NOT AGAIN
"Ano? Hanggang kailan mo itatago saakin 'to?" Pinandilatan ako ng mga mata ni Dad.
Kasalukuyan niya akong pinagagalitan ngayon tungkol sa pag-AWOL ko sa Glaziers. Nalaman na din kasi niya na halos isang buwan akong hindi pumapasok sa kumpanya nila Renzo, kung kanino niya nalaman ay ewan ko but one thing's for sure. He's damn Mad!
"Kung hindi ko pa nasalubong si Imelda kahapon sa isang coffee shop, hindi ko pa malalaman na AWOL ka pala!"
Imelda- Renzo's mom.
My dad is a very good friend of Renzo's family na ngayon ko lang din nalaman.
"Dad! Can you please hear my damn explanation?"
"Galingan mo, Fayne!"
"Pinahiya niya ako Dad. He yelled infront of my face! What do you expect me do? Hayaan na gawin niya saakin iyon?"
Hinampas ni Dad ang table na nasa office niya. "My god Fayne! Hindi ka niya pinahiya! Iba ang pinagalitan sa pinahiya! And in the very first place, kasalanan mo din naman!"
Napakamot ako sa ulo ko. Alright, dad don't understands me!
"And what do you expect him to do, huh? Kumalma habang papalapit ang project presentation niya at di pa rin nahahanap 'yong flash drive niya!"
Huminga ako ng malalim.
I don't wanna burst out in madness right now, nirerespeto ko pa din si Dad kahit hindi niya ako masyadong naiintindihan.
Napapairap na lang ako sa loob loob ko. You really wouldn't understand things, unless you are on the same shoes.
"You'll going to apologize to your administrators!"
Napaawang ang labi ko sa gustong mangyari ni Dad.
"N-no! No way dad!"
"Yes Fayne! Yes!"
Tinalikuran ako ni Dad na akmang lalabas na sana sa kanyang opisina na para bang pinal na ang kanyang desisyon.
Mabilis akong humarang sa daraanan niya.
"No Dad! Hindi na ako babalik doon!"
"Babalik ka. Whether you like it or not!" Matalim ang titig niya saakin. "Hihingi ka ng tawad sakanila, kung kailangan kitang kaladkarin papasok sa building ng Glaziers, gagawin ko! At kung kinakailangan kong magplagay ng mga body guards sa bawat exit point sa building ng mga Montiel gagawin ko! I know you're stubborn and no one can tame you, Fayne but this time pagbigyan mo ako!"
Nanligid ang luha ko. Natigilan na lang ako sa pakikipagatalo kay Dad.
Bago siya tuluyang lumabas ng opisina niya, bumaling muna siya saakin ng isa pang beses. "Surrender me your cards, give me back your car keys. You're grounded 'till you've learned"
Naluha na lang ako ng narinig ko na ang pagsara ng pinto.
Dammit! Dad's words were final!
KINAUMAGAHAN ayaw ko mang bumangon sa kama ko ginawa ko.
Naligo at nagbihis ako-the usual thing I wear.
Pagkatapos ng mga ritual ko sa katawan bumaba na ako para mag-agahan.
Kumuha ako ng isang loaf bread at inilagay sa plato, tumusok ako ng isang hotdog at ipinulupot ito sa loaf bread tska ko kinain.
Tahimik ang naging buong kainan ngayon, di tulad ng dati na puno ng kwentohan at tawanan. Ngayon halos makarinig ka na ng kuliglig sa tenga mo sa sobrang tahimik.
![](https://img.wattpad.com/cover/72002416-288-k964233.jpg)
BINABASA MO ANG
Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)
RomantiekNo one can tame Monique Fayne Linarez. A sixteen year old stubborn girl. She almost have everything she wants. She have a loving friends and a supportive father but there's one thing she can't have. Young mind. Young heart. Innocent decisions. One h...