Chapter 15

136 11 10
                                    

PERO

Pabalik balik ang tingin ko sa salamin at sa wristwatch ko habang kinakabahan. Hindi ko alam kung kaba nga ba 'to o excitement.

Nag-uumapaw ang puso ko sa saya! Na para bang tinatangay ako ng hangin sa sobrang saya.

Susunduin ako ni Renzo, sasabay kaming papasok sa school ngayon kaya 6:30 pa lang bihis na ako, ayoko namang paghintayin siya.

I'm so excited!

Napatalon ako nang magring ang cellphone ko. Mabilis ko itong dinampot sa coffee table at sinagot.

But I thought it was Renzo.

"Good morning baby.." bati niya sa kabilang linya.

"Good morning too dad.." bati ko pabalik.

"Are you ready for school?"

"Yes dad. Naghihintay na lang ako ng tricycle..."

Why do you need to lie Fayne?

"That's good. Kumain ka na ba?"

"Yes dad.."

"Okay. When you need something sabihin mo lang kay manang Belen or sabihin mo saakin.."

"Yes dad.."

"Anyway, I just call because I missed you.." Napanguso ako. I miss you too dad. "Ayaw mo ba talaga bumalik dito sa Maynila? I mean, mag-isa ka lang diyan.."

"Dad. Okay na ako dito. Big girl na ako. Nothing to worry about."

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Okay.. when you need something just call me, okay?"

"Opo!"

"O sige na, sinaglit lang kita. I need to put this call down. I love you baby, I miss you.."

"I love you too dad. I miss you too.."

That how we ended the call.

Lumipas na ang kinse minutos wala pa din si Renzo.
Tinext ko siya pero wala siyang reply. Tinatawagan ko siya pero hindi niya ito sinasagot.

Maaga pa naman. I'll wait.

Nang biglang tumunog ang aking cellphone.

It's Renzo calling.

Sumilay ang matamis na ngiti ko sa labi.

"Good morning Renzo, nasaan ka na?" Tanong ko.

Narinig ko ang malungkot niyang paghinga ng malalim sa kabilang linya. "Sorry, nagkaroon kasi ng problema dito sa apartment, I need to fix this.."

Nalukot ang aking mukha. "G-ganoon ba?"

"Sorry..."

"Okay lang. Magtatricycle na lang ako"

"Sorry talaga, babawi na lang ako sa susunod"

"Don't worry. I understand"

Napaupo ako sa beanbag na nasa gilid ng coffee table.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nanghinayang. 'Yun bang excited na excited ka pero hindi pala matutuloy. Pero okay lang, kung may importante naman pala siyang gagawin naiintindihan ko.

Paglabas ko ng bahay may napadaang tricycle sa harap ko at iyon na din ang sinakyan ko.

Habang nasa loob ako ng sasakyan tinext ko si Renzo.

Ako:
Nakasakay na ako ng tricycle. Text mo na lang ako kapag nasa school ka na.

Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon