Chapter 36

107 8 8
                                    

BULAKLAK

Natataranta kong isara ang zipper ng jeans ko habang brutal na kumakatok sa pinto ng kwarto ko si Myca.

"What the hell Myca! Nagbibihis ako! Bakit ba?" Inis kong tanong habang naghahanap ng isang top.

"Can I hitch with you? Tinatamad akong magdrive, please."

"Oo na! Bilisan mo magbihis"

Mabilis kong isinuot ang isang white Vneck shirt. Papatungan ko na lang siguro ito ng itim na blazer mamaya.

Kinuha ko ang blower at pinatuyo ko na ang buhok ko.

Natataranta na ako sa bawat ginagawa ko.

Napatingin ako sa wallclock na nagsasabing kinse minutos na lang bago mag-alas siete.

Hating gabi na kasi kami nakauwi ni Myca gabi galing bar, the squad invited us, sumama na lang kami tska matagal na din kasi noog huling beses na nahaluan ng alak ang dugo namin. Kaya ang lagay super late na kami nagising ng kapatid ko.

Hindi na ako nagmake up, naglagay na lang ako ng pulang lipstick at ayos na.

Hinila ko na ang puti kong LV bag at lumabas na ng kwarto.

Kinatok ko muna si Myca at sabay kaming lumabas ng bahay.

"Nagugutom ako" reklamo niya ng maipit kami sa traffic.

"Sa Myriad ka na lang kumain, don't make me drop this car in the nearest fast food, Myca"

Tumahimik na lang siya at kinain na lang niya ang biscuit na nasa bag niya.

"Magtataxi ka na pauwe mamaya?" Tanong ko nang matanaw ko na ang matayog na building ng Myriad.

"Nope. Pupunta ako ng Glaziers mamaya tapos sabay tayong uuwi" aniya at inihinto ko na ang sasakyan sa tapat ng hotel.

"Alright. Just text me, okay?"

"Okay. Thank you for the hitch ate" at bumaba na nga siya sa sasakyan ko.

Mabilis naman akong tumungo sa Glaziers.

Alas otso na ako naka time in at ramdam ko na din ang gutom.

Habang nakasakay ako ng elevator kinuha ko ang cellphone ko upang tignan kung may text ba si Renzo pero nanlumo ako nang matagpuan kong wala nga, ni isa.

Nang makarating ako ng 16th floor, una kong pinuntahan ang kanyang opisina ngunit wala rin siya doon. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi naman niya ito sinasagot.

Bumalik na ako sa cubicle ko habang tutok na tutok ang mga mata ko saaking cellphone.

Mabilis akong tumayo sa swivel chair ko nang may kumatok. It must be Renzo!

Pero naalis ang mga ngiti sa labi ko ng makita ko si Engineer Ford Bautista na nakahawak ng isang paper bag na sa tingin ko'y pagkain ang laman galing sa isang mamahaling restaurant.

"Good morning!" Bati niya.

Nginitian ko lang siya bilang tugon.

"For you" inabot niya saakin ang isang bouquet ng tulip. "I know hindi ka pa kumain, I brought you some breakfast" tuluyan na siyang pumasok sa loob at inilapag ang pagkain sa lamesa ko.

Paano sana iyon nalaman? Manghuhula ba siya?

"Thank you" tanging nasabi ko na lang.

For the past weeks, laging ganito. Bibigyan niya ako ng bulaklak sa umaga kasama ang breakfast bago magtanghali magpapadala siya ng smoothies sa cubicle ko. Walang araw na hindi niya ako tinext, hindi ko alam kung saan niya kinuha ang numero ko. I'm not stupid para hindi ko maintindihan kung ano itong ginagawa niya saakin. I just don't want to claim that he's courting me pero I know konting tulak na lang doon din ang tungo nito pero hindi ako papayag.

Kahit Sandali (Santa Clara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon