LETTER
Nanginginig kong kinuha ang bagong pirmado ni Mrs. Montiel na resignation letter.
Pagkakuha ko nito, umalis na din agad ako nang hindi ko siya tinitignan, nang hindi ko siya iniimik pero kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paninitig niya saakin na para bang sinusuri niya akong mabuti.
Pirma na lang ni Renzo ang kulang, effective tomorrow makakaalis na ako.
Buo na ang desisyon ko, aalis na ako para sa ikatatahimik ng lahat.
Halos dalawang araw ko tong pinag-isipan, tinimbang ko ang mga bagay bagay at sa lagay ngayon, mas matimbang saakin ang buhay ng sanggol na nasa sinapupunan ko.
Mahal ko si Renzo pero siguro may mga bagay na hindi para saakin.
Bawat hakbang mas nahihirapan ako sa pag-usad ko. Kasin bigat ng bawat yapak ko ang aking nararamdaman na para bang anumang segundo maiiyak na ako.
Mas lalong nanginig ang aking buong katawan ko nang matapat ako sa pinto ng opisina niya.
I have to do this para sa anak ko.
Tuwing nagtetext siya saakin tipid bawat reply ko. Hindi ko din naman magawang sagutin mga tawag niya dahil ang sakit sakit na marinig ang kanyang boses.
Tinulak ko ang double doors at napatingin siya saakin. Natigilan siya sa kanyang ginagawa, mabilis siyang tumayo at dumalo saakin ng marealize niyang ako ang nakatayo sa kanyang harapan.
Niyakap niya ako ng mahigpit at matagal.
My heart aches.
Napapikit na lang ako ng mariin at halos itago ko naman saaking likuran ang aking resignation letter.
Kaya ko pa ba 'to?
Hinarap niya ako at hinawakan sa aking magkabilang balikat. "Bakit ngayon ka lang. Your are not answering my calls, I got worried. Pumunta ako sa bahay niyo pero wala ka raw doon, where are you staying?" Diredirestso niyang sabi hatala sa mukhang niya ang pag-aalala.
I tried to smile but my lips end up frowning.
"I'm okay.." tanging nasagot ko na lang habang pinipigilan ang pamimilipit ng aking dila.
"Have a seat. Magpapaakyat ako ng miryenda para saatin"
My heart's pounding fast. Napapahinga na lang ako ng malalim.
Umupo ako sa silya na nasa harap ng kanyang lamesa.
Tatawag na sana siya para magpadala ng miryenda ng pigilan ko siya. "Wag na, I'm still full."
"Alright" Nakangiti niyang sabi.
He looks so happy.
How to break those smiles? I don't know!
How to start this? I still don't know!
"Hindi rin naman kasi ako magtatagal"
Nagkunot noo siya sa sinabi ko. Kita ko ang mga katanungan sa kanyang mga mata.
Inabot ko ang letter nang hindi siya tinitignan.
Napakagat ako sa aking labi.
"What's this?" Tanong niya sabay buklat sa letter na nakatupi ng dalawang beses.
"What's the meaning of this?" Mas mariin niyang tanong ng tuluyan na niyang mabasa ang nilalaman ng sulat.
Hindi ako nakaimik.

BINABASA MO ANG
Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)
RomanceNo one can tame Monique Fayne Linarez. A sixteen year old stubborn girl. She almost have everything she wants. She have a loving friends and a supportive father but there's one thing she can't have. Young mind. Young heart. Innocent decisions. One h...