Chapter 27

110 9 3
                                    

DREAM ON

For the nth time napahikab ako habang tutok na tutok sa computer at nagsasummary tungkol sa naging meeting kanina ng mga executives.

Gusto nang bumagsak ng aking mga mata ngunit nilalabanan ko ang antok na tumatalo sa buong katawan ko.

Napatingin ako sa cellphone ko ng magbeep ito.

Myca texted pero sa sobrang dami ng ginagawa ko hindi ko na magawang tignan ang text niya at nakita ko din sa cellphone ko na mag-aalas nuebe na, late na din kasi natapos ang naging meeting nila kanina.

Napatigil na lang ako sa ginagawa ko nang magring ito at si Myca ang tumatawag.

This time, hindi na ako nag-alinlangang sagutin ito.

"Ate, nasaan ka? You're not answering my beeps. We're worried!" Rinig ko ang inis at pag-aalala sa boses niya.

Napahikab muli ako, iniloud speaker ko ito at inilapag sa table at tinuloy kong muli ang ginagawa ko.

"Still at office. May tinatapos lang ako."

"Have you eaten?"

"Yup. Sumaglit ako sa canteen kanina"

"May I talk to her?" Rinig ko sa kabilang linya ang boses ni Dad.

"Fayne, are you okay there?" Tanong niya.

Napangiti ako at natigilan saaking ginagawa.

Sumandal ako sa backrest ng aking swivel chair.

Pagkatapos ng mga kalolohan ko halos parang ngayon lang ulit ako kinausap ni Dad.

"Yes, dad. Tinatapos ko lang po yung summary ng meeting kanina ng mga executives"

"Alright baby, text Myca kung pauwe ka na at ipapasundo kita kay Rey"

Mas lalo akong napangiti. I missed him so much!

"Dad wag na po, I can commute"

"Are you sure?"

"Yes, Dad"

"Alright, text mo na lang kami kung pauwi ka na at mag-ingat ka."

"Aright Dad, bye!"

Hindi pa rin maalis sa labi ko ang ngiti.

Pagkapatay ng linya may kumatok sa pinto ko at bumukas ito, si Renzo ang iniluwa nito na naka white T-shirt at nakapantalon ng kulay itim.

"You can go home now, bukas mo na lang tapusin 'yan. Your dad's worried I know."

"Are you sure?"

Tumango siya at nginitian niya ako. His white and well formed teeth showed.

Inayos ko na ang mga gamit ko.

"Ihatid na kita.." Aniya ng mabitbit ko na lahat ng gamit ko.

"Uuwi ka na din ba?" Tanong ko.

Tumingin siya sa kanyang mamahaling relo. "Hindi pa. Marami pa akong tatapusin, ano hatid na kita?"

Mabilis akong umiling. "Hindi na. Ayaw kitang mahassle, ihahatid mo ako tapos babalik ka pa pala dito, wag na lang. Salamat"

"Baka wala ka ng masakyan pauwi"

"I'll call Dad if ever"

Tumango na lang siya.

"Hatid na lang kita sa labas ng building" he insisted.

Ayoko nang tumangi at baka magtalo pa kami at baka lalo lang humaba ang usapan.

Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon