Chapter 26

114 8 11
                                    

TERRITORY

"Wag mo na sana ulitin iyon hija"

Napayuko ako sa sinabi ni Ma'am Imelda, she's Glaziers CEO.

"You are under my administration, AWOL ka nang hindi namin alam kung bakit." kalamdo siyang nakikipag-usap saakin. "even your dad doesn't know about this too, pananagutan kita kasi akala ng Daddy mo nandito ka at nagtatrabaho sa kumpanya ko"

Mas lalo pa akong napayuko. Nakakahiya.

"Sorry po. Sorry po talaga" tanging nasabi ko na lang.

Tinapik niya ang aking balikat. "Okay lang pero sana wag mo na ulitin 'yon" nginitian niya ako.

Nginitian ko siya pabalik at tumango.

"Sige na, bumalik ka na sa cubicle mo"

"Sorry po talaga" huli kong salita bago tuluyang lumabas sa opisina niya.

Ma'am Imelda is such a good person, she has the power pero hindi niya ginagamit iyon para hilain pababa ang isang tao. She even talk to me in a nice way kung siguro iba 'yon, baka pinagalitan nanaman ako ng sobra.

Isang Linggo na mula nang nakabalik ako sa Glaziers, at isang Linggo na rin mula nang humingi ako ng tawad sa mga boss ko pero hanggang ngayon sumasariwa pa din sa utak ko ang kabaitan ni Mrs. Montiel.

Natigilan ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang magring ang cellphone ko at pangalan ni Lorie ang nasa screen.

Tamad ko itong kinuha at sumandal sa aking swivel chair.

"Hey! What's up?" Tanong ko.

"Not that important but I saw Caleb." panimula niya.

"And?"

"He's getting married next week.."

Napaupo ako ng tuwid.

Huling kita namin ni Caleb noong araw na kababalik ko lang ng Manila, 7 years ago since then hindi ko na siya nakita at hindi na din ako nagkaroon ng balita tungkol sakanya, ngayon lang.

"Really? Saan kayo nagkita?"

"We just bump into each other in a cake shop and he's inviting me on his wedding day, ano? Sama ka?"

"Saang simbahan ba?"

"No! It's a beach wedding, sa Cebu."

Ngumuso ako. "Malayo 'yon, baka hindi ako payagan ni Dad, you know I'm earning his trust again."

"Ano ba 'yan! Sige na! Ipapaalam kita!"

Tumawa ako. "invited ba ako? Hindi di ba?"

"Edi sama ka, samahan mo ako"

"Ayoko nga. Hindi ako invited, nakakahiya naman"

"Grabe siya oh, sige na please"

"Tignan ko. Dipende"

"We'll talk about it on Wednesday, pupunta ako sa bahay niyo, babay na!"

Hanggang sa narinig ko na lang ang pag patay niya sa linya.

Ano kayang nangyari sa buong squad noong umalis ako? Naging close ba ng sobra ang mga kaibigan ko sa Montiel? O kabaliktaran?

Sinagot ko ang telepono ng ito naman ang magring. "Come here in my office"

Halos kilabutan ako sa malamig niyang boses.

Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon