BE FRIENDS
3 days community service! Damn!
First time ko magkaroroon ng punishment sa buong buhay ko sa loob ng paaralan, and it really sucks!
Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Bago ako bumababa para mag-agahan.
Pagdating ko sa kusina si dad ang naabutan kong nagtitimpla ng kanyang kape.
"Good morning Dad!" Bati ko.
"Upo na. Kakain na tayo"
Tumalima ako.
Kumuha ako ng kaunting kanin at isang piraso ng hotdog at ham.
"I'll be back in Manila later tonight" sabi niya sabay upo sa tapat ko.
Natigilan ako sa pagnguya sa kinakain ko at nag-angat ng tingin sakanya.
"I wanna see your sister"
Tumango ako.
I had a sister, a year younger than me. She's in Manila, doon siya nag-aaral. Actually, kapatid ko siya sa ama. Two years ago namatay ang mommy ko, wala na pwedeng kumupkop saakin kaya kinuha ako ng daddy ko at dinala dito sa probinsiya.
Two years ago din ng magsimulang magbago ang takbo ng buhay ko. Sa Maynila kami dati nakatira ng mommy ko. Naninirahan kami sa isang apartment na mura at hindi kalakihan pero maganda naman at maayos, pumapasok ako sa isang public school. Sakto lang, nakukuha ko lang lahat ng pangangailangan ko. But now iba na, naninirahan na ako sa isang malaking bahay, bahay na kung saan iilan ko nakakasama ang tatay ko dahil nasa Maynila ang kapatid ko at ang business ng daddy namin pumupunta lang siya dito para bisitahin ako. Ngayon, nakukuha ko na lahat ng gusto ko pero hindi lahat ng kailangan ko, because things I needed, money can't buy.
"When are you coming back?" Tanong ko at kumain na ulit.
"After two weeks?" Unsure niyang sagot.
Tumango ako.
"Anak, I want you to behave while I'm away, alright?"
Tumango na lang ako.
And that's one thing I need, my dad's full attention.
Pagkatapos ng agahan sumakay ako ng tricycle para makarating sa school.
Pagbaba ko sa tricycle, nakita ko si Lorie na nasa gilid ng school gate.
Lumapit ako sakanya.
Kinurot niya ako sa tagiliran.
"Aray naman. Masakit!" Reklamo ko.
"Bakit ka nagpahuli? Bakit hindi ka tumakbo?"
Hindi na din ako umimik. Hindi ko din alam kung bakit hindi ako tumakbo.
Naglakad na kami papasok ng campus.
"So what's the punishment?"
"3 days community service!"
Natawa siya. "Really? Kaya mo maglinis!"
"Oo naman, madali lang 'yon. Hindi naman ako tulad ng mga babae diyan na aarte arte"
"Wala na akong kasama mag cutting!"
"Pasok ka muna sa mga klase natin, tsaka na tayo magcutting after 3 days"
Tumawa siya sinabi ko.
Naghiwalay na kami ng daan.
Pumunta akong Disciplines Office.
![](https://img.wattpad.com/cover/72002416-288-k964233.jpg)
BINABASA MO ANG
Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)
RomanceNo one can tame Monique Fayne Linarez. A sixteen year old stubborn girl. She almost have everything she wants. She have a loving friends and a supportive father but there's one thing she can't have. Young mind. Young heart. Innocent decisions. One h...