CHANGE
Hinatid ako ni Renzo sa bahay after breakfast.
Nagtextan kami ng araw na 'yon.
I can't pinpoint pero pakiramdam ko may nagbago. Hindi ko masabi pero may nagbago. Siguro the way he treats me. Hindi na siya masyadong nagsusungit saakin. Hindi na siya kasing cold ng dati saakin.
"Anong sinasabi niya sayo kapag magkatext kayo?"
Biglang tanong ni Lorie habang nagpapalit kami ng uniform para sa PE namin.
"He's just asking if what I'm doing"
"Wala na, yun lang?"
"Basta!"
Inirapan niya ako.
"Banas 'tong uniform natin, ang sikip talaga para akong nasasakal" Reklamo niya habang tinatali niya ang sintas ng kanyang sapatos.
Inayos ko naman ang type D uniform namin para sa volleyball namin.
"Tara na!" Niyaya ko na siya at itinali ko ang aking buhok habang palabas kami ng locker room.
Pagdating namin ng volleyball court andoon na ang ibang kaklase namin at busy sila sa paggugrupo grupo.
"Lorie! Fayne!" Tinawag kami ng kaklase naming si Althea.
Lumapit kami ni Lorie sakanya. "Kulang kami ng dalawa para makabuo ng isang grupo. Dito na lang kayo"
Tumango kami ni Lorie.
"I hate PE wala akong alam sa sports!" Bulong ni Lorie.
"Madali lang 'to. Don't worry!"
"Okay, unang maglalaro ang grupo ni Althea at ang grupo ni Zyrah." Sabi ng PE teacher namin.
"Damn! Tayo pa talaga mauuna! Bwisit!" Panay na lang ang mura niya sa gilid ko.
"Guys, pwesto na tayo!" yaya ni Althea saamin.
Sumunod kami ni Lorie sakanya.
Pumwesto na din ang kalaban namin.
Kami ng mga kagrupo ko ang nakaharap sa entrance ng court kaya kung sino man ang papasok dito, makikita namin.
Pumunta na kami sa assigned place namin at hinihintay na lang ang pagpito ng teacher para sa pagserve ng kabilang grupo.
Ang iba naming kaklase na mamaya pa ang laro umupo muna sa mga bleachers kasama doon ang tatlo naming kaibigan na lalake.
"Go Sierra! Go Linarez!" Sigaw ng tatlo nang makapunta na sila ng bleachers.
"What the! They are so annoying!" Rinig kong sabi ni Lorie na nasa likod ko.
Tumawa na lang ako.
Bigla akong kinabahan nang makita ko kung sino ang papasok ng court.
The Montiels! Caleb and Renzo!
Kinabahan ako.
Focus Fayne kung ayaw mong magmukhang katawatawa ngayon.
"Oww.. the boyfriend is here!" halakhak ni Lorie.
Sinamaan ko siya ng tingin.
Pumito ang aming teacher at nagsimula na nga ang laro.
Saakin ang unang score, well I'm good at this.
"Go Fayne! Wooooh!" Sigaw ni CJ.
Mas dumami pa ang tao sa mga bleachers ng court.
"Sexy mo Fayne!" Rinig kong may sumigaw nito.
BINABASA MO ANG
Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)
RomanceNo one can tame Monique Fayne Linarez. A sixteen year old stubborn girl. She almost have everything she wants. She have a loving friends and a supportive father but there's one thing she can't have. Young mind. Young heart. Innocent decisions. One h...