Chapter 38

109 9 8
                                    

HINDI AKO

Kinaumagahan naging maayos na ang pakiramdam ko ngunit tuwing mag-isa ako paulit-ulit na sumasariwa sa utak ko lahat nang nangyari sa hapunan kagabi.  Hindi pa rin maalis saakin 'yong takot sa mga susunod pang mangyayari saamin ni Renzo. I chose to re-enter into his life it means I need to take the consequences of this this decision.

Hanggang kailangan ko ba pagbabayaran ang pang-iiwan kay Renzo 7 years ago? Bakit kahit saang sulok ako tumakbo binabalikan ako nang pangyayaring iyon?

Maaga akong nakarating sa Glaziers kumatok ako sa pinto ng opisina ni Renzo ngunit walang sumasagot at napag-alaman kong nasa opisina siya ng CEO at kinakausap siya ng kanyang ina.

Napahinga ako ng malalim nang matanong ko ang sarili ko kung ano ba ang maaari nilang pag-usapan ng pribado?

Is it their business? About their family matter? Or about Renzo's future?

Paranoid ako habang tumatakbo ng mabilis ang oras. I can't help it, mahal ko si Renzo at natatakot ako, natatakot ako na pagkatapos ng lahat ng ito hindi siya ang makakasama ko ng habang buhay.

Anong gagawin ko kung sakaling malaman ni Mrs. Montiel na isa ako sa mga nang-iwan sa kanyang anak? Yes, I left Renzo but we are not an item then, yes, maybe I hurted him but it was unintentional.  Anong gagawin ko kung sakaling malaman niyang may namamagitan saamin ni Renzo, else anong gagawin ni Mrs. Montiel kung sakaling malaman niyang may namamagitan saamin ng pinakamamahal niyang anak? Paglalayuin niya kami? Then, I'll fight for Renzo, I'll fight for this love.

I'm not going to give up to us.

5:30 nang may kumatok sa pinto ko at pumasok si Renzo na bihis na bihis.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo at sinalubong ko siya.

I hugged him. Parang namiss ko siya.

"Aalis na ako, pinapapunta ako ng CEO sa Bulacan" bahagya akong natigilan sa sinabi niya.

"Magtatagal ka doon?"

Umupo siya sa silya na naroon sa harap ng table.

Nanatili akong nakatayo. Hinawakan niya ang aking beywang.

"Nope. Malapit lang naman ang Bulacan. I'll text you when I got home" he assured me.

Tumango ako.

Dalawang magkasunod na araw ganon lagi ang eksena. Magpapaalam siya saakin na aalis siya tuwing dumarating ang 5:30 dahil pupunta raw siya ng Bulacan.

Tuwing tinatanong ko siya kung anong ginagawa niya roon, iniiba niya ang usapan at mabilis siyang umaalis ng Glaziers.

I trust Renzo. I have no doubts in him pero..pero iba ang nararamdaman kon

Nang biglang magring ang cellphone ko. Lorie's calling.

Sumandal ako sa headrest ng swivel chair ko.

"Yes, Lorie?" Bungad ko.

"Mag-out ka na, pupunta tayo ng Makati" pagyaya niya. Halos marinig ko sa boses niya ang excitement.

"Anong meron?"

"EJ's inviting us to see his love of his life!"

"Talaga?"

Nasaksihan ko kung paano nabaliw si EJ ng dahil sa pag-ibig. At sa lahat ng pagkakataon na 'yun minsan ko lang nakita ang babaeng pinakamamahal niya at lasing pa ako nun, ni hindi ko na nga maalala itsura niya.

Pumunta kami ni Lorie sa isang Filipino Cusine sa Makati.

"Nasa second floor daw sila" sabi ni Lorie nang makapasok kami sa Restaurant na iyon. "I really wanna meet her" dagdag pa niya.

Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon