Jealous
Mga ilang buwan na din ang nag-daan.Mas naging busy kami.Sunod-sunod ang mga kumplikadong lectures at binigyan pa kami ng pa-bonus na thesis.O diba? Ang sobrang sarap ng buhay.Pero natapos na din naman yun kaya hell week is over.Di kami masyadong nag-papansinan ni Sandro and Naomi.Ewan ko kung bakit.Hinahanap-hanap ko siya pero parang ang layo na agad namin sa isa't-isa.
Hanggang sa dumating ang isang araw,Noong isang araw kinumpronta ko ni Naomi.She said that she is not fully recovered sa break-up nila ni Sandro,So it means mahal niya padin.Kaya itong mga nakaraang araw puro ang iwas ko kay Sandro.Miski kay Dheinz uumiiwas na din ako.At ang naka-gawian ko.Loner nanaman ang peg ko.
Habang nag-lalakad ako ng mabagal sa ground patungong library ay halos mamura ko ang lalaking naka-tapon ng shake sa damit ko.
"Anak ka naman talaga ng tokwa,oh! Di ka-" Napahinto ako nang nakita kong si Yohan ang naka-tapon.
Hindi ko alam kung magagalit ako sakanya o sa sarili ko,Grabe nakakahiya.
"Sorry Gale" Tanging sambit niya.
Halos buhatin niya ko,Nagulat ako ng pinasok niya ko sa loob ng boys locker room.Strictly no girls allowed dun.Sobrang nakaka-hiya.
Inaabot niya sakin yung t-shirt niya na Golden state,Blue yun at feeling ko medyo maluwang.
"Sa kapatid ko yang babae.Ireregalo ko sana pero dahil kasalanan kong tapunan ka ng shake kaya sa'yo na yan" Dahilan niya nang akmang tatanggi ako.
Pagka-labas ko ng pintuan sa pinag-palitan ko halos mapatunganga ko nang makita ko si Sandro.
Kumunot ang noo niya at napalunok.
Siguro ang akala niya may ginagawa akong masama dito.Nakita niya din kausap ko si Yohan.Alam kong alam niya na sikat si Yohan at matinik sa chics."T-thankyou" Sambit ko habang nag-iiwas ako ng tingin kay Sandro.
"Tatapon ko nalang siguro itong damit ko" Sambit ko.
Di niya naman ako pinigilan.Fitted lang ang damit kaya kinuha niya pa ang isa pang black na jacket sa loob ng locker niya at pina-suot sakin ito.
"Ano? Malamig lang? Mainit tapos ipapa-suot mo sakin yan" Reklamo ko.
"Wag kanang umangal,Kitang-kita ang hubog ng katawan mo dyan,oh!" Sabi niya.
I have no choice.Kumamot lang ako sa ulo ko bago ko isuot ang jacket niya.
Nag-paalam na din ako dahil baka kumprontahin pa ko ni Sandro at baka kung sino pa ang makakita samin.Habang nag-lalakad ako pauwi ng bahay ay tumatalon-talon ako.Para kong si dora.Para akong bata.Naka-earphone kasi ako at 'Work yung kanta kaya napa-indak ako.
Halos mapa-sigaw ako ng may humawak sa balikat ko.
"Sandro?" Don't tell me sinusundan niya ko' kanina pa? Hays.
"Ang saya ah" Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Agad kong tinggal sa tenga ko ang earphones ko at ipinasok yung sa bulsa ko.
Nag-iwas ako ng tingin habang kinagat ko ang labi ko na kinalaunan ay dumugo na.
Niyaya' niya kong pumunta sa bahay nila.Hindi ko siya matanggihan,Alam kong kokomprontahin niya ko.
"Sino yung lalaking yon?" Malamig na tono niya.
"I know that you knew him" Piyok kong sabi.
"Yes.Kaya nga bakit ka niya pinasok sa Boys locker room?!" Sigaw niya.Nakakatakot siya.Nanlilisik ang mga mata niya. "Putangina!"
"Natapunan niya ko ng shake! Hindi ko alam na doon kami pupunta.Wala siyang intensyong masama sakin,I knew him!" Sigaw ko.
"Wala?! Pwede namang sa banyo ka niya pag-palitin! Bakit sa locker room pa?! Putangina naman,Gale oh!" Bawi niya sabay gulo sa buhok niya.
Anong problema niya?
Hindi ko siya inimik.Di 'ko alam kung anong isasagot ko sakanya.Napatameme nalang ako at napayuko."At sa mga nakaraang linggo! Bakit iniiwasan moko?!"
"H-hindi k-kita iniiwasan" Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil nag-simula nang umagos ang luha sa mata ko.
Ini-angat niya ang baba' ko para makatingin sakanya.Tsaka niya ko niyakap.Ang higpit ng yakap niya.Nanlalambot ako.
"Don't cry,Baby,Don't cry" Haplos niya sa buhok ko.
Kinalaunan ay tumigil na din ako sa pag-iyak.Mali ito! Ayaw kong masaktan si Naomi.Ayokong masira ang friendship namin.
Tumayo ako.Kinuha ko yung bag ko at lalabas na sana ko' ng kwarto ng pigilan niya ko.
"Where are you going? Akala ko ayos na tayo?" Sabay hawak sa wrist ko.
"Uuwi na ko" Malamig kong sabi habang naka-talikod padin.
Niyakap niya ko patalikod. "Dito ka muna,Ihahatid nalang kita mamaya"
Umiling ako. "Ayoko"
Kumunot ang noo niya.Bakas' sa mukha niya ang pagtataka na may halong pagka-dismaya.
"What do you mean?" Makahulugang tanong niya.
"Bitawan mo nga 'ko.Sandro! Simula ngayon di na tayo magkakilala,Di na kita ka-close!" Sigaw ko sabay hawi ng kamay niya sa baywang ko.
"Bullshit! What's your problem,Gale?!"
"Wala namang tayo,right? So it means mas madaling magkalimutan" Sabi ko.
Napa-kamot siya sa ulo niya.Gigil na gigil siya.Halos magulat ako nang bigla niyang sinuntok ng malakas ang pader.
"S-sandro....."
Halos bumuhos ang luha sa mata ko.Parang pinipiga ang puso ko.Ayokong gawin to sakanya.
"Hindi mo ba'ko mahal?!" Sigaw niya.
Umiling ako habang naka-upong umiiyak. "Si Naomi,She still loves you,Gusto ka niyang balikan"
"I don't like her anymore,Putangina naman,Gale oh!" Mura niya.
"Im sorry,Ayoko k-ko siyang m-masaktan" Hikbi ko.
Ilang minuto kaming nanahimik.Naka-tulala siya habang na-mamaga' yung kamao niya.
"Gusto mo ba talagang balikan ko si Naomi?" Mahinahon niyang tanong.
Bumaling ako sakanya.Parang tinutusok ang puso ko.Magiging masaya na nga lang ba ko para sakanila?
"Y-yes"
BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionDahil sa isang DARE. Ang buhay ni Gale Jacinto ay nag-iba. Si Gale ay isang simple at matalinong studyante.Hindi siya maarte.Simple at ordinaryo lang kahit sila ay may kaya. Habang si Yohan Marquez at ang kanyang bestfriend na si Larry Montesilva ay...