Chapter 39

100 7 5
                                    

WARNING SPG!

SLOW

"Isa pa kuya" sa ikalawang pagkakataon inabutan ako ng bartender ng isa pang shot ng Bacardi Gold.

Nilagok ko nang minsanan ito. Mabilis siyang umikot sa loob ng aking sikmura.

"One more please" tinatapik tapik ko ang counter gamit ang aking mga daliri habang hinihintay ang pag-abot niya saakin ng isa pang shot at habang hinihintay ko din ang pagdating ni Lorie.

Nang maiabot niya saakin ang isa pang shot. Umupo ako sa high stool na naroon.

I can't calm myself may kung ano anong naglalaro na senaryo sa loob nito.

For the nth time sinubukan ko ulit kontakin si Lorie, nakakatatlong ring pa lang sinagot na niya ito.

"Nasaan ka na?" Mahinahon kong tanong.

"I'm on my way. I'm driving. Hintayin mo ako!"

I put down my cellphone on the counter. Nagring ulit ito, this time it's Renzo Calling.

Tinaob ko ang aking cellphone dahilan kung bakit natigil ang cellphone ko sa pagriring.

Nilagok ko ang isa pang shot.

Muli, pumasok nanaman sa isip yung ko iyong eksena sa dinner sa bahay three days ago. Mrs. Montiel's anger. Renzo's lie. Myca's lie. Mrs. Montiel's fond of Myca. Renzo and Myca's date. Damn!

Parang sasabog na kakaisip sa mga nangyari ng paulit-ulit.

Buong buhay ko hindi ko naramdaman ang insecurity sa kapatid ko because I never had a reason why should I feel that way, ngayon lang! Kasi gusto siya ng nanay ng taong pinakamamahal ko and clearly ayaw ako ng mommy ni Renzo!

"Isa pa kuya.."

Iniabot niya saakin ang isa pang shot mabilis akong napalingon sa likod ko ng may umagaw sa shot ko.

"Enough of that!" Aniya at mabilis na nilagok ang alak na para sana saakin.

Umupo siya sa high stool na nasa tabi ko.

Napairap ako.

"Margarita kuya, make it two please" sabi ni Lorie sa bartender. "Ano na, did you confronted your rightful boyfriend?" Tanong pa niya.

Dahan dahan akong napatango.

"Ano sabi niya?"

Ni sarili kong laway hindi ko malunok sa sobrang sakit sa dibdib. "Mrs. Montiel asked Renzo to date Myca, and she asked Myca to date Renzo"

Natahimik siya. Inabot na saamin ang tig-isa naming margarita.

Titig na titig lang ako sa Margarita na nasa harap ko, gusto kong mahanap sa margarita na yan lahat ng sagot sa tanong kong 'BAKIT'!

"Sabihin niyo na kasi na, na kayo na.. that would be easy"

Halos matawa ako sa sinabi niya. "Sabihin? Malinaw naman na si Myca ang gusto niya!" Nabasag ang aking boses.

"Gusto ni Myca si Renzo?"

Umiling ako. "No!" I know my sister, hindi ako kakantiin 'nun.

Naririnig ko ang maliliit na mura ni Lorie sa gilid ko. Naluha ako. Mabilis ko itong pinunasan at nilagok ang margarita. It's better than Bacardi, huh?

"It's not the thing there, bakit sila nagsisinungaling saakin?" Hinarap ko si Lorie dahil gustong gusto kong makahanap ng sagot ngayon!

She just shrugged at mabilis na nilagok ang margarita.

Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon