIRAP diba, hindi mo pa nga nakikilala tapos hahanapin mo pa... Maraming CONSENQUENCES kapag hindi mo nahanap ang naka tadhana para...