PRIORITY
"Ate.." Tinalikuran ko si Renzo nang tinawag ako ng aking kapatid.
Lumabas ako mula sa kusina at iniwan siya doon.
"Dad's been calling a couple of times from now, hinahanap na niya tayo"
Tumango ako.
Hinarap ko si Lorie na ngayon ay seryosong nakatingin saakin.
"Nasaan 'yung dalawa?" Tanong ko.
"Pinalayas ko na! Nabadtrip ako sa ginawa nila" Umirap siya sa kawalan.
"Hayaan mo na. Just calm"
Tumango siya.
"Anyways, uwi na kami. Nag-aalala na si Dad"
"Hatid ko na kayo sa inyo"
"No. Sobrang abala na 'to para sa'yo. Magtataxi na lang kami"
"Hatid ko na kayo" sabay kaming napatingin na tatlo sa kay Renzo na nagsalita.
"N-no, uhmm.. magtataxi na-"
"You think I'll let you ride in a taxi with your condition?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Hatid ko na kayo sa baba" sabi ni Lorie.
Tumango ako at nauna sa paglalakad palayo at sinabayan ako ni Myca.
Nahuli naman ang dalawa.
"We'll ride a taxi or what?" Pabulong na tanong saakin ng aking kapatid habang naglalakad kami patungo sa elevator.
"Taxi.."
Tahimik kaming apat hanggang sa makababa na kami ng building ni Lorie.
Binuksan ni Lorie ang backseat ng kanyang sasakyan at kinuha mula roon ang mga paper bag na ang laman ay ang mga pinamili namin sa mall kanina.
"Ate, tatawag lang ako ng taxi"
"NO!" hahakbang pa lang sana siya nang mabilis siyang pinigilan ni Renzo. "Ihahatid ko kayo"
"Renzo, you don't have to do this"
"I said. Ihahatid ko kayo" ngayon mas Maawtoridad niyang tugon.
"Sige na, baka mag beast mode pa yan dito." siniko ako ni Lorie.
Tumango na lang ako at hinawakan na ang ibang paper bags, ganon din si Myca.
Mabilis na pinatunog ni Renzo ang alarm ng kanyang sasakyan.
Binuksan niya ang backseat at pumasok roon si Myca. Hindi pa man ako nakakapasok isinara na niya ito.
Walang sabi sabi na bumukas na niya ang front seat at binigyan niya ako ng isang dito-ka-umupo-look.
"Lorie" Tinawag ko muna siya. Bumaling siya saakin gamit ang isang makahulugang ngiti. "Una na kami. Salamat!"
Kumaway siya at nagthumbs up. Tska ako pumasok sa sasakyan.
"Ate, ano set-up niyo ni Renzo ngayon?"
Hindi ko na nasagot ang tanong ng kapatid ko dahil binuksan na ni Renzo ang driver's seat at mabilis na pumasok.
"Magseat belt kayo" malamig niyang tugon sabay buhay sa makina ng kanyang sasakyan.
Tahimik ang naging biyahe, pareparehas kaming nagpapakiramdaman habang tumatakbo pa rin sa utak ko ang tanong ng aking kapatid.
Ano nga bang set-up namin ngayon ni Renzo? Hindi ko din alam? Ano nang mangyayari ngayong alam na niyang dinadala ko ang dugo't laman niya? We'll get married soon? Oh, C'mon! That's next to impossible. So, ano magpapakasal kami dahil nabuntis niya ako? Is that his reason? Kung iyon nga, wag na lang. Atska kung magpapakasal kami, it means I have the obligation to deal with his mother, ano 'yun magpaplastikan kami the whole time na magkakausap kami? Heaven's sake! Kaya ko ba 'yun! And no, hindi ako papayag na magpakasal ako sakanya, not so soon. It's okay for me to tell others that I got pregnant out of marriage than to deal with Mrs. Montiel nang dahil sa pinakasalan ako ang anak niya, hindi yun yung idea ko tungkol sa ganitong bagay. Let's fix things first one by one bago tayo tumungong simbahan. This time, wag muna.
BINABASA MO ANG
Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)
RomanceNo one can tame Monique Fayne Linarez. A sixteen year old stubborn girl. She almost have everything she wants. She have a loving friends and a supportive father but there's one thing she can't have. Young mind. Young heart. Innocent decisions. One h...