TRABAHO
"Fayne! Fayne bumangon ka na diyan!"
Nangapa ako ng unan at itinakip ko ito sa mukha ko nang marinig ko ang pagtawag saakin ni Dad kasama ang marahas na katok sa aking pinto.
"Fayne! Open the door!"
Masakit man ang ulo ko, iminulat ko ang mga mata ko but I don't have a plan to open the door and see how Dad's angry right now.
Napairap ako sa loob loob ko.
"Open this goddmaned door Fayne! Or else I'm gonna wreck this door"
Medyo bumangon na ako at isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama.
Hinawakan ko ang ulo kong pumipitik sa sakit.
Si Dad talaga, wreck the door? Ikaw din naman papagawa niyan pag nasira.
Mula nang bumalik si Lorie dito sa Pilipinas, wala na kaming ginawa kundi lumabas at gumimik gabi gabi though my rule si Dad na twice a week lang kami pwedeng lumabas para sa nightlife namin, so every night I have to sneak out, madalas madaling araw na ako kung umuwi, kaya madalas sermon ang almusal ko.
"Don't make me count Monique Fayne Linarez!"
Doon na ako napabangon.
Mabilis kong binuksan ang pinto kahit kalat kalat pa ang itsura ko.
"Dad!" Nginitian ko siya. "Good morning!"
"Fix yourself at sumunod ka saakin"
Tumango ako.
Mabilis akong tumakbo ng banyo, nagtoothbrush at naghilamos.
Habang ginagawa ko yang mga yan, dinig na dinig ko ang pagkatok ni Dad sa kwarto ni Myca na katabi lang ng kwarto ko.
Why dad's so furious? Ang aga aga nahahighblood siya.
Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos kong ayusin ang aking sarili.
"MYCA!" Sunod sunod ang pagkatok ni Dad.
"Kalma dad" sabi ko nang makalapit ako sakanya.
"Myca Angelie Linarez! Don't make count!"
Mabilis pa sa alas kwatro bumukas ang pinto ni Myca. And as usual libro nanaman ang hawak niya. "Dad, why so mad?" Tanong ni Myca.
"You two, follow me."
Oras na binaggit ni Dad ang buong pangalan mo, it means galit na siya.
Nauna naglakad si Dad.
Nagkatinginan kami ni Myca. "Anong meron?" She asked.
I shrugged.
Sumunod kami ni Myca sa office ni Dad dito sa bahay.
Tamad kaming umupo ni Myca sa couch ng makarating kami doon. Still clueless if what's going on.
Habang si Dad, hindi ko maipinta kung anong itsura niya. He looks so frustrated na parang sobrang galit na parang! Ewan!
Binuklat ni Myca ang binabasa niyang libro.
Nagulat na lang siya ng agawin ito ni Dad at inilagay sa basurahan na malapit sa pinto.
"Dad!" Gulantang na sabi ng kapatid ko.
Medyo natawa ako.
"Sabihin niyo nga saakin kung anong gusto niyong mangyari sa mga buhay niyo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/72002416-288-k964233.jpg)
BINABASA MO ANG
Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)
RomanceNo one can tame Monique Fayne Linarez. A sixteen year old stubborn girl. She almost have everything she wants. She have a loving friends and a supportive father but there's one thing she can't have. Young mind. Young heart. Innocent decisions. One h...