ATE
"It's Friday, bakit hindi ka pa bihis?" Hindi pa man ako nakakaupo, yan na ang bungad na tanong ni Dad saakin.
Umupo ako sa silya na katapat ni Myca at kumuha na ako ng kaunting kanin at nilagay ko sa aking plato.
"Kayo dad, bakit di pa kayo bihis?" Tanong ko pabalik nang hindi ko siya nililingon.
Sinubukan kong kumilos ng normal.
Nginuya muna niya ang kanyang kinakain bago niya sinagot ang aking tanong. "I a need a break from work, pahinga muna ako ngayon"
Nagkatinginan kami ng aking kapatid.
I'll talk to dad maybe after breakfast. Ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa nasa isip ko habang nakaharap kami sa hapag. It's a rude thing.
Natapos ng mabilis ang agahang iyon, hindi naman na din nagtanong ulit si Dad saakin.
Pagaka-alis ni Myca. Pumunta ako sa kwarto ni dad.
Napahinga ako ng malalim ng matapat ako roon.
I knocked twice bago ko pinihit ang knob at pumasok.
Bahagya siyang nagulat nang nakita niya ako roon.
Inupos niya ang kanyang sigarilyo sa ashtray at umupo ng tuwid sa silya na nasa veranda.
"Hindi ka ba papasok sa trabaho?" Tumayo siya at sinalubong ako.
Iginiya niya ako sa couch na naroon.
Dinadaga na ako ngunit wala ng atrasan 'to. I need to tell him the truth.
"Dad.." Parang hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang lahat. "Nagresign na ako sa Glaziers"
Kumunot ang kanyang noo.
"W-why?" He stuttered. "K-kelan pa? Why did you that?" Naguguluhan niyang tanong.
Nangangapa na din ako sa salita.
How will I start this one?
Mas napahinga ako ng malalim.
"Years ago I left Santa Clara." umupo siya sa aking tabi. "I left because I was so confused" Nanatili siyang nakakunot noo. "I was so inlove with a man who can't love me back" napangiti ako ng mapait ng maalala ko 'yon. "He was a blur on me, we became friends and.. and I assumed na gusto din niya ako..but his heart is with someone. I don't want to get hurt anymore that's why I left.."
Nalalaglag na lang ang panga ng kausap ko habang nakakunot noo, maaaring naguguluhan sa mga pinagsasasabi ko ngayon.
"After 7 years nagkita ulit kami.."
"Si Renzo!" Dad concluded.
Natigilan ako and I smiled at him sabay tango.
"Why? I mean what happened, why are you leaving again?"
Doon na kumalabog ang aking dibdib.
"Kasi mahal na niya ako" nanliligid na ang aking luha at pinipigilan ko iyong lumabas.
"I don't understand" iling pa niya.
"Mrs. Montiel begged at me to leave his son" doon na nabasag ang aking boses.
"Why?" Halos bulong niyang tanong ngunit hindi na ako makapagsalita sa halo halong nararamdaman ko.
"Do you still love Renzo?""He will always the love of my life, Dad"
BINABASA MO ANG
Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)
RomanceNo one can tame Monique Fayne Linarez. A sixteen year old stubborn girl. She almost have everything she wants. She have a loving friends and a supportive father but there's one thing she can't have. Young mind. Young heart. Innocent decisions. One h...