Ineeded
"Larry,Mabuti pa ako nalang ang mag-luluto dito.Doon kana sa kwarto ni Allie! Isa-isahin mo yung mga roses dun" Nag-mamadaling utas ko kay Larry.
Nandito kaming tatlo nila Larry at Yohan.Naghahanda kami ng surprise for first anniversary ni Larry and Allie.Nag-effort siya at kinuntsaba pa kami Yohan.
Mayamaya pa ay tinenext ako ni Sandro.
Sandro:
Babe,Where are you? Punta ka dito sa bahay.I fvcking need you.
Me:
Sorry babe,Nandito ako kila Allie.She need me.Next time nalang or maybe tommorow.
Sunod-sunod ang text niya pero di ko na siya nareplayan dahil gahol na kami sa oras.May isang oras nalang kami para mag-prepare.
"Yohan! Punta yung mga kandila,Iayos mo na" Sabi ko ka Yohan.
Pagka-labas ko naka-ayos na.Okay na lahat.
"It's already 6:30,Wala pa din ba si Allie?" Sambit ko kay Larry.
"Nope! She's on her way.Baka nag-park na yun kaya get ready guys" He said.
Pinatay na namin ang ilaw.Sinindihan namin lahat ng kandila at nag-budbod kami ng mga petals ng white ang pink roses.
Nagtago kami ni Yohan sa kusina,Si Larry naman nasa likod ng couch.Nakapatong ang camera sa center table para makuhanan lahat ng magiging reaskyon ni Allie.
"Ang init naman.Ilang minuto na tayo dito,oh" Reklamo ni Yohan.
Tinakpan ko ang bunganga niya ng may marinig kaming yapak ng mga paa at sigaw sa pangalan namin.It's Allie.
"Guys? Omayghad!" Ewan ko kung natutuwa siya pero rinig sa boses niya ang hikbi.
"HAPPY ANNIVERSARY SWEETIE!" Sigaw ni Larry.
Lumabas naman na kami ni Yohan sa pinagtataguan namin.
"Happy Anniversary!" Ngisi namin ni Yohan.
Nag-group hug kami at patuloy nanhumagulgol si Allie,Hala parang baliw.
Inalala ko si Sandro,Sobrang daming niya palang missed call at text.
"Guys,Tutal tapos na ang celebration,Uwi na ako" Paalam ko sabay sakbit ng shoulder bag ko sa balikat ko.
"Uuwi ka agad? Wala man lang inuman? Ano ba naman yan" Utas ni Larry.
"Oo nga" Sinundan ni Allie.
"Ako din Larry and Allie,Uwi na ako.Medyo hectic ako ngayon kasi may thesis pa ko" Sabay tayo ni Yohan.
Nang nasa elevator na kami ay niyaya ko ni Yohan.Hindi ako makatanggi dahil sa pag-aya' niya sakin na siya nalang ang mag-hatid sakin.
"O paano ba yan! Dito nalang sa labas ng subdivision" Paalam ko.
"Wag na,Halika kana ihahatid kita sa mismong bahay niyo"
"Hala wag na.Okay na ako dito" Ngiti ko.
"Ang daya.Di ko pa nga alam bahay niyo,eh" Reklamo niya.
"Tss sige na nga,Lot 23" Utas ko.
Nang makababa' kami sa kotse ay halos sumabog ang puso ko sa kaba.Si Sandro nakita kong nasa tapat ng bahay.Naka-sandal siya sa gate.Dala-dala niya ang isang bote ng beer.
Halos senyasan ko na si Yohan na umalis na pero ang bobo niya ngayon,Di niya ko ma-gets.Ayaw niya akong iwan dahil na din siguro alam niyang lasing si Sandro.
"Ah,Pwede kanang u-umalis" Baling ko kay Yohan.
"Are you sure? Baka kung anong gawin sa'yo ng lalaking yan" Tinuro niya pa talaga si Sandro.
Tumayo si Sandro at akmang papatulan si Yohan. "Guys please? Wag dito.Nasa tapat kayo ng bahay namin.Baka magalit pa sila Mom" Paalala ko habang halos mawalan na ko ng tuhod sa kaba.
"Umalis kanang kupal ka! Bago pa magdilim paningin ang paningin ko sa'yo" Pag-pipigil ng galit ni Sandro sabay tungga ng beer.
"Ano?! Gago pala to eh" Ganti ni Yohan.
Pumagitna naman ako sakanilang dalawa. "Yohan please,Iwan mo na kami.You may go"
Napilitan namang pumasok si Yohan sa sasakyan niya at umalis na tsaka ko nagkaroon ng pagkakataon para kausapin si Sandro.
"Mali ang iniisip mo" Lumapit ako sa tabi niya.
Marihin niyang ibinato sa kawalan ang bote ng beer dahilan para mabasag iyon.Halos di ko na mapigilan ang pagbagsak ng luha ko dahil sa nerbyos.
"Putangina! Sabi mo nasa condo ka ni Allie! Tapos makikita ko hinatid ka ni Yohan?! Ano nag-gagaguhan ba tayo dito,Gale?!" Sabay suntok sa kotse niya.
Halos kumalabog ang dibdib ko.Ano bang ginawa mo sa sarili mo,Sandro! At bakit ba ganito nalang siya mag-react.
"Nandun din siya sa condo.Alam mong mag-kaibigan kaming tatlo" Dahilan ko.
"Don't fool me" Bulong niya.
"Hindi kita niloloko,Please? Im sorry,Sandro" Sinubukan ko siyang niyakap pero umilag siya.
"Sandro!" Sigaw ko pero umalis din siya.
Hindi ako mapakali.Parang gusto ko siyang sundan.Nag-palit lang ako ng damit at kumuha ng tyempo para magamit ko ang sasakyan ko.
Pinaharurot ko yun papunta sa bahay nila Sandro.Pag-pasok ko sa bahay nila ay hindi mo aakalaing 11PM na ng gabi.Parang 6PM lang ng hapon sakanila.Lahat sila gising.
"Good evening po" Bungad ko.
Bakit parang ang wasted nila lahat.
"Si S-sandro po?" Malamig na tono ko.
"Kakagaling niya lang sainyo diba?" Kamot sa ulo nung driver nila. "Ay tumawag se Ser,Sandru nasa ospetal raw siya" Sabat ng katulong nila.
"Ospital?! Bakit po? Bakit anong ginagawa niya dun?" Taranta kong utas.
"Se Ser po yung Daddy ni Sandru,Patay na na-aksidinte" Sabi nung katulong nila.
Halos di ako maka-galaw.Really? Sobrang di ako makapaniwala.Kaya pala ganun nalang ako itrato ni Sandro kanina.He fvcking need me.Na-guilty ako.Dapat sinasamahan ko at kino-comfort ko siya ngayon at ginagawa ko ang aking girlfriend duty.
Nagpa-drive ako sa driver nila Sandro,Alam ko kasi sa sarili kong hindi ko ma-kokontrol ang sarili ko sa pag-drive dahil sa pagmamadali ko,Baka sumunod ako sa Dad ni Sandro neto pagnagkataon.
Pagkadating ko ay trinasfer na daw pala sa sa morgue kaya doon na kami tumungo.Nakita ko siya,Iyak ng iyak at yakap-yakap ang Dad niya.Sa mga sandaling iyon hindi niya 'ko napansin na nandun sa likod niya.Miski ako ako umiyak na.Hindi ko na mapigilan ang lungkot na nararamdaman ko for Sandro.Im wasted.
"S-sandro...." Hikbi ko.
Mariin ko siyang kinapitan at niyakap.
"Sandro,Im sorry"Niyakap niya ko pabalik habang patuloy ang pag-iyak naming dalawa.
Nang kumalma kami ay tumungo na kami sa bahay nila Sandro.Pakiramdam ko lumamig ang pakikitungo niya sakin.Hindi ko alam baka' dala lang ito ng pagka-wala ng Dad niya.
Kinausap niya na ang lahat ng kamag-anak nila at maging ka-bussiness partner at mga kaibigan at lahat ng may koneksyon sa Dad niya para mapamahagi ang balitang pumanaw na ang Dad niya.
BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionDahil sa isang DARE. Ang buhay ni Gale Jacinto ay nag-iba. Si Gale ay isang simple at matalinong studyante.Hindi siya maarte.Simple at ordinaryo lang kahit sila ay may kaya. Habang si Yohan Marquez at ang kanyang bestfriend na si Larry Montesilva ay...