PROMISE
"How many kids do you want to have?"
Nanlaki ang mga mata ko isang araw ng magtanong si Renzo.
"Pinagsasabi mo?" Binatukan ko siya.
Niyakap lang niya ako. Nasa opisina niya kami ngayon, ganito lang lagi kapag wala kaming ginagawa, umuupo lang sa sofa while cuddling and making some light conversation.
"No. Ilan nga?"
"Either two or three?" Patanong kong sagot. Pero kung sakali man, hindi pa ako ready magkaanak. I'm still 23 wala pa akong napapatunayan sa tatay ko at wala pa sa isip ko 'yon.
"Ayaw mo ng four or more?"
"Dipende. Hindi pa ako ready sa mga ganyang bagay. Wala pa sa isip ko 'yan"
Isiniksik niya ang kanyang mukha saaking leeg na para bang nanlalambing.
"Ako, gusto ko na ng baby.." kinilabutan ako ng bumulong siya sa leeg ko.
"E di gumawa ka, pinipigilan ba kita?" I kid.
Natawa siya. "I can't do it alone"
"Then wait, till I get ready.."
"Talaga?" Nanunuya niyang tanong. "Baka kapag naghubad ako ngayon dito bumigay ka din"
Tinulak ko siya kunwari. "Wow! Wow ang hangin"
Natawa siya na para bang hindi siya makaget over sa nangyari.
Natawa na din ako, Dammit! Mahal na mahal ko 'tong taong ito.
Nagtawanan kami.
Natigilan lang ako sa pagtawa ng may kumatok sa pinto.
Napatayo ako ng tuwid ng iniluwa ng pinto ang CEO.
Bigla akong ginapang ng kaba. Ayokong magkaroon ng wrong impression saakin ang mommy ni Renzo.
"Son.." aniya.
Tumayo si Renzo.
Halos magtago naman ako sa likod ng indoor plant na naroon.
Dammit!
"Have your lunch now. In an hour magsisimula na meeting natin"
"Yes ma!"
Lumabas na ang mommy niya sa silid at isinara ang pinto.
"Get your bag now!" Biglang utos ni Renzo habang inaayos niya ang kalat sa lamesa niya.
"Bakit?"
"Now Fayne!"
Nagkunot noo ako. Ngunit sa huli kinuha ko rin ang bag kong nasa tabi ng sofa.
Isinuot niya ang kanyang dinner jacket at hinawakan niya ako sa palapulsohan ko.
"Let's go!" Aniya.
Nakakunot noo pa rin ako habang hindi ko maintindihan kung anong nangyayari hanggang sa di ko namamalayan nagpapatianod na pala ako sa paghila niya saakin.
Nakapagsalita na lang ako ng nasa basement parking lot na kami.
"Hoy! Saan tayo pupunta! May meeting ka pa mamaya!"
Mabilis niyang pinatunog ang alarm ng kanyang pulang Prius at binuksan niya ang front seat.
"Sakay na!" Sumakay ako kasama ang pagtataka.
![](https://img.wattpad.com/cover/72002416-288-k964233.jpg)
BINABASA MO ANG
Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)
RomanceNo one can tame Monique Fayne Linarez. A sixteen year old stubborn girl. She almost have everything she wants. She have a loving friends and a supportive father but there's one thing she can't have. Young mind. Young heart. Innocent decisions. One h...