Chapter 33

130 9 12
                                    

BABY

Pabalik ng Montiel Aviation iisang eroplano lang ang sinakyan naming lahat, I sat beside my friends. Habang nasa biyahe kita ko ang paninitig saakin ni Renzo habang nakakunot noo na nasa kabilang gilid lang namin nila Lorie.

Minsan pakiramdam ko tuwing gusto niya akong kausapin nag-iiwas ako at kunwaring nagtatanong tanong na lang ako ng kung ano ano kila Lorie para hindi niya masabi ang kung ano mang sasabihin niya.

Pabalik ng BGC kay Lorie din ako sumabay, niyaya ako ni Renzo na kanya na ako sumabay ngunit tinanggihan ko, BGC din kasi uwi na Lorie para hindi na sayang sa gasolina tska parang ang awkward yung makasama ko siya sa iisang sasakyan, tska na lang siguro, wag muna ngayon, di pa ako ready.

Pagkatapos ng gabing hinalikan ako ni Renzo parang nananaginip pa din ako. Hindi ko siya kinausap sa takot na panaginip lang iyon, sa takot na gawa gawa lang nanaman pala iyon ng malikot kong imahinasyon. Natatakot na kasi ako mag-assume. I know we kissed, sinabi niya saakin na mahal niya ako but you can't take away the blame on me if I'm still frightened.

"Salamat! Ingat!" Kumaway ako kay Lorie ng makababa ako sa sasakyan niya. Bumusina siya isang beses bilang tugon sa paalam ko.

Pagpasok ko ng bahay, si Myca ang aligagang nag-aayos ng uniform niya ang naabutan ko.

"Anong oras na 'te?" Tanong niya habang inaayos ang kanyang tack-in.

"7:17 to be exact" sagot ko at napamura siya.

Kinuha na niya ang kanyang bag at nagmamadali pa ring lumabas ng bahay.

"Si Dad?" Pahabol kong tanong.

"Pinalayas ko na!" Sagot niya habang nagmamadaling buksan ang gate.

WHAT?

"Joke! He's in Japan. You know, business. Bye ate!"

Kumaway siya at mabilis na lumabas ng gate at hindi pa ito isinarado.

Isinarado ko na lang ito.

Bat ba nagmamadali iyon?

Pagpasok ko ulit ng bahay narinig ko ang cellphone kong nagring ngunit nawala din agad at sumunod naman ang pagbeep nito.

Tamad akong umupo sa sofa at kinuha ang cellphone ko saaking bag.

Halos mapaupo ako ng tuwid ng makita kong may isang missed call galing kay Renzo at may isa pang mensahe na galing din sakanya.

Renzo:
Hey baby what's wrong? Ayaw mo yata akong pansinin kanina.

Kumalabog ng sobrang lakas ang puso ko.

Nanginginig kong hawak ang aking cellphone.

At nagbeep ulit ito.

Renzo:
Kakausapin sana kita kanina kaso natakot ako, baka hindi mo ako pansinin.

At meron pa ulit.

Renzo:
Hey are we cool?"

Nang ilang sandali pa ay nagring na ang telepono ko at pangalan na niya ang nasa buong screen ng cellphone ko.

Napahinga ako ng malalim.

Sinagot ko ito. I can't even say 'hi!'

"Hey baby.." mas lalo pang nagwala ang sistema ko, kung kanina medyo antok pa ako ngayon, ngayon para akong tinurukan ng isang drum na energizer. "Are you okay? Are we okay?" Magkasunod niyang tanong.

"O-oo naman" Napahawak ako sa tiyan ko ng mabuhay nanaman ang mga insektong nagliliparan dito.

"But every time I try to talk to you-"

Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon