Chapter 14

124 10 7
                                    

OWN YOU

Dati, gustong gusto kong makita yung babaeng mahal na mahal ni Renzo, I want to meet her, I want to see her, gusto ko malaman kung anong meron sakanya at mahal na mahal siya ng lalakeng pinakagugusto ko. Pero kahapon, parang mas gusto ko na lang na hindi na lang siya nakita, na hindi ko nalaman kung sino siya! Kasi parang sinampal ko ang sarili ko sa nalaman ko, dati lagi kong naiisip na siguro, walang wala yung babaeng mahal niya pagdating saakin but damn! Anghel pala siya. The very nice Jenine Gaile Aquino! Na ate ng lahat! Kaibigan ng lahat! Kasundo ng lahat! Mahal ng lahat!

Parang mas gusto ko na lang na maging pala isipan saakin lagi kung sino yung Jen na 'yon. All of the people si ate Gaile pa!

Damn! Parang ate ko na 'yon!

Gusto ko si Renzo, NO! Mahal ko na siya pero ni kailanman hindi sumagi sa isip ko na sumira ng relasyon! I maybe bitch in the eye of others pero hindi ko kaya 'yon. To ruin someones relationship!

"Hoy!" Nabalik ako sa huwisyo ng pumitik sa hangin si Lorie. "Tulala ka nanaman, mag-ayos ka na, at tara na sa classroom"

Inayos ko nag buhok ko at naglagay lang ng kaunting pressed powder at sabay kaming lumabas ni Lorie sa food court.

"Binaliw ka na ng pag-ibig mo!" Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya. "Tapos ngayon sobrang iwas mo kay Marvin, halos magtago ka na sa likod ko tuwing masasalubong natin siya! Fayne naman! Kaibigan natin si Marvin don't treat him that way"

Napakagat ako sa labi ko sabay tango. It's just to awkward. How can I act na parang walang sinabi saakin si Marvin, how can I act like how I used to?

"Atska wag mo masyadong isipin si Renzo at si ate Gaile. May sila na bago ka pa dumating and besides hindi mo naman boyfriend si Renzo di ba?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

Tumango ako.

Oo. Hindi ko siya boyfriend pero nalilito ako. Nalilito ako sa mga bagay na pinapakita niya. He's nice to me. He's granting my whims. Minsan kapag mali ako nagagalit siya at tinatama niya ito. E ano yun? Paano ako hindi malilito at aasa kung ganyan ang pinapakita niya saakin. Alam niyang gusto ko siya, kung ayaw niya pala ako bakit ganon? Bakit ganon kung itrato niya ako? Dahil ba para sakanya little sister niya ako. Pwes hindi ko siya big brother! Gusto ko siya! Gustong gusto ko siya.

"Miss Linarez!"

Mabilis kong pinunasan ang mainit na likido na bumagtas saaking mga pisngi ng tinawag ako ng A.P teacher namin.

Napaupo ako ng tuwid at napatingin sakanya.

Tahimik ang buong klase.

"You okay?" Alalala niyang tanong sabay lapit saakin. "Pansin ko kanina ka pa tulala"

"Okay lang po ako" Tumango ako at sinalat niya ang aking noo.

She held my chin up. "Okay ka lang ba talaga?" Alala niyang tanong.

Napalunok ako at tumango.

"P-pwede po b-bang..pwede po bang lumabas muna?" Tanong ko habang nagpipigil ng luha.

Pagkatango niya mabilis akong lumabas ng classroom.

Pumunta ako ng AVR at doon umiyak ng umiyak!

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganitong sakit saaking dibdib.

Lagi kong sinabi sa sarili ko, I'll get you Renzo. But how I supposed to win you kung iyong kalaban ko sugo ng langit?

It sucks! I was the one to confess my feelings for Renzo and my pride is like 'I told you Fayne! Sana hindi ka na lang nag tapat'

Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon