Chapter 41

95 7 8
                                    

GROUP DATE

"Baby..hey, wake up" dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.

"Wake up.." nagising na ako ng tuluyan nang bahagya akong inalog ni Renzo.

Napahikab ako at narealize kong halos yakapin ko na pala ang lamesa. Bahagyang sumakit ang aking likod dahil sa posisyon ko habang natutulog.

Umupo ako ng tuwid saaking swivel chair at inayos ang aking buhok na medyo nagulo.

Natawa siya sa dahilang hindi ko malaman. "Ang aga aga natutulog ka" aniya.

Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong sa lamesa at tinignan ang oras. 11:32AM.

Nagkunot noo ako. 11:32AM, maaga pa ba 'yun? And I'm really sleepy di naman ako puyat pero pakiramdam ko pagod na pagod ako.

"Fix yourself, now, kakain tayo sa labas.." sabi pa niya.

Tumango ako.

Ilang sandali pa pa bago ko kinuha ang pressed powder na nasa bag ko at naglagay na saaking mukha. Habang ginagawa ko iyon natigilan ako nang mamataan ko ang paninitig saakin ni Renzo habang nakangiti.

Binaba ko ang pressed powder at tinignan ko siya. "Bakit?" Tanong ko.

Nakangiti lang siyang umiling. "Wala. I'm just amazed"

Parang may kung anong kumiliti sa aking tiyan.

Inirapan ko lang siya kunwari at pinagpatuloy lang ang aking ginagawa. Naglagay lang ako ng konting blush on at nude lipstick pwede na.

Kinuha ko na ang aking bag.

"Tara na!" Pagyaya ko.

Nakahawak siya saaking baywang habang sabay kaming naglalakad.

Halos mabali ang leeg ng mga empleyado ring tulad ko ng makita kaming magkasama. This is not the first time ginawa niya saakin ito, through out the month laging ganito, may mga iilang nagtatanong saakin kung kami ba ni Renzo, umaamin naman ako I don't want to hide this pero ayaw ko rin yung masyadong PDA.

Maraming natuwa na kami ni Renzo pero may iilan ding hindi natutuwa at may ibang nasasabi. Wala na akong magagawa doon, ganon naman ang tao may maiipintas sa lahat ng bagay.

Malamig ang turing saakin ni Mrs. Montiel kasin lamig ng yelo, sa sobrang lamig, masakit na. Sinusubukan kong umayos sa trabaho ko, lahat ginagawa ko but I just can't tame her. Parang nakatatak na sakanya na kahit anong gawin ko hinding hindi niya ako magugustohan.

Naiintindihan ko siya kung bakit gusto niya lang ang the best para sa anak niya but on the other hand hindi ko din siya maintindihan, she wants the best for her son? I'm the best for her son pero bakit hindi niya makita iyon? Because she already saw me at my worst?

Tama nga si Lorie, just go with the flow ganon nga ang ginawa ko hinayaan ko ang mga bagay na mapunta sa kanilang tamang lugar at nasaan ako ngayon sigurado ako masaya ako, hindi sobrang saya pero masaya to the point na nakakalimutan ko yung mga bagay na nakakapagpalungkot saakin, nakakalimutan ko yung mga bagay na kinatatakutan ko.

Nang makarating kami sa parking lot pinatunog niya ang alarm ng kanyang sasakyan at binuksan ang pinto sa front seat, pumasok ako. Mabilis siyang umikot para makapunta sa driver's seat.

"Where do you wanna go?" Tanong niya nang mabuhay niya ang makina ng kanyang sasakyan.

I shrugged. Wala din akong maisip.

"Alright, I know a place" sabi niya.

Umandar na ang sasakyan nang bigla akong makaamoy ng fries na hindi ko alam kung saan nanggaling, naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura.

Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon