LIKE
"He's Renzo Archer Montiel 18, he has a great interest about business"
Nakatitig lang ako kay Lorie habang sinasabi ang mga iyan. She's researching habang tutok na tutok ang kanyang mga mata sa kanyang mamahaling cellphone, hindi ko alam kung saan niya nakukuha 'yang mga source na yan.
"He's from Manila!" Napaupo ako ng tuwid nang medyo lumakas ang boses niya. "He's from Manila, Fayne! " Sigaw pa niya habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
"Pwede wag kang maingay?" Nasa library kami tapos kung makasigaw siya akala mo kung nasa loob kami ng palengke. "Kung ayaw mong mapalabas tayo dito"
"He's from Manila" pag-uulit niya pero ngayon halos pabulong na. "He's an ex Atenista"
Itinaob niya ang kanyang cellphone at napatingin siya saakin habang parang may gulat sa kanyang itsura.
Napapasalubong na lang ang kilay ko sa reaksiyon niya.
Napairap ako ang OA din nito minsan.
"Bakit kaya siya lumipat dito sa school natin? I mean- he's graduating at pinipili niyang grumaduate at makuha ng diploma sa isang probinsiya, Ateneo de Manila is a prestigious one, at bakit niya gusto dito grumaduate!" Gulantang niyang sabi.
Okay, hindi ko masyadong naiintindihan punto ni Lorie. Napapakamot na lang ako sa ulo.
"Gets mo?" Tanong niya.
Umiling ako at ngumuso.
Huminga siya ng malalim. "Okay Fayne, tatanongin kita, just answer my questions, okay?"
Tumango ako.
"Kunwari grade 12 ka na, anytime soon gagraduate ka na di ba?"
Tinanguan ko siya.
"Kung ikaw papipiliin saan mo gusto makatanggap ng diploma at grumaduate, dito sa Santa Clara National High School o sa Ateneo de Manila?"
"Ateneo"
"Exactly my point is, bakit gusto niya dito grumaduate?"
She got a point.
"Baka wala na silang pambayad sa tuition niya kaya lumipat siya dito!"
Hindi ko alam kung bakit namin ito pinagtatalunan.
"His mom is a company owner and his dad is a lawyer, imposibleng wala silang pambayad ng tuition and he is their only son!"
Napangiti ako. "Pati trabaho ng magulang niya alam mo talaga, pati pagkaunico hijo ni Renzo alam mo?"
"Oo naman. Obsess ka kaya sakanya, tinutulungan lang kita malaman lahat ng tungkol sakanya"
Natahimik ako. Siya mukhang malalim ang iniisip niya.
Obsess ba tawag dito hindi ba pwedeng curious lang ako?
Kasi biruin mo, he's from Manila, he has the charm, the looks, the money, he has all the time to get popular in our school, bakit siya magsesettle down sa pagiging simpleng estudyante lang. Kasi kung ibang tao siya baka pinarada na niya ang kagwapuhan niya, pero siya hindi. He's really humble.
Bakit ganito? Sobrang curious ko sakanya. Kailanman hindi pa ako nagkaroon ng ganitong kainterest sa isang bagay lalo na sa isang tao, ngayong lang. Hindi ko alam kung anong meron sakanya kung bakit ko gustong malaman ang lahat sakanya.
"Maybe he has his own agenda why he's here?" napatingin ako kay Lorie na mukhang seryoso.
"Ano sana?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)
RomanceNo one can tame Monique Fayne Linarez. A sixteen year old stubborn girl. She almost have everything she wants. She have a loving friends and a supportive father but there's one thing she can't have. Young mind. Young heart. Innocent decisions. One h...