Chapter 42

97 7 12
                                    

I BEG

"Bye Dad!" Paalam namin ni Myca kay Dad sabay labas ng pinto.

Kumaway si Dad at ngumiti.

Pinatunog ni Myca ang alarm ng kanyang sasakyan, pumasok ako sa front seat.

Binuhay niya ang makina ng kanyang sasakyan at unti unti na kaming makalayo saaming bahay.

"Ate?"

"Uhmm.." napatingin ako sakanyan na ngayon ay nakatingin siya saakin sabay balik sa daan ang kanyang mga mata.

"Ready ka na ikasal?"

Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang tanong.

"It's too soon Myca!"

"Paano kung mag propose sayo ngayon si Renzo?"

Mas nagulantang pa ako sa tanong niya.

What's with those questions, anyway. Magtu-24 pa lang ako next three months. I'm too young to get married, hindi pa ako handa.

"Would you say yes?"

Napahinga ako ng malalim. "Hind naman siya magpopropose di ba?" Halos marinig ko sa boses ko ang takot.

"I'm just asking ate"

"Hindi pa kami okay ng mommy niya, I'll start to his mom, bago siguro ako maging handa sa bagay na 'yan.."

Mabilis kaming nakarating sa Route 5, it's Sunday, it's squads day!

Pagpasok namin ng Route 5 sinalubong kami ni CJ.

"Si Lorie?" Tanong ko agad.

"On her way.."

"Si EJ?"

"He just left"

"Saan siya pumunta?"

"Bumalik ng Santa Clara"

"Bakit daw?" Tanong ko pa. I'm curious.

"Hindi ko alam.." nagkibit balikat na lang siya.

Pumunta kami sa usual place namin sa loob ng Route 5.

Umupo kami ni Myca sa high stool na naroon.

"Kelan din kaya tayo makakabalik ng Santa Clara?" I missed Santa Clara days.

"Anytime, soon. Sana makabalik nga tayo.." sabi ni CJ. "Kuha lang ako ng pagkain"

Tumango ako at umalis na nga siya.

"Ate, kung sakaling makapunta kayo ng Santa Clara sana sama ako.."

"Oo naman.."

Santa Clara days are the happiest moments. Malaya, masaya.

Nang biglang dumating si CJ dala ang isang tray kung nasaan ang pagkain namin.

"There you go.." inilapag niya sa harap namin ang tatlong cheese burger at tatlong orange juice.

Halos bumaliktad ang sikmura ko sa naamoy ko. It's the cheese!

"Ang baho!" Reklamo ko.

"Ako?" Tanong ni CJ sabay amoy ng kanyang sarili. "O si Myca?"

"Baliw bagong ligo ako!"

"Yung burger ang baho!" tinakpan ko ang aking ilong.

"Ang arte, yan ang favorite mo dito.."

Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon