Chapter 36

11 1 0
                                    

On the job training

Gale's POV

First day ko ngayon.Receptionist ako ng hotel.Ang daming gawain.Ang daming maseselan na mga foreigners.Andaming reklamo.Di na din masama ang training ko dahil isa din itong hotel sa mga five stars hotel dito sa ibang bansa.Walang special treatment.Pero sa ibang empleyado di talaga maiiwasan yun lalo alam nilang co-owners ng hotel na ito ang mga magulang ko.Masyadong mababa' ang posisyon ko.

Pagka-uwi ko sa bahay ay nagpahain ako ng tuna sandwhich.Di ako kakain ng rice ngayon.Diet ako.Joke! Na-cracrave kasi ako nung isang araw pa sa sandwhich.

"Gale,You're tuna sandwhich is ready!" Katok ni Mommy.

"Thanks Mom" Inabot ko naman yung dalawang sandwhich na nasa tray then may lemonade juice pa.

"Hindi ka mag-didinner?" She asked.

Umiling lang ako. "Eto na po ang dinner ko.Baka po kasi di na mag-kasya yung skirt ko sakin" Tumawa 'ko.

"Problema ba yun anak,Edi magpatahi ka uli" Sambit ni Mom.

"I don't have Mom,It's alright" Kumindat ako.

Iniwan niya na din ako doon.Nilagay ko muna yung juice at sandwhich ko don sa center table ko.I'll shower first para tuloy-tuloy na ang pahinga 'ko.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong nilantakan ang sandwhich ko.Ang sarap.Ang crunchy pati yung mga cabbage and letuce.Yung lemonade naman ang sarap din.Lutang na lutang pa yung lemon.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko yung pinag-kainan ko.Nilagay ko din sa labahan yung uniform ko at kinuha yunh plantsado kong uniform.Ihahanda ko na yun for tommorow.

"Someone give some paper,Someone give me some crayons,Im feeling like a child,I need something to play on"

Nag-alarm ang cellphone ko.Tangina! Naalala ko nanaman si Yohan.Siya kasi ang laging nag-seset nun.Ni-reset ko lahat nang alarm ko.Eto nanaman ako! Umiiyak.Bullshit.

"Ughhhh! Fuck love!" Sumigaw ako sa balcony ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako.Nag-make up ng kaonti dahil required yun samin lalo na ako ang humaharap sa mga client namin.Kinulot ko din ang buhok ko.Di 'ko trip itali ngayon ang buhok ko.Buti nalang exempted ako sa 'Strictly ponytails hair do'

"Hi Ma'am Gale!" Bati sakin ng kapalitan ko ng shift.

"Goodmorning din!" Ngumiti ako.

"Ang aga mo nanaman,Buti nalang hehe" Sabi ni Kylaz.

"Okay lang.Sige uwi kana" Ngumisi ako sakanya.

Nag-simula na ang duty ko.Straight 7 hours ako ngayon pero walang break.Wala kasi akong kapalitan.Mamaya pang 5:00 PM pa ang ka-palit ko,So strictly no break.
Hay ang hirap naman.

Pagkatapos ng 8 hours kong duty ay wala padin ang kapalit ko.Ugh ang sakit na ng binti ko dito.Nasaan na ba kasi si Charbie?! Asar.

"Hi Miss,Can i have one presidential suite?" He said,so naughty.

"Alright sir,May hotel card po ba kayo?" Tanong ko.

"Ay im sorry sir,Uh.Please can i have your hotel card?" Pumiyok ako.Nakalimutan 'ko nasa america nga pala 'ko.

Tumawa siya bago umismid. "Ikaw pala yung nag-OOJT dito"

Napa-kunot ang noo ko.Paano niya alam?

"Im sorry sir,I can't talk to you longer.Eto po yung room number niyo" Nilahad ko sakanya ang lahag pati ang susi pati na din ang plyers at mga posibleng kailanganin niya.

"Charbie.Ikaw nalang mag-asikaso dito.I gotta go!" Bulong 'ko kay Charbie.

Nginisian niya ko. "Okay......Sorry girl ha?"

Binulungan ko ulit siya. "Okay lang"

Paalis na 'ko nang bigla akong sundan nung lalaki.Kahit sila Charbie at pati mga guard at janitor napa-kunot ang noo at nagtaka.Miski ako eh,Nagtaka.

"Miss" He smirked.

Buti nalang gwapo at mukhang matipuno siya.Naka-suit din kaya mukhang mayaman.Mukhang pilipino siya pero mukhang lumaki siya rito.Mukhang mahangin nga lang pero bumagay sa mukha niya.

"Ano yon? Wag mokong pahirapan mag-english ha? Marunong ka namang mag-tagalog" Sinimangutan ko siya.

Tumawa siya. "I found you so funny and cute"

"Uh-huh" Ngumiti ako nang nakakainis.

"Naka-off na ako,Okay? Tapos na ang oras ko sa trabaho.So please? Kung may kailangan ka doon ka nalang sa kapalit kong receptionist,Don't bother me,anyways" Umismid ako.

Bago ako maka-alis ay hinawakan niya agad ako sa wrist.

"Hey? Would you stop bothering me? Im going home.Im tired! Let me go!" I rolled heavenward.

"Hey anak!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Mommy sa likod namin.

Agad akong nagpumiglas sakanya at nilakihan siya ng mata.

"Off mo na?" Nag-beso kami.

Tumango ako.Marihin naman siyang napabaling don sa lalaking nasa gilid ko.

"Oh you're here,Luigi" Bakas' sa mukha ni Mommy ang pagka-galak.Akalain mo nga naman oh.Magkakilala pala sila.

"Magkakilala kayo?" Sabay-sabay naming utas.

Hinarap 'ko si Luigi. "Of course.Di mo ba narinig? I called her Mom,What do you think are we?"

"Hija!" Saway sakin ni Mommy.

"Uhm yes po Tita" Sabi naman nito.

"Wow.Tita huh" Tumaray ako sa kawalan.

"Gale!" Saway ulit sakin ni Mom.

"Oh Gale pala ang name mo,Nice meeting you,Gale" Inilahad niya yung kamay niya.

So anong feeling mo? Iaabot ko yan?

Marihin na tinapik ni Mommy yung likod ko.Pinandilatan niya 'ko.Dun palang sa tingin niya i know what she mean.

Tinanggap ko yun at nakipag-kamay.Ang daming alam.

"Mom,Pwede bang umuwi na tayo? Im hungry" Di padin ako bumabaling kay Luigi.

"Exactly! May dinner tayo ngayon dito sa hotel,Gale!" Sabi ni Mommy.

What the heck?! Kailangan talagang umayon ang panahon sa nararamdaman ko?! Bwiset.

Pumasok ulit kami ng hotel.Kaya pala ganun nalang maki-usyosyo yung mga empleyado sa hotel kasi kilala nila si Luigi.

Nag-expect ako.Akala 'ko malaki at madami kaming kakain pero umupo kami sa six seaters na dining table.Nandun si Mommy,May dalawa ding lalaki at babae na kasing tanda ni Mommy at merong babaeng mukhang mas matanda saming dalawa ni Luigi.Tanstya 'ko ay magkasing-edad or mas ahead lang si Luigi sakin ng one year eh.But i don't know? Let's see.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon