GOOD GIRL
Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na maalis si Renzo sa utak ko, sa lahat na lang ng gagawin ko nasa utak ko siya, sa pagkain, sa pagtulog ni hindi ko na magawang mag concentrate ng konti sa loob ng classroom kaiisip sakanya. Lalo na yung paghatid niya saakin sa bahay, yung pag-amin ko sakanya na gusto ko siya, yung paghalik ko sakanya.
Maaring walang ibig sabihin iyon sakanya pero para saakin, isang magandang alaala iyon.
Magkikinse minutos na, wala pa kaming teacher at kating kati na ang aking mga paa lumabas ng room.
Ang mga lalake naming kaklase, ayun panay batuhan ng crumpled paper ang ginagawa nila, well you can expect them to be tamed, it's thier nature. It's mens nature and you can't changed it.
"Fayne, Lorie, tara sa liwanag batis" ngiting ngiting pagyaya ni CJ.
"Kayo na lang, baka mahuli ulit ako"
"Aysus naman! Tara na!" Hinila ako ni CJ.
"Kayo na lang talaga, sabi kasi ni Dad kapag nahuli pa ako minsan ibabalik na niya ako ng Maynila" I lied. Ayokong sumama ngayon sakanila may gusto akong puntahan.
"Hindi ka mahuhuli kung hindi ka papahuli! Tara Lorie, ikaw na lang sumama, ang kill joy ni Fayne"
Umiling si Lorie at ngumiti. "Sorry Cej, kung hindi sasama si Fayne, papaiwan na lang din ako"
"EJ, Marvin!" Tawag ni CJ sa dalawa. "Tayong tatlo na lang, ang KJ nitong dalawa"
Tumango naman ang dalawang gago at kinuha nila ang kanilang mga bag.
"Bye bye!" Paalam ni Lorie habang lumalabas ang tatlo sa classroom namin.
Paglabas ng tatlo, hinarap ko si Lorie. "Tara sa Senior high building"
Nagkunot noo siya. "Anong gagawin natin doon?"
"L-lakad lakad lang" nag-iwas ako ng tingin sakanya.
Hinuli niya ang mata ko. "Gusto mo makita si Renzo doon di ba?" Ngiting ngiti niyang tanong.
"Hindi ah!"
"Aysus naman Fayne, saakin ka pa talaga magsisinungaling"
"Hindi nga!"
"Aminin mo nga saakin gusto mo ba si Renzo?" Tinaasan niya ako ng kilay na para bang nag-aabang siya sa isasagot ko.
"Hindi nga!"
"Aamin ka o hindi kita sasamahan?"
"Oo na! Oo na! Tara na"
"Sige, tara na!"
Tumayo na siya at siya pa mismo ang humatak saakin palabas ng classroom.
"My god Fayne! Baliw na ka sa lalakeng iyon!"
Sabi niya habang inaakyat namin ang hagdan paputang third floor ng Senior High Building."Iba ang curious sa baliw, Lorie"
"Sige na nga. Dahil kaibigan kita, susuportahan kita dito sa kabaliwan mo"
"Salamat.." sabi ko.
"Saan ba dito yung classroom nila kapag ganitong oras?" Tanong niya habang iniisa isa namin ang bawat classroom na madaraanan namin.
"Hindi ko alam basta tignan mo na lang ng mabuti bawat rooms"
Bawat classroom binubusisi namin ng maayos kung andoon ba siya o wala.
BINABASA MO ANG
Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)
RomanceNo one can tame Monique Fayne Linarez. A sixteen year old stubborn girl. She almost have everything she wants. She have a loving friends and a supportive father but there's one thing she can't have. Young mind. Young heart. Innocent decisions. One h...