TULOG
"Hindi mo nireplyan 'yung text ko kanina." napatingin ako sakanya.
Text? Kanina? Wala siyang number saakin.
"Tinanong kita kanina kung nasaan ka, kaya ba hindi ka nagreply kasi nasa batis ka"
Hindi ko mawari sa boses niya kung nagtatanong ba siya o nagsasalaysay. Nagagalit ba siya o kung iyan na ang kalmado niyang boses.
Where did he get my number, anyway?
Napahawak ako sa tiyan ko ng may maramdaman akong nagliliparan doon.
"W-wala a-kong load" diretso ang tingin ko sa daan kahit nagkakabuhol buhol na ang dila ko.
I heard him tsked.
"Saan nga pala bahay niyo?" Tanong ko para maiba ang usapan.
"Malapit lang"
"Saan nga?"
"Villa Verde"
Malapit na kami sa Villa Verde.
"You're living there with your cousin Caleb?"
"Nao"
"Saan siya nakatira?"
"Sa tita niya"
Napanguso ako. Wala na bang ihahaba mga salita na bibitawan niya? Tska lang naman mahaba sasabihin niyan kapag ka galit siya saakin.
"Renzo, pwede sa bahay mo muna ako?" Napakagat ako sa labi ko dahil sa tanong ko.
Napatingin siya saakin gamit ang kanyang malalalim na mga mata.
I'm bit scared with his eyes.
"NO!"
"Please?"
"Wala kang gagawin dun!"
"Wala akong kasama sa bahay,.wala si Manang Belen doon hanggang bukas, hatid mo din ako after dinner"
"Alin ba sa 'NO' ang hindi mo maintindihan?" Galit ang kanyang mga mata nang tumingin siya saakin.
Napalunok ako. Natahimik na lang ako.
Narinig ko na lang ang mga malalalim niyang paghinga hanggang sa iniliko niya ang kanyang sasakyan papasok sa Villa Verde.
Napangiti ako sa loob loob ko.
Inihinto niya ang kanyang sasakyan sa isang kulay green na gate.
"Baba na!" utos niya at bumaba na siya sa sasakyan niya.
Pwede lang sana maglululundag sa saya dito sa sasakyan niya ginawa ko na.
Bumaba na din ako.
Pumasok kami sa isang kulay peach na bahay.
"Umupo ka muna magbibihis lang ako"
Tumango ako at umupo.
Inilibot ko ang mga mata ko sa bahay.
Color peach din ang loob nito. It's a one story house. Simple lang. Concrete, tiled floor may isang chandelier sa taas. Walang masyadong furnitures maybe because hindi naman siya taga rito. May flat screen sa receiving area at may dalawang malalaking sofa.
"What do you want to drink?" Napatalon na lang ako ng sumulpot siya sa harap ko.
Bakit ang hot niya kapag nakapambahay lang siya? Simple white plain shirt and a black three fourth shorts.
![](https://img.wattpad.com/cover/72002416-288-k964233.jpg)
BINABASA MO ANG
Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)
RomanceNo one can tame Monique Fayne Linarez. A sixteen year old stubborn girl. She almost have everything she wants. She have a loving friends and a supportive father but there's one thing she can't have. Young mind. Young heart. Innocent decisions. One h...