Chapter 18

128 8 3
                                    

PLEASE

Pagkatapos ng tawag na iyon, pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking kamay.

Huminga ako ng malalim.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at inumpisahan ng hakutin lahat ng mahahakot ko.

Limang oras ang byahe kung manggagaling ka ng Maynila papunta rito.

Alas otso na mga bandang ala una andito na si Dad at babalik na din kami agad ng Maynila.

Ayokong abutin pa ako ng umaga dito.

I don't want to do this. I don't want to leave this place, I don't want to leave my friends but I have to, para hindi na ako masyadong mahirapan, ganon din si Renzo para mapunta sa tamang lugar ang mga bagay bagay.

Nahihirapan na kasi ako. Kasalanan ko din naman kung bakit ako napunta sa lugar na ito.

Kung siguro hindi ko pinagsiksikan ang sarili ko kay Renzo hindi ako maiipit sa ganitong sitwasyon, ako na ang lalayo tutal ako naman itong nagpumilit pumasok sa buhay niya.

Ilang damit at importanteng gamit lang ang inilagay ko sa aking bagahe, siguro kung ano yung maiiwan ko dito bibili na lang ulit kami sa syudad.

Pinuno ko ng gamit ko ang dalawang bagahe.

I turned my phone off. Inalis ko ang sim card nito at flinash sa banyo.

Ibinaba ko na ang mga iuuwi kong gamit pabalik ng Maynila at umupo sa sofa habang hinihintay ang pagdating ni Dad.

I don't have to say goodbye to my friends, mas mahihirapan lang akong umalis, I know in God's time magkita kita ulit kaming lima.

Mamimiss ko sila.

Aayusin ko lang tong gulong pinasok ko, nangangako ako kapag nagkita kita ulit tayong lima, magpapaliwanag ako. ilulugar ko lang iyong mga bagay kung saan talaga nakapwesto.

Nagising ako ng masilaw ako dahil sa pagbukas ni Dad ng ilaw.

Pupungas pungas pa man tumayo na ako mula sa pagkakaidlip. Napatingin ako sa wall clock. 1:30 AM.

Niyakap ako ni Dad.

"Tara na?" Bulong niya saakin.

Tumango ako.

Hinila ko palabas ang isang luggage at ang isa naman binuhat ni Dad papasok sa compartment ng sasakyan.

Habang nasa byahe kami, tahimik lang ako habang pinanonood ko ang mga sasakyang umoover take saamin.

"Nagugutom ka ba?" Tanong niya saakin. "Rey, ihinto mo muna ang sasakyan sa malapit na kainan" sabi niya sa driver.

"Dad, wag na. Busog pa ako. Mang Rey wag na po."

Eksaktong alas sais ng masilayan ko ulit ang syudad ng Maynila.

Huminga muli ako ng malalim.

Heto na! Andito na ako! Malayo na ako sa lugar kung saan ako naging masaya ng sobra.

Sinalubong kami ng usok ng Maynila galing sa mga naglalakihang sasakyan, galing sa mga matataas at malalaking pabrika. Ang mahabang pila sa toll gate. Ang mahabang traffic. Ang mga magaganda at naglalakihang sasakyan, ang napakaluwang na daan. Ang matataas at matatayog na buildings. Ang naglalakihang billboards ng mga sikat na artista at modelo sa bansa.

Andito na ako.

I'm back!

"Paano yan next week na sana preliminary exam niyo? Sana tinapos mo muna iyong exam niyo na iyon. Saan mo ba gustong mag-aral?" Bigla niyang tanong nang maipit kami sa traffic.

Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon