Chapter 29

112 10 7
                                    

POWERS

Kanina ko pa naririnig ang paulit-ulit na pagring ng cellphone ko ngunit sa sobrang sakit ng ulo ko hindi ko magawang idilat ang aking mga mata para hanapin at sagutin ang bwisit na tawag na iyon!

Pagkatapos kasi magdrama ni EJ kagabi, umalis kaming dalawa lang at pumunta ng Exklusiv. Madaling araw na ako nakauwi dahil ayaw din naman kasi niya patinag sa pag-inom. Hindi naman ako nalunod sa alak nakaya ko pa naman siyang ipagmaneho at iuwi sa bahay nila.

Kinapa ko na sa kama ang cellphone ko nang magring ulit ito at natagpuan ko ito sa aking ulunan. Pikit mata ko itong sinagot.

"WHAT?" pagalit kong tanong dahil mas lalo ko pang naramdaman ang sakit ng aking ulo.

"Whoaa! Kanina pa kita tinatawagan tapos iyan lang ang ibubungad mo saakin"

Mabilis akong napadilat at napaupo sa kama ng magsink in saakin kung kaninong boses iyon.

Tinignan ko pa ang screen ng aking cellphone at pangalan ni Renzo ang naroon..

"Oh! Uhmm..hey? What's up?" Napakagat ako sa aking labi.

Dammit. He might fire me!

"I've been trying to call you but you seems doing something, huh?"

"Naliligo kasi ako, actually katatapos ko lang" Iied.

"Oh, that's great. Paalis na din kasi ako. Papunta na ako diyan"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ha? Papunta ka dito? Ba-bakit anong gagawin mo dito?"

"Have you forgotten? Ngayon alis natin papuntang Cebu"

Mas nanlaki pa ang mga mata ko sa narinig ko.

Oh! Dammit! Ngayon na nga pala 'yon.

"Okay" tanging nasabi ko na lang sabay hagis sa kama ang aking cellphone.

Mabilis akong pumasok sa banyo at naligo.

Mabilis akong natapos pero sinigurado kong nakapagsabon at nakapaghilod ako ng maayos, sinigurado kong nakapagshampoo at nabanlawan ng maayos ang aking buhok. Sinigurado kong malinis at mabango ako.

Binuksan ko ang aking closet. Nakipagtalo pa ako sa sarili ko kung anong isusuot ko.

Ano nga ba?

Kahuhugot ko pa lang ng isang maiksing short nang may kumatok.

Oh my god! Si Renzo?

"Hey!" Sigaw ko. Tarantang nagsuot ng undies.

"Ate! Renzo's here!"

Oh? Si Myca? May pasok siya sa trabaho di ba?

"Where he is?" Tanong ko at hinugot na din ang isang black and white stripes nurtle neck na haltered top.

"Nilalagay 'yung luggage mo sa kotse niya! Baba ka na. Naiinip na 'yon!"

Bago ako umalis papuntang bar kagabi inilagay ko na sa receiving area ang aking luggage.

Nagsuot na din ako ng isang itim na stiletto.

Aligaga at natataranta na ako. Kinuha ko ang aking back pack at nilagay doon ang aking cellphone, netbook at isang camera at mga chargers nila.

Medyo basa pa ang aking buhok, I put it into bun.

At bumaba na.

Pagbaba ko nadatnan ko si Renzo na nakaupo sa sofa at mukhang nakikipagkwentohan kay Myca. He's wearing a mint green tshirt and a shorts. And I saw his shoes na may tatak na 'Macbeth'.

Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon